Chapter Fourteen

21 0 0
                                    

Wala sa magandang mood si Sera habang naglalakad sa ulan. Kasabay ng malakas na ulan, siya ay binabalot ng maraming alalahanin.

"Ang galing mong manghamak ng tao, Liejel, dahil marami kang pera, kaya binaligtad mo ang lahat, at minamaliit mo ang isang tulad ko dahil lang sa mahirap ako, at pinagbintangan mo pa akong mistress," buntong-hininga niya. Tumigil siya saglit para hintayin na tumila ang ulan. Bigla niyang tinignan ang phone niya kung nag-text sa kanya ang papa niya. Ngunit sa kasamaang palad, ang tiyahin niya, si Lucila pala ang nagpadala sa kanya ng mensahe.

"Paano ko babayaran iyon? Ayokong gamitin ang ipon ko para bayaran ang utang niya, lalo na't wala akong kinalaman doon. Tsaka wala akong alam sa utang niya. Naniniwala akong nagiging abusado ang tiyahin ko." Na-overwhelm siya sa text message ni Tita Lucila dahil nanghihingi na naman ito ng pera sa kanya, at nadiskubre ng tiyahin niya na ikakasal na siya kay Nigel.

Nasabi niya ang mga salitang iyon sa patahimik na tono nang hindi niya alam.

"Gaano ka na katagal nakatambay dito? Delikado dito ah."

Ang pamilyar na boses ang nagpabalik sa kanya sa realidad. Hindi makatingin si Sera sa mga mata ng taong iyon.

"Wala po, Sir Jay, may lakad lang po ako para magpalipas ng oras," katwiran ni Sera. Si Jay ay kapitbahay nila sa nayon na nakilala na si Sera matapos bumili ng kung ano-ano sa kanyang tindahan, na malapit din sa mansyon ng kanyang ama.

"Baka magkasakit ka, Sera. Gumamit ka muna ng payong, malakas ang resistensya ko; Pupunta lang ako sa bayan para ibigay ang mga gulay na ito sa palengke at tingnan kung kailan ko maibebenta," mungkahi ni Jay.

Hindi niya inaasahan na ipahiram sa kanya ni Jay ang payong na hawak nito. Napansin din ni Sera ang tatlong supot na puno ng gulay.

"Sa tingin ko mas kailangan n'yo po 'yan at late na rin po. You're working hard," sagot ni Sera.

"Hindi. Gamitin mo na lang yan, Sera. Pwede mo na lang ibalik if ever magkita tayo sa village," seryosong sagot ni Jay.

"Sige po, mag-iingat kayo sa pag-uwi," sagot ni Sera na may pinong ngiti. Napabuntong-hininga siya nang mapagtantong hindi niya alam kung paano babalik sa mansyon. Nag-aalala rin siya sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Namalayan na lang niya na sumakay na si Jay ng taxi papuntang bayan. Naisip niya na dapat ay tinanong niya ito kung paano bumalik para hindi siya maligaw. Ang una niyang naisip ay tawagan ang kanyang ama gamit ang kanyang cell phone ngunit sa kabilang banda, napagtanto niyang ubos na ang baterya ng kanyang cell phone. Lalo siyang nalungkot. Kung hindi lang siya nag-walk out matapos siyang awayin at bastusin ni Nigel, hindi sana ito nangyari sa kanya.

"Sana hinayaan ko na lang siyang awayin muna ako. Sana nag-inarte na lang ako pag-uwi ko," bulong niya sa sarili. Kahit malakas ang ulan, nagpasya si Sera na dumaan sa kalsada at nagpasya na humanap ng taxi na makakapaghatid sa kanya pauwi.

***

Samantala, nag-aalala si Nigel kay Sera dahil pagkatapos nilang magtalo ay hindi na niya ito masundan at wala siyang ideya kung saan ito nagpunta. Labis ang pagkadismaya ni Emmanuel dahil sa nangyari. Halos hatinggabi na at hindi rin nila makontak si Sera.

"Sir Emman, pasensya na po sa ginawa at nasabi ko kay Sera. Hindi ko po sinasadya. Pero huwag po kayong mag-alala, naniniwala po akong mahahanap natin siya," malungkot na sabi ni Nigel na hindi naman pinansini ni Emmanuel. . Bilang ama, may dulot na hinanakit sa kanya ang pag-amin ni Nigel.

"Alam kong hindi mo gusto si Sera. Pero sana tinapos mo na ang kasal bago mo siya insultuhin. Dahil inamin mo na binastos mo siya nang ganyan, parang siniraan mo na rin ako," naiinis na sagot ni Emmanuel.

"Trust me, aayusin ko po ito," sabi ni Nigel na may determinasyon sa boses. Ilang sandali pa ay tumunog ang telepono at nagulat si Emmanuel na may tatawag sa mansyon ng ganitong oras. Walang pag-aalinlangan niyang sinagot ang tawag.

"Hello?" panimula niya, halos slurring ang kanyang mga salita.

"Papa? This is Sera. Nandito ako sa police station."

Naguguluhang tumingin si Emmanuel kay Nigel.

"Sera? Anong nangyari sayo? Bakit ka nandyan? Paano ka napunta?" Nag-aalalang tanong ni Emmanuel.

"Nakipag-away po ako nang hindi inaasahan. Pwede po bang puntahan n'yo na lang ako?" pagsusumamo ng dalaga.

***

"Yung taxi driver na yun, he verbally harassed me. At nakainom pa siya ng alak habang nagmamaneho. Bababa na sana ako pero nagpumilit pa rin siyang dalhin ako sa hindi pamilyar na lugar," ani Sera na ikinagalit ni Emmanuel. Kinasuhan na rin niya ang driver at hindi na nila pababayaan ang bagay na ito.

"Anak ng maimpluwensyang tao ang hinarass mo," sabi ng pulis sa lasing na driver. "Kakasuhan ka nila dahil sa ginawa mo."

"Please po, sir. Maawa po kayo sa akin, mayroon akong limang anak at umaasa sila sa aking kabuhayan," pakiusap ng driver habang nakaluhod sa harap nina Nigel at Emmanuel.

"Sana huwag kang mangha-harass ng babae kung ayaw mong kasuhan," sagot ni Nigel na labis ding nag-aalala para kay Sera.

Malungkot naman na tinitigan ni Sera ang ama.

"Pa, kawawa naman ang mga anak niya kung makulong siya," bulong ni Sera. Napailing na lang ang kanyang ama.

"Pero ang batas ay batas. Nagkamali siya kaya dapat niyang pagbayaran," tugon ni Emmanuel.

"Naisip ko na baka patawarin ko na lamang siya. Nakakaawa at walang magawa ang mga anak niya kapag napasok ang tatay nila sa kulungan," katwiran ni Sera. "Siguro, kailangan lang niyang humingi ng tawad sa akin. Hindi naman ako nasaktan. Iniisip ko lang naman ang kapakanan ng mga anak niya."

"Inireklamo mo pa siya sa mga awtoridad pero nauwi ka pa rin sa pag-atras sa kaso," galit na tugon ni Nigel. Sa kabilang banda, naintindihan naman ni Emmanuel ang pakikiramay ni Sera sa driver na iyon.

"Sige, kung iyan ang gusto mo, Sera. Babawiin na lang natin ang kaso," sabi ni Emmanuel saka ibinaling ang tingin sa driver na tila nakabalik sa katinuan at wala na sa impluwensya ng alak.

"Mister, humingi ka ng tawad sa anak ko at ipangako mo na hindi mo na uulitin iyon sa ibang babae. Wala ka bang asawa? Ina? O anak na babae? Sana ay isipin mo na mali ang ginawa mo," sinserong pahayag ni Emmanuel.

Tumigil sa pag-iyak ang driver at tumayo mula sa pagkakaluhod saka bumaling kay Sera. "I'm sorry, ma'am. lasing lang ako. Hindi na po mauulit."

Tumango lang si Sera. "Napatawad na kita."

My Boss, My Husband [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon