Chapter 13

54 10 1
                                    

Blue's POV


after naming mag usap ni dave naging mailap na sya sakin, literally iniiwasan nya ako pero naiintindihan ko rin naman sya bakit nya yun ginagawa, and nag heads up rin naman sya sakin na gagawin nya yun dahil nga gusto nya raw mag move on and kung magiging mag kaibigan raw kami gusto nya wala na syang feelings sakin. 


hindi ko rin sinipot yung double date na plinano nila danerie and  belle kasi ayoko na ngang abalahin pa si dave deserve ng taong malayo sakin. 


monday na at need ko pumasok ng maaga kahit hapon pa ang klase ko dahil may gagawin ako sa office ni tita nag papatulong mag encode ng grades ng lower year nag tuturo rin kasi sya sa lower year kaya yun ang agenda ko for today!


na ikwento ko na rin naman na kila ash and ivy ang nangyare and they are so happy for me and dave. 

...

Danerie's POV

maaga akong pumasok dahil hinatid ko si belle sa klase nya. 


"thank you deej" sabi nya at akmang hahalikan nya ako sa pisnge pero umiwas ako 


"we've talk about this na belle diba?" seryosong sabi ko sa kanya at tumango naman sya at tuluyan ng pumasok sa classroom nila.


pumunta muna ako sa canteen dahil maaga pa nga at mag aalmusal na muna rin ako, umorder lang ako ng food ko at umupo na rin ako sa isang table. 

akmang kakain na ako ng may makita akong pamilyar na pigura na pumasok ng canteen, kakaunti pa lang ang tao kaya naman makikita mo agad kung sino ang pumapasok rito. 

napansin ko ngang si blue iyon, bat ang aga nya? kwento ni ashley kagabe hapon pa klase nya

hindi nya ako napansin pero tinapos ko agad yung pagkain ko para maabutan sya at bumibili pa kasi sya ng inumin nya. 

halos mabulunan na ako sa bilis ng pagkain ko at tumayo narin ako at lumapit sa kanya, bakas naman ang pagkagulat sa mga mata nya dahil andon na ako sa harap nya ngayon


"painom nabubulunan na ako" sabi ko at inagaw ko yung drink na hawak nya at ininom ito


"ayos ka lang ba?" tanong nya sakin pero ang cold ng boses nya, ayos lang ba sya?


"ah oo okay lang, thank you" sabi ko at inaabot ko pabalik yung drink nya


"sige sayo na lang, ate isa pa nga po" sabi nya at inabot ang bayad sa tindera 


"grabe naki sip lang naman diring diri?" pagbibiro ko dito, tumaas naman ang kilay nya at umalis na rin agad


"hoy may nasabi ba ako?" tanong ko sa kanya habang hinahabol sya. apakabilis mo naman mag lakad!


"ano ba blue" hiyaw ko sa kanya pagkahigit na pagkahigit ko sa kanya. 


nagitinginan naman yung mga ibang studyante kaya naman kinuha ko ang kamay nya at dinala sa likod ng building ng makapag usap kami.


"galit ka ba sakin? dahil sa juice?" sabi ko at inangat ko ang baso na hawak hawak ko pero di parin sya umiimik


"ano ba blue? seryoso ba? im sorry pagkano ba to babayaran ko na lang" sabi ko at kinuha ko ang wallet ko


"sayo na nga yan di ko naman pinapabayad sayo" sabi nya with her cold voice and started to walk away again


"ano ba problema blue? di naman tayo ganto ah" sabi ko sa kanya


napatigil sya at humarap sakin na umiiyak na


"putang ina mo! gusto kita! mahal kita! masaya kana? tigilan mo na ako!" walang emosyon nyang sabi at tuluyan na nga syang umalis


naiwan ako doon na nakatulala at pinagmamasdan syang tumakbo papalayo sakin, totoo ba blue? gusto mo ako? mahal mo ako? fawk bat ganto? bakit nagloloko itong puso ko ?  

Dawn of LoveWhere stories live. Discover now