CHAPTER 21- BLACKMAIL

2.1K 70 1
                                    

Diana, Diana sandali... ", tawag ni Art sa kanya matapos ang prescon


PAK!!!


Hindi na nya natiis, ginawa na nya ang bagay na kanina pa nya gustong gawin. Hindi sya bastos na tao..pero ang ginawa ng presidente sa kanya ay maliwanag na kabastusan! She slapped him, at wala syang pakialam kung ano man ang magiging resulta nito.


" I'm sorry, but I don't regret what I Did. You deserve more than that! " matapang nyang pahayag sa binata habang hawak nito ang namumulang pisngi


" Diana, ginawa ko lang yun para protektahan ka. Patawarin mo ko..please ", halos magmakaawa ito sa kanya, bakas sa mukha nito ang labis na lungkot at pagsisisi


" Ako ba talaga..o ang reputasyon mo? Hindi mo na ko nirespeto! Sa harap ng hari, sa harap ng kapatid ko, at sa harap ng lahat ng Pilipino..pinaglaruan mo ko. Ginamit mo ko para pagtakpan ang ginawa mo! ", halos sumisigaw na sya, galit na galit talaga sya. Kung ibang tao lang ang gumawa nun sa kanya, o kung pangkaraniwang lalaki ang bumastos sa kanya..baka binasag na nya ang panga.


" Ma-making ka naman sana. Pinanindigan ko na may relasyon tayo dahil ayokong isipin ng lahat na mababang uri ng babae ka..at pumapayag ka sa ganong set up "


" Na ano? Na nakipaghalikan ako sa iyo samantalang hindi kita boyfriend? Eh sira pala ulo mo. Alam na alam mo kung ano yung totoong nangyari! Sabihin mo nga..may guts ka bang aminin yung totoo..di ba wala? Eto lang Art ha, pasensya na pero na turn off ako sa iyo ng husto. Ang taas taas ng pagtingin ko sa iyo..akala ko iba ka sa maraming politician. Pero sinira mo..at hindi ko na alam kung pwede pa tayong bumalik sa dati. "


" D-Diana, ganon ba kalaki yung ginawa kong kasalanan sa iyo? Kakalimutan mo ang lahat, itatapon mo ang lahat dahil lang sa isang maliit na pagkakamali? ", may hinanakit sa tinig nito


" Maliit? Nasa showbiz ba tayo? Sir hindi tayo mga artista! Kaya ko nga tinalikuran ang pagiging Prinsesa dahil gusto kong mamuhay ng normal. Tapos ngayon sasabihin mo sa kin na maliit na bagay lang yun. Baka nakalimutan mo na bukod Sa Pilipinas ay may dalawang kaharian na apektado sa ginawa mo! Pero  huwag kang mag-alala, sasakyan ko ang mga kalokohan mo at tatapusin ko ang sinimulan mo. After a month mag rerelease ako ng statement na break na tayo! For now... do me a favor Mr. President. Layuan mo na ko. Ituring mo na lang ako na isang ordinaryong tao simula sa araw na to.

Tinalikuran na nya Ito, pero naramdaman na lang nya na niyakap sya nito mula sa likuran.

" Diana.. I love you! ", bagamat inaasahan na nya na mangyayari Ito, nabigla pa rin sya sa biglaang paghahayag nito Ng pag-ibig sa kanya

" Mahal kita nung una pa lang "

Kumalas sya sa pagkakayakap ng presidente.

" I'm..sorry Art. Ayokong saktan ka pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo "

" Sya ba..si Rafael, mahal mo sya. Alam ko naman yun..pero gusto kong humingi ng kahit konting pag asa. Kung hindi ka nya kayang mahalin..nandito ko Diana. Handa kong gawin ang lahat, ibibigay ko sa iyo ang lahat.,maging masaya ka lang "

" I-I'm sorry",


Tuluyan na nyang iniwan ang presidente na bagsak ang balikat sa mga salitang binitiwan nya.


Dumeretso sya sa hotel..kinatok nya ang room kung saan naroroon si Hamilton at ang hari.


" Princess? What are you doing here? "


" Hamilton, kailangan ko syang makausap"


" Huh? But he's not in the mood. After ng prescon hindi na sya halos nagsasalita o ngumingiti man lang sa mga tao. He looks terrible! I don't think it's a good idea na kausapin mo sya ngayon. "

The Stolen CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon