Rafael:
Oh my..w-what is she doing?! Nakainom ba to? Kung wala lang ako sa matinong pag-iisip pinatulan ko na ang pagiging wild nya. Is she trying to seduce me? I may sound hypocrite 'cause the truth is, I really want what she's doing to me right now. But this is totally wrong, and I don't want to take advantage of the situation. Kaya bago pa ko tuluyang madarang sa kakaibang sensasyon na ibinibigay nya sa katawan ko, kailangan ko na syang pigilan.
She's kissing me hard but instead of kissing her back, inilayo ko sya mula sa pagkakadikit ng aming mga katawan. Unti-unti ko ring inalis ang mga kamay nya na naglalakbay ngayon sa katawan ko.
Dalawa lang kami na naririto at alam na alam ko na kung hindi ko pa sya pipigilan ay baka kung saan kami makarating, bagay na ayoko pang mangyari. May panahon para sa bagay na yun, at hindi ito ang tamang panahon. I don't want to impregnate her before our wedding. Isang malaking kahihiyan para sa magiging reyna ng aking palasyo, na lalakad sya ng altar ng malaki na ang tyan. Baka tuluyan na kong digmain ng Estonia pag nagkataon, at si Hamilton pa ang unang pumatay sa kin.
Pulang pula ang mukha nya ng tuluyan kaming magkalayo, it is very evident na hiyang hiya sya sa nagawa nya. And all of a sudden, she kneeled down in front of me and started crying.
" I'm sorry my king, please forgive me " tuluy tuloy ang pag-iyak nya, nararamdaman ko ang mga patak ng luha sa king mga paa.
" Diana..please stand up ", pilit ko syang itinayo. Ayokong nakakakita ng babae na lumuluhod at nagmamakaawa sa kin. Lalo si Diana, hindi ko matagalan na nahihirapan sya.
Magkaharap na kami pero nakayuko pa rin sya, hindi nya kayang tumingin sa kin ng diretso. Maging ako man sa mga pagkakataong ito ay nakaramdam ng pagkaasiwa. Mali ang ginawa ko, para ko na rin syang pinahiya. Pero mali rin na naman na ituloy naming dalawa ang mga bagay na hindi pa dapat...wala akong pagpipilian.
Nagsalita sya habang pinapahid ang mga luha sa kanyang mukha. Tsk, para syang bata.
" I-I'm sorry..nabigla lang ako. Alam kong mali ang ginawa ko. I-I'm so insecure and uncertain to... "
I hugged her. Baka ito lang ang paraan para tumahan sya sa pag-iyak. Sa aming batas, bawal kaming hawakan ng kahit na sino, maging ng aming reyna kung hindi namin pinahihintulutan. At kung tutuusin, minor offense ang ginawa nya kanina. Hindi nya lang ako basta hinawakan, pinangahasan nya na halikan ako at akitin. Pero hindi ko sya pwedeng parusahan ng dahil lang dun.
" It's okay my princess, everything will be fine ", yakap ko pa rin sya ng mahigpit
Sa narinig nya ay dahan dahan syang lumayo at kumalas mula sa pagkakayakap ko.
" Salamat kamahalan. Matutulog na po ako ", at dali dali syang tumakbo pabalik ng kanyang silid
Tignan mo yun, kanina lang para syang napossess. Ano bang nangyari dun? Kanina papasok lang sana ko sa kwarto nya para tignan kung tulog na sya, pero yung nangyari, that was unexpected.
Ganonpaman dapat ko pa rin syang bigyan ng leksyon. Baka masanay syang gawin ang mga bagay na wala sa kaugalian at mga asal na naaangkop sa tulad nyang malapit ng maging reyna. Kailangan ng baliin ang mga nakasanayan nya bilang karaniwang tao. Sa pagkakataong ito, ako dapat ang masunod at hindi sya. Ako dapat ang may control sa lahat ng bagay..maging sa romansa.
DIANA:
Hindi ako halos nakatulog, iniisip ko yung nangyari kagabi. Nakakahiya talaga..wala na kong maipagmamalaki sa kanya. Siguro iniisip nya ngayon na isa kong mababang uri ng babae, siguro nagsisisi na sya na ako ang pakakasalan nya at pinili nyang maging reyna. Kung pwede lang sana kong magteleport ginawa ko na. Haayysss..pano ko lalabas ngayon ng hindi kami magkikita.
BINABASA MO ANG
The Stolen Crown
RomanceIsa syang prinsesa na inagawan ng korona. Ang trono, ang palasyo, maging ang sariling ina ay ipinagkait sa kanya. Sa muli nyang pagbabalik sa kaharian ng Estonia, magawa kaya nyang bawiin ang pamilya at ang buhay na nawala sa kanya? Maagaw nya rin k...