"Kumusta ang araw mo after mong dumalo sa fashion week?" Niyakap ni Emmanuel ang anak na si Dannah nang makita itong mag-isa sa living room.
"Medyo masaya para sa akin. Nagsama-sama kami ng mga kaibigan ko. Maganda ang ginanap doon ng fashion show. May jet lag pa nga ako pero gusto ko lang silang makasama nang mas matagal," Dannah revealed with a straight face.
"Sino nga pala siya?" Nakatutok ang mga mata ni Dannah sa babaeng hindi niya kilala at kamukha ng kanyang ama.
"Dannah, 'wag ka sanang mabibigla. Siya si Sera, ang anak ko." Walang pag-aalinlangang ipinagtapat iyon ni Emmanuel kay Dannah at nagawa niyang hindi manginig sa harap ng sariling anak.
"I was aware of it. Hindi na ako magtataka, but don't expect me to accept her in this household," galit na sabi ni Dannah sabay talikod.
"Dannah, huwag kang umiyak," ang tanging nasabi ni Nigel habang sinusubukang kilalanin si Sera sa kanyang harapan. Naalala niya rin ito sa wakas. Si Sera ang babaeng nakita niyang naglalakad kasama ang isang matandang babae malapit sa tirahan ng mga Leviste. Naaalala rin niya na sa kabila ng pagiging simple nito, nakita niya itong napakaganda.
"I can't accept it. Absolutely not. Kahit mamatay ako, kamumuhian kita dahil anak ka lang ng isang katulong na sumira sa pagsasama ng mga magulang ko!" sigaw ni Dannah. Nag-walk out siya habang umiiyak at nagpasya si Emmanuel na huwag na siyang sundan. Syempre, aware siya sa nararamdaman ni Dannah as of this moment.
"Excuse me. I think I need to follow Dannah," sabad naman ni Nigel at naglakad palabas ng sala.
Nanlumo si Sera dahil hinamak siya ni Dannah sa unang pagkikita nila. Hindi niya inaasahan na tatanggapin siya ng kanyang kapatid, at gusto na lang niyang sumuko at umalis ng bahay.
"Huwag kang mag-alala. Hindi naman masama si Dannah. Nauunawaan pa rin niya ang katotohanan," tiniyak ni Emmanuel sa kanyang bunsong anak na babae.
"Okay lang po, dad. Naiintindihan ko kung bakit siya naging gano'n," sabi ni Sera na pinunasan ang kanyang mga luha.
***
Napakunot naman ang noo ni Dannah nang makitang bumaba ang kanyang stepsister mula sa ikalawang palapag ng mansyon. Isang linggo na si Sera sa mansyon, ngunit nananatiling malamig ang pakikitungo ni Dannah sa kanya. Samantala, tahimik na lumapit si Sera papunta sa hapag kainan.
"Good morning," bati niya sa kanyang ama na nakaupo sa tabi ni Dannah.
"Magandang umaga din sa aking magandang anak," sagot ni Dannah, at uminom siya ng isang tasa ng kape.
"Beautiful? Are you blind or whatever? How did you find that countryside girl attractive? She looks generic and has no taste in fashion," prangkang komento ni Dannah.
"Dannah, hindi kita tinuruan kung paano maging bastos, kumilos ka naman na parang taong alam ang salitang 'respeto'." Naging seryoso at may awtoridad ang boses ni Emmanuel sa kanyang anak na si Dannah.
"Come on, Dad. Huwag mong sabihing hindi ako marunong magpakatao. Ikaw ang nagtuturo sa akin kung paano maging bastos ngayon. Tama bang magsinungaling? I think that's one of the ways of being rude and not giving me respect as your child! Itinago mo ang isa mo pang anak na babae, niloko mo ang nanay ko, na naging sanhi ng kanyang sakit sa pag-iisip, sabihin mo nga sa akin! Nahanap mo ba ang iyong sarili pagkatapos mong gawin ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na iyon?" Nagtaas ng boses si Dannah at tumayo.
"Saan ka pupunta Dannah?" Nag-aalalang tanong ni Emmanuel.
"Going somewhere! Somewhere far para hindi mo ako makikita. I don't want to see you, Se—Se, whatever your name is!" sigaw ni Dannah sa kanyang ama at kay Sera. Walang atubiling umalis si Dannah.
