Taming the Wild Prince

2.9K 61 2
                                    

(Book 2 of "The Stolen Crown")

Si Nimrod ang tagapagmana ng trono sa kaharian ng Estonia. Pero kung sya ang tatanungin, mas pipiliin nyang maging private citizen na lang. Ayaw na ayaw nya ang magkaroon ng isang napakalaking responsibilidad. Hindi nya gustong maging hari.

Serious, dignified, de numero at living by the book ang tingin nya sa isang Royalty. Simula't sapul gusto na nyang talikuran ang pagiging dugong bughaw. Iniisip pa lang nya na sya ang papalit sa ama upang pamunuan ang isang makapangyarihang kaharian, kinikilabutan na sya. He wants freedom! Gusto nya lang ng masaya at relax na buhay, at maenjoy ang kanyang pagiging bachelor!

Kaya isang araw bago tuluyang ipasa sa kanya ang trono ng ama, tumakas sya! Ngunit hahantong sa trahedya ang kanyang ginawang pagtakas. Maaaksidente sya at mawawalan ng memorya. And the worst thing.... napadpad sya sa kaharian ng mga Amazona na may malaking galit sa kanyang pamilya. Nalaman ng mga ito na sya ay may amnesia.

Paano sya tatakas kung sya mismo hindi nya kilala kung sino sya at saan sya nagmula? Araw araw syang inaalipin at pinahihirapan ng mga babae sa paligid nya, lalo na ang prinsesa ng mga Amazona na si Amanda. Ito na yata ang nagmamay-ari ng pinakamagandang mukha sa balat ng lupa, pero nuknukan naman ng sama ng ugali!

Anong gagawin nya? Walang tutulong sa kanya, Wala syang matatakbuhan.

At ang gigimbal sa kanya ng lubusan... pinalalahian sa kanya si Amanda!

Coming Soon....
May, 2018

The Stolen CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon