DIANA:
"Alam kong kilala na natin syang lahat. Pero hayaan nyong ipakilala namin sya sa inyo bilang Prinsesa ng ating kaharian. Magsitayo tayong lahat upang magbigay pugay sa ating pinakamamahal...na si Prinsesa Diana! "
Tinawag ako ni Amadeo. Habang lumalakad patungo sa gitna ng trono ay hindi ko maiwasang kabahan. I am confident enough, brave and smart. Pero yung ganito..maglalakad ako bilang royal heiress, nakakapanibago. Four years na kong writer at newscaster plus field reporter, sanay akong humaharap sa mga tao bilang member ako ng press media. But I am just an ordinary person back then. Today.. I am a princess that belongs to a royal clan. Elitista!
Naluha ako ng makita ang aking ina na nakaupo na sa kanyang trono. Tears of joy. I know, matagal nyang hinintay ang ganitong pagkakataon..ang makuha ang rights nya as an heir and as a princess. I'm already here, in front of thousands of people. Anong sasabihin ko? Ano ba ang gusto nilang marinig? Napressure akong bigla. Hindi ko alam kung paano ko magsisimula. Pero sa di kalayuan, nakita ko ang mga mahal ko sa buhay. Ang executives ng IBN at ang presidente ng Pilipinas bilang mga panauhing pandangal. Si Ina, na halos katabi ko lang. Si Amadeo na nakaupo ngayon bilang Chief of Staff ng Estonia. Si Hamilton, na nanatiling Defense Minister ni Rafael. Ang hari ng Marsano..and oh god..si Prince Rafael na ngayon ay titig na titig sa kin.
" Isang malaking karangalan ang humarap sa inyo ngayon. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako sa mga oras na ito. Alam kong lahat kayo ay umaasa na mananatili ako sa ating kaharian at gagampanan ko ang aking tungkulin bilang isang prinsesa. ", nanginginig pa rin ako at nangangatog ang tuhod habang nagbibigay ng speach. Hindi ko binasa ang ginawa ng palace secretary na mala state of the nation address. May sarili akong spill..may sarili akong agenda na kailangan ko ng tapusin. Hindi ko alam kung matutuwa sila o magagalit sa sasabihin ko. But this is the right thing to do. Maayos na ang lahat..naibalik na sa ayos ang lahat. At alam kong nagawa ko na ang misyon ko, and today...is the completion.
" Tadhana ang naghatid sa akin pabalik sa inyo. At masaya ako na makita na ang kagandahan, ang kapayapaan, at pagkakaisa ay muling nanunumbalik sa inyo. Sa pagkakataong ito, malungkot man pero kailangan ko ng magpaalam sa inyong lahat "
Nakita ko ang pagkagulat sa mata ng mga tao. Umiiling pa ang iba, lalo na ang aking ina at si Hamilton. Ang hari ay mukhang hindi makapaniwala sa mga binitiwan kong salita. Si Rafael? Emotionless..hindi ko mabasa! After a while nagkaroon ng konting commotion, kanya kanyang opinyon at tanong dahil sa sinabi ko. Mukhang walang gustong pumayag na umalis ako at iwanan ko sila. Pero kailangan..at ito ang dapat.
" Lahat ng tao ay nagkakamali, pero dapat pa rin tayong maging bukas para sa pagbibigay ng ikalawang pagkakataon sa kanila. Pagpapatawad ang dapat nating maging sagot sa naging kahinaan ng iba. Nais kong manatili ang palasyong ito sa pamamahala ng aking pinsan na si Cyprus. At ang trono at lahat ng karapatan bilang isang prinsesa ay bininigay ko kay prinsesa Erika "
Mas lalo silang nashock. Hindi rin nakalampas sa paningin ko na umiiyak si Cyprus, si Erika, at ang kanilang ina. Marahil nagsisisi sila sa mga bagay na ginawa nila. Nabunutan ako ng tinik, alam ko na ito ay isang hundyat ng kanilang pagbabago. Naniniwala ako na sa kabila ng lahat, hindi sila masasamang tao. Nasilaw lamang sila sa posisyon at kapangyarihan. But I love them, after all, they are my family..magkakadugo kami kahit anong mangyari.
" Reyna Alexandra, Haring Cyprus, Prinsesa Erika, sa inyo po ang tronong ito. Ikinararangal ko na ibalik ito sa inyo "
Dahan dahan silang tumayo at lumakad palapit sa kin. Maya maya ay naririnig ko ng muli ang palakpakan ng mga tao. Thank God, mukhang nakarecover na sila sa pamamaalam ko. Mamaya na lang ako mag eexplain sa pamilya ko kung bakit ganito ang kinahitnan ng desisyon ko. Sa huli, alam kong maiintindihan nila ko. Para ito sa kapakanan ng lahat..at sa tuluyang pagkakaisa ng dalawang kaharian. Nang makaupo na ang buong royal family, yumukod ako sa kanila at binaba ang aking scepter. Napakagandang tanawin ang nasasaksihan ko ngayon, ang royal family na kumpleto, kasama ang aking ina. Hindi ko mapigilang lumuha. Matapos ko silang yakapin at halikan, muli kong hinawakan ang mic. Huminga ako ng malalim para ihayag na ang pinakamahalagang bagay..
BINABASA MO ANG
The Stolen Crown
RomanceIsa syang prinsesa na inagawan ng korona. Ang trono, ang palasyo, maging ang sariling ina ay ipinagkait sa kanya. Sa muli nyang pagbabalik sa kaharian ng Estonia, magawa kaya nyang bawiin ang pamilya at ang buhay na nawala sa kanya? Maagaw nya rin k...