Alam na alam ni Sera na malupit si Dannah sa kanya. Naka-off din ang phone niya kaya hindi nila alam kung nasaan ito sa buong araw. Kinabahan si Sera dahil hindi niya maalis ang pakiramdam na may masamang mangyayari sa kapatid. Binanggit din ng kanyang ama ang sakit ni Dannah, isang kakaibang emosyonal na karamdaman kung saan siya umiiyak buong araw o nawawala nang hindi nagpapasabi kung saan ito pupunta. Natatakot siya na may mangyaring masama sa kanyang kapatid.
"Sera?"
Napalingon si Sera sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa kanya. Muli, natulala na naman siya dahil hindi niya inaasahan na makikita niya ulit ang lalaking nagpatibok ng puso niya, si Nigel. Napalunok siya nang lapitan siya ng binata. Tumingin siya sa mapupungay nitong mata, at inangat niya ang mukha niya dahil matangkad ito. Ang gwapo talaga ng binata at may kapangyarihan itong mang-akit ng kahit sino sa isang titig lang mula sa magandang pares ng mga mata nito.
"May itatanong lang ako. Nag-away ba kayo ni Dannah? O di kaya, na-provoke ka ba niya? Kapag ganito naka-off ang cellphone niya, alam kong masama ang loob niya. Nag-aalala rin ako dahil sa kalusugan niya," tanong ni Nigel.
"Hindi. Hindi ko siya inaway. Bigla siyang nagalit sa akin habang nag-aalmusal kami. Umalis siya kaninang umaga. Nag-away sila ni Dad dahil sa akin pero hindi ako nagreklamo tungkol doon. Alam kong masama talaga ang loob ni Dannah sa akin." Halatang may tono ng pagka-tense ang sagot ni Sera. Mas lalo siyang tumingin sa mga mata ni Nigel. Alam niyang mahal na mahal nito si Dannah. Sa kabilang banda, nakaramdam siya ng selos sa kapatid dahil nakakuha ito ng boyfriend material sa katauhan Nigel. Wala nang pag-asa na makuha niya ang atensyon nito at mali ang magkagusto kay Nigel. Ang gusto lang niya ngayon ay makuha ang loob ni Dannah. Lately, iniisip niya kung ano ang nararamdaman niya kay Nigel dahil hindi niya inaasahan na lalong tumitindi ang nararamdaman niya para dito kahit anong pilit niyang itanggi sa sarili. Ayaw niyang maakusahan ng mga kasuklam-suklam na bagay tulad ng pagiging mistress o isang tagawasak ng relasyon. Batid niya kung paano binansagan ang kanyang ina sa ganoong paraan hanggang sa siya ay ganap na lumaking mag-isa.
Si Dannah ay talagang masuwerte; siya ay maganda at mayaman, at mayroon pa siyang guwapong kasintahan; gayunpaman, napapansin ni Sera na ginagamit lamang ni Dannah si Nigel, at siya ay hindi tapat at masama para sa binata.
"Sana pagtiyagaan mo na lang siya. Kilala ko si Dannah, she can be mean and unpredictable, but she's really nice, baka hindi ka niya matanggap ngayon kasi hindi lang madali para sa kanya na tanggapin na may kapatid siya," nakangiting sabi ni Nigel
'Diyos ko. Wag kang ganyan mukha. 'Baka lalo pa akong mainlove,' naisip ni Sera habang umiiwas ng tingin, pakiramdam niya ay nag-iinit ang pisngi niya. Napansin ni Sera kung paano kumikinang ang mga mata ni Nigel nang ngumiti ito. Ayaw ipakita ni Sera na nahuhumaling siya sa mga ngiti ni Nigel dahil makakadagdag lang ito ng guilt sa pagkakaroon niya ng crush sa isang lalaki na nakipagrelasyon na sa iba, hindi lang kahit kanino, kundi ang sarili niyang kapatid!
Biglang tumunog ang telepono ni Nigel at kailangan niyang sagutin ang tawag dahil si Emmanuel iyon.
"Hello, tito? Emergency meeting ba ito?"
Ilang saglit ay natapos din ang tawag.
"Sera, I have to go. I will keep you updated on Dannah, okay? And don't worry about her," pormal na sabi ni Nigel.
"Sige, Nigel, maraming salamat," ang tanging tugon ni Sera bago siya tinalikuran ng binata.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband [Finished]
RomansaOld Title: Her Boss Prince (This will be under major revision. Pasensya na po. Hehe) Republished: 2/01/23