Chapter 1

282 18 1
                                    

Blue's POV 

Hi guys! im Jonmar Villaluna but please don't call me that hahaha, just call me blue yes blue why? dahil sa hilig ko sa blueberry cheesecake so my friends started calling me that, i love blue rin naman so its fine for me,  im currently finishing my bachelor so study hard for us! 


i have two besties, ashley and ivy they are the best we've known each other since 1st year college and until now friends parin kami, mga plastic kasi sila char hahahaha. 


"hoy blue bat natatawa ka dyan?" tanong ni ivy sakin andito kami sa canteen nag memeryenda


"parang gago kasi si kiel oh tignan mo" tinuro ko naman yung tatlong itlog magkakasama na naman. 


the 3 eggs is Kiel, Hadji, and Edward mga ka blockmate namin and naging close na namin dahil kiel is actually courting ashley and edward has secret feelings for ivy. si ivy na lang ata ang walang alam na crush sya ni edward what a manhid right? 


"nako di na naman nakainom ng gamot bebe mo ash" sabi ni ivy na natatawa pa


"inggit ka lang wala kang manliligaw" sabi ni ashley sabay belat


"sheeeeshhh sakit ba?" tanong ko kay ivy hahaha


"luh? sino ka? may bebe ka ba?" masungit na sabi ni  ivy


oshit wala nga rin pala akong bebe hahahahaha nag tawanan lang kaming tatlo at di ko napansin na andito na pala yung tatlong itlog


"hey girls! hi ash hatid kita later ah" sabi ni kiel habang umuupo sa tabi ni ashley, tong si ashley naman parang naging maria clara di makabasag pinggan. 


"lapit na enrollment ah" sabi naman ni edward habang nag aayos ng papers nya


"oo nga kelan ka kaya aamin? ggraduate na tayo" sabi naman ni hadji binatukan naman sya ni edward at nag tawanan lang kami


"nga pala blue andon ka ba sa deans office sa enrollment?" tanong ni kiel sakin 


"oo bakit? may bago ba?" pagsusungit ko 


actually kasi tita ko yung dean and wala akong magawa kundi tumulong for enrollment ayaw kasing kumuha ni tita ng student assistant eh awit ako tuloy naging assistant tas alaws benefit reklamo ko kaya sya sa ched? hahahaha 


"sungit papasuyo ko lang yung pinsan kong mag ttransfer eh" sagot naman nya jusko magiging apat na itlog na sila


"sus madadagdagan na naman kayo" sabi ko sa kanya at inayos ko na ang gamit ko 


"ayaw mo yun? may apat na gwapo dito sa department natin?" pagyayabang ni kiel naka pogi sign pa


"yuck mandiri ka nga sa sinasabi mo" sabi ko at tumayo na ako dahil pupunta pa ako sa deans office napansin ko kasing nagtext na si tita sakin 


"una na ako sa inyo, ingat pag uwe, sabay mo na si ivy edward ah" sabi ko at nabigla naman si edward pero napatango na lang, 


nasa iisang subdivision lang kasi yan sila kaya mas okay na sabay na sila. andito lang kami para mag lakad ng requirements since enrollment na naman next week. 

nakarating naman na rin ako sa faculty at pumasok na ako, binati ko lang yung mga professors na andon at pumasok na ako sa office ng tita ko. 


"sa wakas dumating rin ang bruha" pagbibiro ni tita, ganyan kami mag biruan medyo harsh kung maririnig ng iba pero normal lang samin. 


"nag meryenda lang kami to naman" sabi ko at umupo ako sa sofa


"hoy enrollment ah tumulong ka dito" ayan na naman tayo sabi ko na eh


"oki" sabi ko at pumikit muna ako 


gusto ko rin naman talaga tumulong sa tita ko wala namang problema sakin, nasanay na ako pang apat na taon ko na to dito na doble doble trabaho ko 

malaki rin naman utang na loob ko sa tita ko since ako na naging anak nila. sila na ang alaga sakin mag asawa kulang na nga lang itawag ko sa kanila mama at papa hahaha. 

my parents died na  kasi kaya sila na yung nag alaga sakin, kaya sa kahit anong paraan gusto ko talaga makatulong sa kanila. 

nakita ko yung picture ni mama sa side table at umupo ako nang maayos para kuhain iyon, miss na miss na kita mama ko, bantayan mo ako from above ah. i love you. 

Dawn of LoveWhere stories live. Discover now