" What? Ikakasal kayo ni Rafael? ", tanong sa kin ni Andy ng makausap ko na sya sa Skype. Pambihira, nabingi ata ko sa tili nya.
" Oo ! Ang saya saya ko Andy, kung alam mo lang. ", namimilipit kong sagot, Kilig na kilig Kasi ko habang kinukwento ko sa kanya yung mga nangyari kanina.
" Buti gusto nya ng magpakasal. Pero teka, hindi ka man lang nagpakipot kahit konti? Wala man lang elemento ng pilitan? "
" Hindi ko nga alam kung bakit gusto na nyang magpakasal sa kin. At kung anuman yun, bahala na sya at ayoko ng alamin pa. Ito naman, bata pa lang ako may gusto na ko sa kanya. Noon ngang hindi nya ko kilala pinapangarap ko na kasama sya di ba? At gumawa ako ng move para maabot sya to the point na kalimutan ko ang lahat. Ngayon pa ba ko aarte? Ngayong abot kamay ko na sya..totoo na, at hindi lang basta pangarap! "
" Juice ko girl, tinatry kong bilangin ang bituin sa mata mo pero hindi ko mabilang sa dami ng twinkle. Partida ni hindi pa kayo engaged nyang lagay na yan, pero ang reaksyon mo sobra. How much more sa honeymoon nyo..baka ikamatay mo na "
" Andy! ", pinandilatan ko sya. Ganito pa rin kaming mag usap kapag kaming dalawa lang ang magkaharap. Hindi ko sya assistant, at hindi nya ko prinsesa.
Pero tama sya. Pano nga kaya pag kasal na kami? Gagawin ba namin yun? Haayyy!! Naisip ko pa lang, kinakabahan na ko. Baka nga ikamatay ko..ganon ang effect ni Rafael sa kin! Madikit nga lang ang balat nya sa balat ko, hinihimatay na ko..yun pa kaya!!
" What do you expect after the wedding? Ano magtititigan kayo araw araw? O kaya laging mag uusap patungkol sa kapayapaan at kaunlaran? Ay sus boring, nagpakasal pa kayo eh pwede nyong gawin yun ng di kayo mag-asawa "
" Tumigil ka na nga "
" Opo mahal na prinsesa. Oy teka, pano yung isa mong boylet dito?"
" Andy may makarinig naman sa iyo, baklang bakla ka magsalita. "
" Sorry naman, excited lang "
" Si Art ba? Anong pano? Wala naman akong commitment sa kanya "
" Kawawa naman yung tao, alam pa naman ng buong bayan na kayo tapos biglang ganyan "
" Ako rin naman nasurprised. Di ba nga kaya lang ako nagpunta dito dahil worried ako. Kaso mo pagtuntong ko ng palasyo kaninang umaga naharang agad ako ni Cyprus at ng reyna. And after a few hours..heto..maeengage na ko kay Rafael. Hindi ko pinlano yung nangyari. And besides, sya naman ang may kasalanan ng lahat kaya tama lang na ayusin nya "
" Kawawa rin si Mr. President, love na love ka pa naman nun. Pikutin ko kaya habang wala ka para sa kin mapunta ang atensyon nya
Nalungkot ako kahit papano. Kung tutuusin nga hindi naman big deal dapat yung ginawa nya. Presidente sya, pero lalaki pa rin..hindi mo maaalis ang pagiging naughty. At hindi ko pwedeng kalimutan ang napakaraming bagay na ginawa nya para sa kin. Malaki ang naitulong nya para mabawi ko ang korona naming mag ina. Pero hayan grounded ako sa kanya, alam na ni ina. Wag na wag na raw akong babalik ng Pilipinas.
" Andy, ikaw na bahala sa lahat ha. Bigay mo na lang letter ko kay Art at sa IBN. Tatawagan ko rin sila pag may time. Anyway sa engagement namin ni Rafael may presscon, I'll take that opportunity para pasalamatan ang mga Pilipino sa pagmamahal at pag ampon nila sa kin. Ano ba yan, wala pa man naiiyak na ko. Sorry ha "
" Naiiyak rin ako sa iyo, pasaway ka. Hindi ka na ba babalik dito? "
" Babalik. Pero syempre hindi na ko titira dyan, dadalaw dalaw na lang. "
" Ang daya mo, kelan lang nagbigay ka ng statement na kami ang pinili mo. Nasan naman ang pledge of allegiance dun? "
" Mahal ko naman ang bansa natin, alam mo yan. Pero Andy..mas mahal ko si Rafael! ", o ayan..hindi ako nagpaka plastic sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Stolen Crown
RomanceIsa syang prinsesa na inagawan ng korona. Ang trono, ang palasyo, maging ang sariling ina ay ipinagkait sa kanya. Sa muli nyang pagbabalik sa kaharian ng Estonia, magawa kaya nyang bawiin ang pamilya at ang buhay na nawala sa kanya? Maagaw nya rin k...