Chapter 5

110 15 3
                                    

Blue's POV

buong break iniisip ko kung paano ko sasabihin kay danerie na ako to, si jonmar na kababata mo, somehow i cannot find the right words and fck i don't know how!!!!!

"ang lalim naman ng iniisip nyan" sabi ni tita andito kasi ako ngayon sa sala eh manunuod sana ako ng tv pero wala ako sa focus ayaw umalis ni deej sa isip ko

"wala po" sabi ko naman, pero tumingin ako sa kanya at nakataas ang kilay nya 

"ehhhh kasi naman tita, remember deej? yung kinikwento ko sayo" sabi ko, di naman na nya ako tatantanan might as well sabihin ko na lang sa kanya. malay mo matulungan nya pa ako right?

"oh what about him? nakita mo na?" she casually asked. 

"oo, kahapon nag transfer sya" sabi ko at kinuha ko yung throw pillow at sinalpak sa mukha ko at tumili ako on top of my lungs!

"hahahaha, oh ano pinoproblema mo ngayon? atleast andyan na sya masasagot na nya ang pag ibig mo" sabi ni tita at kinuha yung throw pillow sakin

"aba kung ganon lang kadali ehh look naman how i look dati" sabi ko at pinakita ko yung picture ko noong kabataan ko

"hmmm well there's changes but i can see the resemblance parin maybe makilala ka naman nya" sabi ni tita at tinitignan nya parin yung picture ko sabay titingin rin sakin. 

"eh pano kung hindi?" tanong ko sa kanya nagkipit balikat lang sya at nagpakawala lang ako ng malalim na hinga

o'Lord how can you do this to me? yes i asked him to you but di ko alam gagawin ko what should i do???? 

----

mabilis dumaan ang araw at little did i know start na ng klase, am i ready to see deej? of course! of course not!!!!! 

"huy teh ang aligaga mo naman dyan" sita sakin ni ivy andito kasi kami natambay sa hallway may mga bangko kasi here and naisipan namin dito na lang maupo since mainit sa labas. 

"ghorl paano kung biglang andyan si deej?" bulong ko sa kanila, dahil the eff ayokong may makarinig sakin no

"oh speaking of the devil" sabi ni ashley at ngumuso sya sa likod ko, pagtingin ko ayun na nga yung tatlo kasama nya.

akmang aalis na ako pero dumating na sila at sinamaan ako nung dalawa ng tingin kaya hindi rin ako nakaalis.

"hi ash! sama kayo lunch?" masayang aya ni kiel, omg! bat naman ngayon ka pa mag aaya

"pakilala mo naman pinsan mo pre" sabi ni hadji 

"ay my bad! deej si ashley kilala mo naman na diba, eto si ivy tas eto kahit wag mo na pansinin tong masungit na to" sabi ni kiel. putangina talaga neto eh

"hahahaha grabe ka kay blue! si blue yan deej" sabi ni edward. i need to get out of here.

"thank you edward, nice to meet you deej? tama ba? ikaw kiel wag kana mag taka kung bbustedin ka nitong ni ashley ha" singhal ko sa kanila kamot ulo naman si kiel.

kiel and i are actually close naging ireg kasi kami nyan at may dalawang subject na kami lang mag kaklase so naging close na kami that's why ganun na lang rin kung mag bardagulan. 

"deej, danerie, is fine wag lang james hahahaha" natatawang sabi ni danerie omg that smile! 

"ikaw blue bakit umalis ka bigla nung andon kami sa faculty grabe ka samin" sabi ni edward at inakbayan ako. fck bat naman kasi binabalikan pa yun?!

"ano uhm.. uh masama pakiramdam ko kaya pumasok muna ako office" sabi ko naman tumango naman silang tatlo pero si kiel nakangiti lang sakin, the fck wag mong sabihing nahahalata na ako?????

"nga pala deej etong si blue pamangkin yan ng dean" sabi ni hadji tumango naman si danerie

"hmm i see, you look familiar nga eh i just don't know kung sino at saan tayo nag kita pero parang nag kita na tayo" my heart stops after danerie said that. 

ashley and ivy are looking at me somehow their eyes are saying "magpakilala kana" kind a say. 

"ahh, baka nakasalubong lang dati or such" sabi ko naman, ash and ivy look disappointed sa sinabe ko

"baka sa dating app? hahahaha" biro ni kiel, natawa naman si danerie 

"baka nag da-dating app" mayabang kong sabi. 

"wow porke dami manliligaw, sabagay di mo nga naman kaylangan" sabi ni edward at nag tawanan na naman sila.

how long can this dawn of love of mine can last? umalis kana sa isip ko danerie!!!!! alam ko naman na hindi ako and andyan sa puso mo in the first place. please leave me alone na!  

Dawn of LoveWhere stories live. Discover now