Chapter 4

84 9 1
                                    

Blue's POV

naging mabilis naman yung mga sumunod na araw at last 2 days na lang ng enrollment wala na masyadong nag eenroll dahil marami na nga nakaenroll.


"ano ate nakukuha mo na ba?" tanong ko kay ate maria tinuturo ko kasi sa kanya kung ano mga nakalagay sa system and kung ano gagawin nya. 


"oo salamat ah" sabi nya sakin. 


ngumiti lang ako dahil im happy that nakakatulong ako sa kanya, maya maya pa may pumasok ng office, pagtingin ko si kiel lang pala kasama yung dalawa pang itlog


"sa wakas wala nang tao" sabi nya pagpasok na pagpasok nya


"ano tingin mo samin? siraulo! nakapag enroll na kayo ah?" singhal ko sa kanilang tatlo mang gugulo na naman kasi 


"napakasungit naman kahit kelan" sabi ni edward sinamaan ko lang sya ng tingin


"wag kana magalit ganda, diba sabi ko yung pinsan ko mag ttransfer" sabi nya naman, tsk 4th year na mag ttransfer pa


"oh nasan na sya?" tanong ko 


sakto namang nahulog yung ballpen ko at tinawag naman ni hadji yung pinsan ni kiel. pag angat ko ng ulo ko may nakaupo nang lalaki sa harap ni ate maria. 

nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko, wait lang anong ginagawa mo dito? 


"huy parang nakakita ka nang multo ah?" sabi ni kiel, dun lang ako natauhan at nagsimula nang mag encode ng details nya. 


name nya Danerie James Del Rosario is this you deej? is this really you? 


"okay na ba blue?" tanong ni ate maria at di ako nakasagot agad kaya kinalabit nya pa ako


"ah ano uhm.... ano uh oo tapos na okay na" sabi ko at inabot ko yung papel 


tumayo naman ako agad at pumasok sa office ni tita, nagulat naman yung tita ko sa naging asta ko


"oh napano ka?" pag aalala nya


pumunta ako sa loob nang cr at nilock ito, tinignan ko ang sarili ko sa salmin at kitang kitang gulat na gulat parin ako. what the fuck! what are you doing here? 

hindi mo ba ako nakikilala? danerie! deej! ganun ba kalaki ang pinagbago ko? at muli akong napatingin sa salamin, malaki nga pinag bago mo Jonmar. 

kung dati lalaking lalaki ka, ngayon di ka makabasag pinggan. arghh andito kana pero paano ko naman sasabihin sayong ako to. ako to yung kalaro mo dati.

why the fuck this puppy love doesn't die????!


paglabas ko nang cr wala na si tita don kaya lumabas na ako andito pala sya sa labas kinakausap si ate maria, sila kiel naman at danerie wala na rin. 


"oh okay kana ba?" tanong ni tita tumango naman ako 


"tita nagtext kasi sila ivy gusto mag bond okay lang po ba?" tanong ko sa kanya need ko makausap yung mga tanga


"oo sige malapit na rin naman na mag 5, basta umuwe ka rin agad ah" sagot nya, 5pm kasi nag cclose yung system so 5pm rin natatapos enrollment


tumango ako at lumabas na ako ng campus pumasok ako sa isang coffe shop sa tapat ng campus at umorder ng kape at ng fave kong blueberry cheesecake. naghanap naman ako agad ng upuan pagkakuha ko ng order ko.


natext ko na kanina sila ivy nung nasa cr pa lang ako so for sure malapit na rin sila, at ayun sabay nga sila dumating, sumenyas silang oorder muna sila at tumango naman ako. nakalimutan ko pala sila orderan fake friend yarn? hahaha

di rin nagtagal nakuha na nila order nila at lumapit sakin at umupo.


"eh kung na orderan mo kami sana di kana nag antay dyan diba" reklamo ni ivy habang nag tutusok ng straw sa drink nya


"dami ebas naka order kana nga" singhal ko sa kanya


"so ano ba problema mo?" tanong ni ashley


"eto na nga, di ko alam kung ano gagawin ko pero kasi  si danerie nakita ko kanina" sabi ko at muntik pang mabuga ni ashley yung iniinom nya


"saan ? kinausap mo ba?" dali daling tanong ni ivy


"kanina! sya pala yung pinsan ni kiel na sinasabi nya" sabi ko nanlaki naman ang mata ni ashley


"si deej? si deej yung danerie?" gulat na gulat na tanong ni ashley


"oo nakita mo na sya?"  tanong ko sa sakanya


"bhie! remember nung weekend birthday ni tita, mommy ni kiel syempre pumunta ako don and andon si deej pinakilala ni kiel di ko naman alam na danerie james pala pangalan nun, di ko rin kasi pinag kakausap dahil yung ate ni kiel chinichika ako" kwento ni ashley 


"so meaning sa campus na sya papasok and sa department natin?" pag ssure ni ivy, tumango naman ako sa kanya


"wow! edi finally nakita mo na sya need mo  na lang umamin, wait di ka ba nya nakilala kanina?" tanong ni ashley 


"teh! look naman sa fes ko, ibang iba na kung dati ako si Jonmar miss ma'am im Blue na!" sabi ko sa kanila sabay kain ng blueberry cheesecake


"OMG! oo nga laking transformation mo, so kelan mo sasabihin na ikaw yan si jonmar?" tanong ni ivy


"di ko sasabihin" mabilis kong sagot binato naman ako ni ashley ng tissue


"loka ka! sabihin mo pano mag pprogress love life mo nyan?" sabi nya sakin


"teh! natatakot ako, paano kung di pala sya you know" sabi ko sa kanila


tumango naman sila parehas, bat naman kasi bigla bigla kang dumarating deej? di naman ako ready sa pagbabalik mo! 

Dawn of LoveWhere stories live. Discover now