Blue's POV
maaga ako bumangon dahil mag hahanda pa ako nang almusal namin nila tita at tito, start na kasi ng enrollment eh isang linggo na namang puro papel ang haharapin ko hahahaha
pagktapos kong maligo bumaba na ako para mag luto pero naunahan ako ni tito, kaming dalawa kasi ang nag uunahan sa pag luto ng almusal syempre nahihiya rin naman ako sa kanila kaya gusto ko bumawe in any way possible
"goodmorning asul! ala na unahan kita hahahaha" masigla nyang pagyayabang habang nag luluto ng itlog
"daya! sabi ko kagabe ako magluluto eh" sabi ko naman habang nag titimpla ng kape
"hayaan mo na mabubusy kayo ngayon nang tita mo dapat marami kayo energy" sabi naman nya as if namang di nya need nang energy
"wow big words coming from someone na sa registrar nag wo-work parang mas need mo ang energy tito" sabi ko sa kanya at umupo na ako ng mesa tapos na rin kasi sya magluto
"oo nga no? hahahahaha" nag tawanan naman kaming dalawa
sa registrar kasi sya nag wo-work, alam nyo naman registrar ang pinaka busy na office every enrollment. nagising na pala si tita at sinaluhan na kaming mag almusal
"blue mamaya tulungan mo na lang muna si maria ah medyo di nya pa gamay ang system" sabi ni tita habang kumakain ng pandesal.
si ate maria ang bagong assistant ng faculty medyo di sya marunong pagdating sa computer pero i know she can manage.
"marami rin pa lang transferee haynako" sabi ni tita habang nag kakape
"osya bilisan mo na asul at nang makapasok na" sabi ni tita at sabay na silang umalis ni tito
kitang kita sa mga mata nila ang pagod, hays! don't worry guys babawe ako sa inyo, niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan ito. nakaligo na rin naman na ako kaya wala na rin akong gagawin
nang matapos na ako mag hugas nakita ko naman si tito na nag sasapatos na.
"sana di mo hinugasan maya maya andyan naman na si manang beth" si manang beth naman yung nag babantay sa bahay, naglilinis at nag lalaba ayoko iwan sa kanya yung hugasin since konti lang rin naman yun.
"nako tito iilang baso at platito lang yun iiwan ko pa kay manang" biro ko sa kanya, tumayo naman sya at ginulo ang buhok ko
"hays salamat ah blue pinapadali mo lahat ng bagay" sabi nya at nginitian ko lang sya.
nakita ko naman si tita na nakatingin samin at nakangiti rin, bumaba na sya at huminto sa harap ko.
"salamat asul ah, kung di dahil sayo di ko alam kung nasan kami ngayon" sabi nya at yinakap ako.
"maraming salamat rin po sa inyo" sabi ko sa tita ko habang nagyayakapan kami.
ewan minsan talaga ganto silang mag asawa, sobrang sweet! ilang beses na kasing nalaglagan si tita and at some point na depress sya dahil sumabay pa sa pagkawala ni mama ko.
syempre only kapatid nya tapos yung pwede sanang maging anak nya naging angel. so i saw the hard times of them lalo na ni tita. i stayed by their side dahil sa wala rin naman ako mapupuntahan.
tinuring nila akong tunay na anak, at im forever grateful for them.
umalis rin naman kami agad sa bahay at nakarating rin agad sa university, pagpunta namin sa faculty medyo may pila na ang aga naman nila hahaha
"good morning sa inyoooooo" sigaw ko pag pasok na pag pasok ko sa office
nagtinginan naman sakin yung mga professor at binati ako, mag e-eight na pala. 8:30 kasi nag oopen ang system so 8:30 kami mag sstart so habang wala pa inayos ko na lang yung mga gamit at sineperate ko yung mga forms by year
"thank you blue ah at sinamahan mo ako" sabi ni ate maria
"nako wala yun ate, happy to serve!!" masiglang sabi ko naman sa kanya.
start na nang enrollment, minsan may advantage rin na andito ako eh you know what i mean? hahahahahahaha