Si Sera ay isang matalino ngunit inosenteng dalaga na nakatira sa kanayunan at hindi pa nakikilala ang kanyang biological father. Siya ay malaya ngunit pinagkaitan ng edukasyon dahil sa kanyang mga kalagayan sa buhay at hindi niya pinangarap na magkaroon ng mayamang pamumuhay sa labas ng kanayunan. Nagpasya siyang hanapin ang sarili niyang ama sa lungsod pagkatapos mamatay ang kanyang ina at hindi maganda ang naging kapalaran niya. Nalaman niya noon na ang kanyang ama ay isang milyonaryo na negosyante— si Emmanuel Leviste, at malugod siyang tinanggap nito pagkatapos niyang magpakilala. Inakala niya na magiging maayos ang lahat at sa wakas ay makakasama na niya ang kaniyang bagong pamilya, ngunit labis siyang hinamak ng kaniyang kapatid sa ama, si Dannah. Sinubukan ni Sera sa abot ng kanyang makakaya na pasayahin si Dannah, ngunit patuloy naman siyang itinulak ni Dannah palayo. Samantala, si Dannah ay may nobyo na nagngangalang Nigel Samaniego, isang guwapong lalaki na acting CEO ng Empire Tech, ang kompanyang pag-aari din ng kanyang ama. Marahil ay love at first sight si Sera, na humahanga kay Nigel simula noong magkakilala sila, pero pilit niyang tinatago ang nararamdaman para hindi sila mag-away ni Dannah at makuha ang pagtanggap nito sa kanya bilang half sister.
Nadurog ang puso ni Sera nang malaman niyang ikakasal na sina Nigel at Dannah, ngunit nalaman din niyang predetermined na ang kanilang kasal para lang sa kapakanan ng partnership ng kumpanya at hindi naman talaga sila nagmamahalan. Sinuportahan ni Sera ang dalawa sa halip na makialam sa kanilang relasyon. But unexpectedly, biglang umalis si Dannah nang walang sinasabi nang malapit na ang petsa ng kasal niya kay Nigel. Ipinaalam na lang nito sa ama na ikakasal na siya sa iba at naiinis pa rin siya sa pagdadala kay Sera sa kanilang bahay. Gayunpaman, even without Dannah, dapat makumpleto ang business partnership dahil nakasaad sa last will and testament ng ama ni Nigel na lubos niyang makukuha ang posisyon ng CEO at money lineage kung sakaling magpakasal siya sa alinman sa mga anak ni Emmanuel. Maaaring pakasalan ni Sera si Nigel dahil biological daughter din siya ni Emmanuel, kahit na hindi siya lumaki sa elite society gaya ng binata. Kinakailangan din ang suportang pinansyal mula sa manang matatanggap Nigel para hindi tuluyang malugi ang kumpanya ni Emmanuel, kaya pumayag na rin si Sera na magpakasal. Hiniling ni Emmanuel na dapat turuan ni Nigel si Sera tungkol sa corporate literacy habang nasa kolehiyo ito dahil kailangan nitong matutunan ang kanilang negosyo. Ngunit ang kasal ay dapat na mauna kaysa sa pag-aaral ni Sera.
Ang kanilang kasal ay kakaiba para sa kanilang dalawa; Si Nigel ay may negatibong impresyon kay Sera mula nang magkakilala sila, sa paniniwalang si Sera ay gumagawa ng kalokohan at nagkukunwaring walang muwang upang akitin siya. Hindi rin siya naniniwala na si Sera ay mabait sa lahat. Si Sera ay isang con artist sa kanyang paningin. Alam naman ni Sera kung gaano siya hinamak ni Nigel, pero wala siyang pakialam basta ang kasal nilang dalawa ay maglalapit sa kanya sa puso nito. Paano siya magagawang mahalin ni Nigel kung ang buong punto ng kanilang kasal ay para lang iligtas ang isang lumulubog na kompanya?
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband [Finished]
RomansaOld Title: Her Boss Prince (This will be under major revision. Pasensya na po. Hehe) Republished: 2/01/23