ESPESYAL NA KABANATA 1: PEBRERO 25, 2019
JHOANNA
KALMADO ANG IHIP ng hangin habang pinagmamasdan ko ang dating gusali na pinapasukan naming magkakaklase—ang alma mater namin. Ang paaralan kung saan kami nagtapos ng senior high.
Inipit ko sa likod ng tainga ko ang hibla ng buhok na kumawala rito nang umihip ang hangin.
Bagamat matagal na talaga nang huli akong tumayo sa harapan nito dahil sa mga nagdaang panahon, sa mga mata at isip ko, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Unti-unti ko pa lang ding pinagtatagpi-tagpi ang mga bagay na hindi ko nasaksihan at kinailangan ko na lang maintindihan para makahakbang ako. Kahit pa ako na lang mag-isa ang nanatili, pakiramdam ko naman ako ang naiwan.
Ilang linggo na ang nakakaraan nang magising ako mula sa comatose, na ayon sa mga magulang ko ay dahil sa sunog na nangyari noong gabi ng graduation party namin kila Denice.
Inaasahan ko na sa muli kong paglabas ng ospital, ang mga kaibigan ko agad ang sasalubong sa akin dahil nakwento sa akin nila mama at papa ang palagi nilang pagbisita sa tuwing may oras sila. Habang abala silang lahat sa college, nanatili akong tulog at walang kasiguraduhan na muli pang magigising. Ngayong gising na ako, ako naman ang dumalaw sa mga kaibigan ko.
Isa-isa kong pinuntahan ang bawat puntod nila. Sa kung saan sila nakahimlay. Hindi ko man nagawang magpasalamat sa kanila nang personal dahil naging isa sila sa mga dahilan ng mga magulang ko para huwag sumuko at huwag ipa-cut ang life support system na nanatiling bumubuhay sa akin sa loob ng halos dalawang taon, isa-isa ko naman silang ipinagdasal at ipinagtirik ng kandila.
Ang mga ala-ala naming magkakaibigan ay hinding-hindi mawawala, lalo na rito sa paaralang ito kung saan sabay-sabay kaming nagkaro'n ng mas malawak na pang-unawa sa mundo. It may feel as if it all just happened yesterday, but it's been two years since the greatest memory of our friendship occurred in this place. Tandang-tanda ko pa how we savor the taste of our youth, how we acted free and happy, and how we made our promises.
Lahat 'yon nagsimula rito sa paaralang 'to. And I think for me to finally step up and move forward, is to end it all here by taking my time to reminisce about all the moments we spent here. Especially the day of our Junior and Senior promenade.
"P'RE, AYAN NA CRUSH MO!" sigaw ni Brian bago itulak si Felipe sa may entrance. Mabuti at hindi napalakas ang pagkakatulak ni Brian sa kaniya dahil kung hindi, baka natisod siya at nabangga si Maureen na kakapasok lang sa loob ng venue.
Rinig na rinig ang gahikgik ni Brian at Harold habang pinapanood ang pagkamot sa ulo ni Felipe bago sa wakas ay mag-hi kay Maureen.
"Pustahan tayo, ngayong araw magiging sila niyan," narinig kong bulong ni Brian kay Harold.
"Imposible. Sa ganda niyan ni Maureen, dapat handa na 'yang si Felipe na hindi lang siya ang may intensyon kay Maureen," tugon naman ni Harold.
"Hindi pa naman nanliligaw si Felipe 'di ba?" pagsingit ko kaya sabay silang napalingon sa akin. HIndi ko masiyadong makita ang kabilang side ng mukha nilang dalawa dahil madilim sa loob ng venue, at ang liwanag sa lugar ay nanggagaling lang sa lightings ng stage na maya't mayang umiikot sa closed venue.
BINABASA MO ANG
Hiram na Anino
TerrorUrban Legends Series | Ang kamatayang naiwasan ay utang na dapat pagbayaran. *** A novel. Maaring ang lahat sa atin ay nakasakay na sa pampasaherong jeep kahit man lang isang beses sa buong buhay natin. Pero hindi lahat makakaranas singilin nang mas...