Ilang araw na ang lumipas mula nang ikasal si Dannah sa iba, ngunit hindi naging madali para kay Emmanuel na tanggapin iyon. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili sa ginawa niyang hakbang sa pagpapakilala kay Sera. Hindi na siya nakakagawa ng mga trabaho sa kumpanya dahil iniisip pa niya kung paano niya tutugunan ang mga maling tsismis na ipinost ng kanyang anak. Ang mga taga-media ay namuhunan pa rin sa kanyang pribadong buhay pati na rin ang tunay na katayuan ng kanyang kumpanya. Nag-leak din ang impormasyon tungkol sa kasunduan ng arranged marriage ni Nigel at napag-alaman na hindi naman talaga mahal nina Dannah at Nigel ang isa't isa at pawang kasinungalingan ang ipinakita nila sa publiko.
Sa kabilang banda, nagdadalawang-isip pa rin si Sera na lapitan ang kanyang ama dahil mukhang hindi siya sanay sa pakikipag-usap sa ibang tao kasama na siya. Ngunit pinag-isipan din niya na hindi inaalagaan ng kanyang ama ang kanyang sarili nitong mga nakaraang araw.
"Papa. Naghanda po ako ng almusal para sa inyo. Magandang umaga po." Lumapit si Sera sa kanya habang tahimik pa rin itong nakahiga sa kama.
"Thanks to you, my daughter. I'm sorry kung ganito pa rin ako ha? Hindi naman talaga madali para sa akin ang mag-move on sa mga nangyayari sa kapatid mo at sa mga kasinungalingan na pinagsasabi niya sa publiko." Muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
"Well, kasalanan ko po ito dahil pinagpipilitan ko pang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya." Niyakap ni Sera ang kanyang ama at nagsimula na ring umiyak.
"No. It's not your fault, my daughter. Since then, alam kong hindi talaga mahal ni Dannah si Nigel," sagot niya.
Nag-usap pa sila nang masinsinan. Inamin din ni Emmanuel na bukod sa paghihiganti ni Dannah, may mabigat pa siyang problemang kinakaharap, ang financial status ng Empire Tech.
***
Kinabukasan, nagpasya si Emmanuel na kausapin muli si Nigel. Nais niyang pag-usapan ang kanilang huling paraan matapos magpakasal sa iba si Dannah. Gusto sana niyang sabihin ang kanyang mungkahi ngunit kailangan niyang papayag si Liejel dito.
"Dahil sa wakas ay ikinasal na si Dannah sa lalaking hindi natin kilala, gusto kong kalimutan mo na may kasunduan kami ng iyong ama," mataimtim na sabi ni Emmanuel na ikinagulat ni Nigel na tumingin sa kanya.
"Ano pong sinasasabi mo? Hahayaan mo bang mabangkarote ang kumpanya sa halip na tulungan kayo?" tanong ni Nigel. Naguguluhan pa rin siya sa desisyon ni Emmanuel dahil mula noon, alam niyang hindi si Emmanuel ang tipo ng taong madaling mag-give up.
"Sa tingin ko ito lang ang paraan para malaya na ang sarili mo sa kasunduan. Maaari mong ituloy ang iyong mga pangarap na maging isang educator," taimtim na sambit ni Emmanuel.
"Paano ang kumpanya? Paano mo ito mabubuhay bago matapos ang taon?"
"Ibebenta ko na lang sa investor na may financial capacity para mas mataas ang tubo. O maaari kong ibenta ang aking iba pang mga ari-arian. From now on, we can finally separate ways," sagot ni Emmanuel.
"Sa tingin ko kailangan nating makipag-usap muna sa abogado ng aking ama. Baka may ibang paraan para ituloy ang kasunduan kahit walang kasal. Huwag n'yo sanang hayaan na mapunta ang kompanya sa pagmamay-ari ng ibang tao. Huwag n'yo po sanang hayaang masayang ang iyong mga pagsisikap mula nang simulan mo ang Empire Tech mula sa simula," mungkahi ni Nigel at saka kinuha ang kanyang telepono sa kanyang bulsa.
"Hello, attorney. Ako ito, si Nigel Samaniego," panimula niya.
"Gusto kong makipagkita sa'yo tungkol sa huling testamento ng aking ama."
Tahimik na pinagmamasdan ni Emmanuel si Nigel at napansin niyang bigla itong ngumiti habang kausap ang abogado sa telepono. "Totoo? Pupunta ka ba sa opisina? Nandito kami ni Sir Emmanuel Leviste since wala naman kaming appointment for this day. Salamat. Bye."
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband [Finished]
RomanceOld Title: Her Boss Prince (This will be under major revision. Pasensya na po. Hehe) Republished: 2/01/23