Chapter 17

64 11 4
                                    

Danerie's POV

hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nga ba naging ganon ang approach ko kay blue, siguro nabigla lang ako sa mga nangyari pero alam ko naman na may kasalanan rin ako.


"ASAN SI DANERIE?"rinig kong sigaw ni kiel kahit nasa loob ako ng aking kwarto


lumabas ako para tignan kung bakit sya nagsisisigaw doon sa baba.


"bakit ?" seryoso kong tanong sa kanya napatingin naman sya sakin at kitang kita sa mga mata nya ang galit


"anong ginagawa mo ? bakit mo ginawa mo yun?" sunod sunod na tanong sakin ni kiel


"anong ginawa?"  tanong ko naman sa kanya, siguro nga ay nag sabi na si blue sa kung ano nangyari kanina


"nakakahiya ka! pinsan ba talaga kita? bakit hindi mo muna inalam yung buong nangyari bago mo kausapin si blue ng ganon?" tanong nya sakin, anong nangyari? eh kitang kita naman sa video na sinampal ni blue si belle


"kitang kita ng dalawang mata ko.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinakita ni kiel sakin yung video sa phone nya


"kuha yan ng cctv that time, sinet up ni belle at ng kaibigan nya si blue" kalmang sinabi ni kiel


"i hope you apologize to person, mahal ka nung tao deej paulit ulit mo lang sya sinasaktan sa ginagawa mo" kiel


he left me there thinking everything, nakakaputang ina naman ang bobo mo talaga danerie tama sila bakit mo agad pinaniwalaan si belle bakit hindi mo muna kinausap si blue? 


agad akong nag bihis para puntahan si belle i need to do this right! masyado na akong maraming kasalanan kay blue, pagdating ko sa bahay nila belle maraming tao nag lalabas pasok. saktong may lumabas kaya tinanong ko kung ano meron.


"birthday ng nanay ni belle" yun lang ang sinagot nya at umalis na rin


pumasok naman ako since marami namang nag lalabas pasok and there i saw belle dancing while drinking, wow just wow i made sure na makikita nya ako kaya when she saw me talaga namang nagulat sya. tsk


she told me may sakit sya at hindi sya umiinom or kahit naninigarilyo dahil makakasama nga raw yun sa health nya pinaniwalaan ko sya kasi maski mama nya sinusupport yung claim nya na yun, eh anong ginagawa nya ngayon?? the fuck?


"danerie let me explain" habol sakin ni belle andito na kami ngayon sa labas ng bahay nila at pinag titinginan na kami ng mga tao


"anong explain? sige nga mag explain ka ano yan? bakit ka umiinom hindi ba't may sakit ka?" galit kong tanong sa kanya


"sakit? sinong may sakit?" singit ng isang may edad na lalaki sa usapan namin


"si belle po sabi nya may sakit sya at bawal sa kanya ang alak at sigarilyo" sabi ko dito


"hahahaha naniwala ka naman? sus walang araw na hindi umiinom yan! yosi bawal? hahaha kaya pala ang daming sigarilyo sa kwarto nya" tuloy tuloy na sabi ng lalaki 

"sa susunod toy wag kang maniniwala sa babaeng yan isa yan sa pinaka sinungaling na taong kilala ko" dagdag ng lalaki


"hindi ka ba titigil? umalis kana nga! bakit ba andito ka?" sigaw ni belle doon sa lalaki


"bakit? birthday ng mama mo diba? pagkatapos mong sabihin sa nanay mong may babae ako kahit na wala ganyan yan kasinungaling! gusto nya sya lang ang bida" sabi ng lalaki at tuluyan ng umalis


tinignan ako ni belle at bakas sa mukha nya ang takot 


"sino yun?" tanong ko sa kanya


"step father ko" walang emosyon nyang sagot


"totoo ba yung mga sinabi nya?" tanong ko sa kanya


"please danerie sakin ka lang maniwala may sakit talaga ako" sabi nya at mukhang maiiyak na


"kung may sakit ka bakit ka umiinom? kitang kita ng dalawang mata ko sobrang saya mo pa nga sumasayaw ka pa doon kanina" galit kong sabi


"gusto ko lang makalimot" sagot nya at humikbi na nga sya 


"makalimot saan?" tanong ko 


"sa ginawa ni blue, hindi ko naman kasi akalain na sya pa mang-gaganon sakin, of all people danerie! would you believe it? yung childhood friend ko pa gaganon sakin syempre masakit yung para sakin" she said between her sobs


"ah talaga ba? napanuod ko na kasi yung buong nangyari eh parang iba naman yung version mo sa kuha ng cctv?" seryoso kong tanong sa kanya


gulat na gulat sya sa sinabi ko at akmang may sasabihin pa sya sakin pero di ko na sya pinag salita


"tama na belle, masaya ka ba sa ginawa mo sakin? napaikot mo ako sa mga palad mo? tama na please! ayoko ng makita ka" 


at tuluyan na nga akong umalis, this is the first step blue im sorry for taking you for granteed im sorry kung wala ako sa tabi mo noon. i will do my best na makabawi sayo blue. i promised! 

Dawn of LoveWhere stories live. Discover now