Chapter 15

61 9 2
                                    

Blue's POV

  naglakad ako pabalik kung saan nakatambay yung mga kaibigan ko, at di pa ako nakakalapit pero napansin na siguro nila na di ako okay kaya naman sila na lang ang lumapit sa akin.


"anong nangyare?" nag aalalang tanong ni ivy sakin 


sunod sunod naman silang nagsi-datingan at tinatanong ako kung ano ba ang nangyare pero isa lang ang tumatakbo sa isip ko, na sana hindi nya iupload ang video at kay danerie na lang nya ipakita total yun lang naman gusto nya diba?


"sumagot ka naman blue ano nangyare?" tanong ni ivy this time kinuha na nya ang mukha ko at hinarap sa kanya 


"bakit ka umiiyak?" ivy


doon ko lang napansin na umiiyak na pala ako bakit nga ba ako umiiyak? para saan ba tong luha na to? sa takot ko na kumalat yung video? o sa kung ano magiging reaction ni danerie once makita nya yung video? 


"sige iwan muna namin kayo" sabi ni edward at tinapik nya si hadji at kiel para bigyan kami ng time makapagusap nila ivy at ash


"now talk what happened? ano ginawa nung bruha na yun sayo?" galit na tanong ni ashley


napaupo ako sa bench malapit sa amin at sumunod naman silang dalawa, tinignan ko sila at parehas silang nag aantay ng kwento ko, huminga ako ng malalim bago ako mag salita


"dinala ako ni belle sa parking lot kanina" panimula ko, hinawakan naman ni ivy yung kamay ko at pinisil pisil ito. 

"kinausap nya ako na layuan ko na si danerie, pero ang sabi ko naman wala akong ginagawa sa kanila bakit need nya ako kausapin reagarding don, turns out nakwento ni deej yung confession ko sa kanya kahapon" kwento ko at yumuko ako, bakit ba need mo pa sabihin sa kanya deej? hindi ba pwedeng sarilihin mo na lang ? 


"wait what? bakit nya sinabi kay belle?" tanong ni ashley, and i just shrug


"remember sabi ni  kiel, baka sila na nga at di na magawang mag lihim ni danerie sa kanya" ivy, well it make sense kung bf gf nga naman sila magiging mas open na sila sa isat isa


"yun lang ba nangyari?" tanong ni ashley, napatingin ako sa kanya at umiling


"ikwento mo lahat ng nangyari please" pakikiusap ni ivy


"when i was about to leave kasi ang non sense na nga ng sinasabi ni belle, hinigit nya ako at sinampal.."


"WHHAAAAAT? THE NERVE???" sigaw nilang dalawa at napatayo pa nga, hinila ko silang dalawa pabalik sa upuan. 


"ano ba ang iingay nyo" reklamo ko sa kanilang dalawa


"sinong di iingay nakakaloka sya! mas nakakaloka ka bakit hindi ka gumanti?" naiinis na sabi ni ashley at si ivy naman tumatango tango pa


"sinong nag sabing di ako gumanti, sinampal ko rin sya pero ang gaga may alagad palang nag vivideo! they took a video of me slapping belle" sabi ko at napayuko 


"what? ang gaga talaga non! im sorry ah pero kapag nakita ko yun masasampal ko na lang din sya wag nyo ko pipigilan" galit na sabi ni ashley


"are you worried about danerie might see the vid?" seryosong tanong ni ivy 


"anong might?  talagang makikita nya yun, lets assume na sila na nga eh talaga namang mag susumbong yung gaga na yun kay deej" inis na sabi ni ashley


"pero wala ka namang kasalanan blue she provoked you!" ivy


"di naman ako nag aalala kung makita man yun ni danerie, well kung makita man ni danerie yun at paniwalaan nya yung video eh mag  sama na sila parehas silang tanga" sabi ko at napahinga ako ng malalim

"mas nag aalala ako kung makita man yun ni tita or ng ibang students, ano na lang iisipin nila? na yung pamangkin ng dean eh bardagulera? " naiiyak kong pahayag sa kanila


"for sure may way para magawan to ng solusyon" sabi ni ashley 


"hindi ba't may cctv sa buong campus??" tanong ni ivy 


napatingin naman kami ni ashley sa kanya at para bang nabuhayan ang loob ko, na oo nga may mga cctv! pero sana naman makita yung spot namin don sa parking


"lets just pray na nakita kayo para mabalewala yung vid ni tanga" ashley na inis na inis parin.


malaking pasasalamat ko  talaga sa mga kaibigan ko na to dahil palagi silang andito para sa akin hayss! bakit kasi bumalik ka pa danerie? mas lalong naging madrama tuloy yung buhay ko. 


pumunta ako sa office para makausap si tita di ko na aantayin na makita nya yung vid na galing kay belle mag sasabi na rin ako sa kanya kung ano talaga ang nangyari. 


"wag kang mag alala kakausapin ko ang security bukas na bukas rin pero for now lets just go home  ng makapag pahinga ka" tita


na ikwento ko na kay tita yung nangyare at naiintindihan naman nya ako, medyo pinangaralan lang dahil sana daw mas naging patient ako pero wala eh kamay ko na mismo ang dumampi sa pisnge ni belle kaya nag sorry na lang ako kay tita sa nangyare.

ayun okay lang naman daw yun at kakausapin nya nga daw ang head of security bukas to check sa nangyare. 

hays, sana di kana pala bumalik danerie naging mas komplikado yung buhay ko! 

Dawn of LoveWhere stories live. Discover now