Blue's POV
of all people na pwedeng makakita sa nangyare samin ni danerie eh si dave pa juskwo galit na galit ang lolo nyo
"please wag mo na sya kakausapin! grabe pala ginagawa nila sayo di mo deserve yang ganyan"
paulit ulit lang naman nyang sinabi yan at sya rin ang chumika sa mga kaibigan ko ng nangyare wala rin naman kasi ako balak sabihin kila ash and ivy yun pero wala eh pati tuloy sila kiel nalaman nila hays.
ayoko naman kasi i-hate nila si danerie because of me syempre pinsan ni kiel si danerie and friends rin sila nung mga itlog kaya di rin maganda na mag away away sila dahil lang sakin.
" sinabihan ko na si danerie blue, ako na mag sosorry on behalf of him" malungkot na sabi ni kiel
andito kami ngayon sa bago naming tambayan sa campus may isang room kasi dito sa department namin na wala talagang gumagamit so tinambayan na lang namin.
"di naman ikaw ang may kasalanan kiel wala yun" sabi ko sa kanya at ngumiti
"baka naman isang ngiti lang nyan lumambot kana agad" sabi ni ash na nakataas pa ng kilay
"nako ha blue sinasabi ko sayo wag mo syang patawarin agad jusko yung ginawa nila sayo!" galit na sabi naman ni ivy
"eh ? sino ba ako para hindi mag patawad?" tanong ko
"ayan! ayan! wala pa nga nag papatawad kana, pwede ka naman mag patawad pero patagalin mo naman" natatawang sabi ni ivy
after nya mag sabi nun saktong may nag text sakin
From: Deej
Hi blue, pwede ka ba makausap? wala ka kasi sa deans office di rin kita makita here sa campus, pwede ba tayo mag kita?
..
"sino yan?" tanong ni ivy at akmang lalapit sya para tignan kung sino yung nag text
"ah si tita hinahanap ako, later na lang" sabi ko
tumango naman sila lahat at hinayaan na akong makaalis.
ano ba blueeee! kakasabi lang ng mga friends mo na wag kang magiging marupok pero ano to?? pero i think kaylangan rin naman mag usap.
gusto ni danerie na sa coffee shop na lang kami mag kita sa tapat ng campus pero di ako pumayag dahil baka makita lang kami don nila ivy at pagalitan lang ako
tinext ko sya na sa mall na lang kami mag kita since di rin naman yun ganoon kalayo sa school. pagdating ko sa mall andon sya sa entrance at nag aantay, mukhang nakita naman nya ako agad kaya kumaway kaway ito.
"kanina ka pa?" tanong ko pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya
"ah hindi kararating ko lang rin" sabi nya naman at ngiting ngiti naman ito "tara pasok tayo" dugtong nya
tumango lang ako at sinundan sya papasok ilang minuto rin kaming nag lalalakad pero wala paring nag sasalita sa amin
"lets eat what do you want?" him breaking the silence
"hmm kahit ano" sagot ko sa kanya dahil wala rin akong maisip
"samgyup kaya?" nakangiti nyang tanong
"ah i dont like samgyup" sabi ko naman sa kanya
tumango tango sya at natahimik na naman kaming dalawa jusko lord sumasakit na paa ko kakalakad ha!
"tara dito na lang tayo" aya nya sakin at di na nya hinintay ang sagot ko at hinawakan na nya ang aking kamay papasok ng isang resto
"for 2 po" sagot nya sa host na nag tanong sa kanya kung for ilang table ba daw.
tumango naman ang babae at pinasunod nya na kami sa kanya, di rin nag tagal nakarating rin kami sa table namin
"here's your menu po, feel free to call me po if you're ready to order" sabi nung host na nag hatid sa amin
"ah no, alam ko naman na ang kakainin namin, uhm sinigang na pork isa with rice and kare kare with rice then dalawang mango shake and 1 slice of this blueberry cheesecake" masayang sabi ni danerie
kaloka to di man lang ako tinanong kung gusto ko ba yung mga pinag oorder nya! jusko to! inulit lang ng host yung order ni danerie at umalis na rin
after nya umalis the silence won again jusko ano ba self bat ayaw mo mag salita!
"kala ko naman nung pumayag kang magkita tayo makakapag usap tayo" danerie
"ha?" takang tanong ko
"ayaw mo kasi mag salita kaya yung favorite mo na lang inorder ko" sabi nya
"im sorry for every thing blue di ko rin alam kung ano pumasok sa isip ko, ang totoo nyan belle told me na may sakit sya"
"and then sabi nya she cant smoke or drink because of it, pero napatunayan ko nang gawa gawa lang nya yun i saw her drinking last night" kwento ni danerie at tumingin sya sakin
"im sorry blue, alam kong sobrang mali ng ginawa ko dahil hindi kita pinakinggan, or hindi man lang ako nag tanong sayo in the first place"
"im sorry alam kong mahirap pero sana mapatawad mo ako" malungkot na pahayag ni danerie
tinignan ko lang sya ng mabuti sa mata nya at nakita ko naman na sincere sya sa mga binitawan nyang salita
"please give me some time, medyo masakit kasi" sabi ko sa kanya with my bittersweet smile.
"i understand pero sana wag mo kong pigilan to show you how sorry i am" he smiled after he said that
tumango ako at ngumiti rin sa kanya, ayokong pigilan ka pero sana wag ako mafall lalo sa kung ano man ang balak mo gawin.