Kabanata 4: Sa Bangungot ni Katrina

56 3 0
                                    

KABANATA 4: SA BANGUNGOT NI KATRINA





"PAANO, MAUNA NA AKO SA INYO AH? Magpapagpag pa kami nitong jowa ko bago kami mag-bebe time," pabirong sabi ni Christian, isa sa mga kaklase namin na dumalo sa libing ni Maureen, habang nakapulupot sa braso niya ang braso ng kaniyang nobya.

"Ingat kayo," tugon naman ni Felipe sa magkasintahan bago umalis ang mga ito. Siya namang lingon niya sa amin nang sa wakas ay maubos na rin ang mga tao na um-attend sa libing ng kaibigan namin. "Kayo? Anong balak niyong gawin ngayon?" tanong niya bago niya ilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.

"Magpapagpag," sagot ni Renald. "Tara, sumama ka na sa amin," aya pa niya sa lalaki.

Umiling naman si Felipe. "Baka mauna na akong umuwi sa bahay. Ang dami kong hindi natapos na gawain dahil sa pagkawala ni Maureen. Baka hindi ako maka-akyat sa stage niyan sa graduation kung hindi na ako magpapasa ng mga requirement ko para sa clearance," aniya bago ngumiti. Ito na ang pinakasinserong ngiti na nakita ko mula sa mukha niya magmula nang mawala ang kaibigan namin.

"Hindi ako papayag." Lumapit si Marga at mabilis na kinawit ang kanang braso niya sa kaliwang braso ni Felipe. "Saglit lang naman tayong magpapagpag. Pagkatapos ihahatid ka rin naman namin sa inyo agad," pangungumbinsi niya sa lalaking nakakunot ang noo habang nakatingin sa kaniya, tila hindi sanay sa lapit nila sa isa't isa.

"Tama. Kung gusto mo tulungan ka na rin namin sa iba mong requirements para mabilis mo ring maipasa agad sa Lunes," gatong pa ni Jhoanna bago nag-thumbs up sa harapan ni Felipe.

Tinanggal ni Felipe ang pagkakahawak ni Marga sa braso niya. "Sige na nga. Saan niyo ba balak magpagpag?" tanong niya bago dumistansya kay Marga. Mahina namang tumawa ang babae sa ginawa niyang paglayo.

"Basta," tugon ni Brian bago umakbay kay Felipe. "P'wede ka nang mambabae ngayon—"

"Siraulo!" agad na sigaw ni Felipe sa tainga ni Brian. Dahil naka-akbay ang huli sa kaniya at magkalapit sila, tila nabingi si Brian sa pagsigaw sa kaniya ni Felipe.

Sinundan pa ito ng pambabatok ni Renald kay Brian mula sa likuran. "Itutulad mo pa 'tong si Felipe sa 'yo. Kaya hindi ka pa rin sinasagot ni Monica hanggang ngayon," ani Renald nang akbayan niya si Brian na ngayo'y hinihimas ang tainga niya na sinigawan ni Felipe.

Nagtawanan na lang kaming lahat sa bangayan nila habang naglalakad kami palabas ng sementeryo kung saan namin inihatid sa huling hantungan si Maureen. Nagpaalam na rin kami sa mga magulang niya na kasabay din naming lumabas sa sementeryo. Bakas pa rin sa mga mukha nila na hindi pa rin nila tanggap ang pagkawala ng anak, bagamat mas maayos na ang mga itsura at postura nila ngayon kumpara nang una nilang malaman ang pagpanaw ng anak.

Kahit sino naman siguro ay hindi makukuntento sa kaparusahan na ipinataw sa mga may sala sa pagkawala ng kaibigan namin. Walang tamang parusa na makakapawi sa sakit na naramdaman at iiwan ng trahedyang ito sa mga nagmamahal kay Maureen.

Lahat kami ngayon ay nakasakay sa van na pagmamay-ari ng pamilya ni Renald. Sa aming magkakaibigan, si Renald ang pinakamatanda at tanging may lisensya para legal na magmaneho ng sasakyan sa ngayon. Dalawang taon kasing huminto sa pag-aaral si Renald kaya medyo late na rin siya na gagraduate sa senior high kumpara sa aming lahat. Pero kahit gano'n pa man, iisipin mo pa rin na ka-edad lang namin siya dahil magaling siyang makisabay sa trip naming magbabarkada.

Bali ang pwesto namin ay apat-apat. Mula sa kanan, ay si Anthony, Felipe, ako, at si Isabella ang nasa unang row sa likuran ng driver's seat. Sa likuran naman namin si Artermis, Marga, Jhoanna, at Tyrese. Samantalang si Harold, Addy, at Marcus naman ang tanging nasa pinakalikuran dahil sa pangdalawahang espasyo na kailangan ni Marcus.

Hiram na AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon