Blue's POV
di ko parin alam kung anong sasabihin ko, how did deej knows? nakilala nya ba ako? HOWWWW??
tinggal ko yung kamay nya at tinignan ko sya, tapos sya eto biglang ngumiti fawk!!! itago mo yang dimples mo pleaseeee?
"paano mo nalaman na ako to?" seryosong tanong ko sa kanya.
"kay dean, sa tita mo, andon kasi picture ni tita rose" nakapasok sya sa office ni tita? bakit?
"ah ganun ba" yun lang ang sinagot ko at humigop ako ng kape
"so bakit ayaw mong ipa-alam sakin?" seryosong tanong nya naman.
"di ko alam kung paano, syempre ang laki na ng pinagbago ko kumaparadati" sabi ko sa kanya at napayuko na lang ako.
"sus kahit naging dinosaur ka ba? hahaha, alam mo blue dami natin pinag samahan dati saka pinagdaanan na rin tas biglang di mo sasabihin na ikaw yan"
"wala namang kaso sakin yan growing up sa america marami akong naging kaibigan na kagaya mo kaya walang kaso sakin yan lalo na ikaw pa yan bestfriend tayo diba? " sabi nya at ngumiti sakin
oo nga naman, the deej i know doesn't judge someone, he is one of the kindest person i know kaya nga ako nahulog eh imagine bata pa lang kami crush ko na sya because of his character. bakit nga ba di ko naisip yun?
"so how's tita?" tanong nya habang sumusubo ng cheesecake. di nya pa nga pala alam ang nangyare kay mama
"she's gone deej" malungkot na tugon ko sa kanya, bigla naman sya napatingin sakin
"im sorry blue di ko alam" sabi nya at hinawakan nya kamay ko
"wala yun, natalo sya ng cancer eh" sabi ko at di ko napansin na umiiyak na pala ako i just remember how mama died.
"alam mo ba sobrang thankful parin ako kay mama? nakakatuwa nga eh inantay nya pa akong grumaduate ng high school"
"the day of my graduation biglang bumagsak ang katawan nya. umuwe ako sa bahay dala ang diploma ko kitang kita ko sa mga mata nya non na sobrang proud sya sakin"
"kinagabihan tumabi ako sa kanya sa pag tulog, nagising ako around 2am, and when i look at her she was crying, her hands are so cold" di ko na napigilan pero umiyak na ako talaga, umalis naman si dj sa kinauupuan nya at tinabihan ako yinakap nya ako
"deej! inantay nya lang ako grumaduate" sabi ko sa bawat hikbi ko
"she was the only one i have that time deej"
"bakit lahat ng taong minamahal ko iniiwan ako?"
danerie just hugged me until makakalma ako, he wiped my tears from my face
"tita is here blue, for sure maski si tito. and i promise you blue last na yun na iiwan kita. andito na ako, andito na ang bestfriend mo" sabi nya at yinakap nya ako ule
ewan ko siguro dahil si danerie to kaya somehow i feel complete and home? is this puppy love still? self please don't fall too hard. masasaktan ka lang.