DIANA:
Parang ang lungkot naman ni Rafael, mukhang hindi sya masaya. Wala akong makitang reaksyon sa mukha nya habang si Erika abot hanggang tenga ang ngiti. Ramdam ko ang tuwa nya mula rito sa kinatatayuan ko. Ngayong gabi na iaannounce ang kanilang engagement and in less than six months, magiging ganap na silang mag asawa. Mauuna ang kasal bago ang coronation! Pero mahal kaya nya ang prinsesa? Sure akong mahal sya ng boss ko, pero si Rafael..I doubted. Mukhang napilitan lang dahil sa kasunduan ng dalawang kaharian.
Ako..wala na kong pag asa. Hindi ko na sya maaagaw. Masaya na ko na makita ko sya araw araw. Sapat na ang pantasya ko na ako ang Prinsesa at kaming dalawa ang ikakasal. Walang fairy tale sa totoong buhay! Kung sa Pilipinas ay blockbuster ang ganda ko at pinipilahan ang beauty ko ng kahit sinong lalaki..dito nganga. No effect dahil royal family ang naghaharing uri.
" Baka matunaw si Prince Rafael sa titig mo, dahan dahan"
" Huh?! ", nagulat sya sa lalaking bumulong sa kanya
" By the way I'm Hamilton , His Defense Minister"
Nanliit naman syang bigla. Nakita na nya ito last week, pero di nya inakala na may position ito sa palasyo..o bagong appoint pa lang siguro. Niresearch nya kasi ng husto ang Marsano at Estonian kingdom, pati government. Wala syang nabasa o nakita na bahagi ng kaharian ang lalaking kaharap. Inakala nya pa nga na isa lang itong ordinaryong sundalo sa kaharian.
" I'm sorry sir, di ko lang maiwasang humanga sa kanya "
" It's okay. All girls feel the same way kapag nakikita nila si Rafael. You're the assistant of Erika, right? "
" Yes ", nginitian nya ito. Nagtataka lang sya kung bakit parang napaka familiar naman ata nito sa royal family. As in first name basis ang tawag sa princess at sa prince..close sila?
" Rafael is my best friend since childhood. And.. Erika, she's my cousin", pagpapakilala nito. Nabasa yata nito ang nasa isip nya.
Kulang na lang ay lumuhod sya sa narinig mula kay Hamilton. Ibig sabihin.. isa rin syang prinsipe?!
" I'm so sorry your highness! Paumanhin ", yumukod sya rito at muli ng bumalik sa pwesto nya.
Nangiti si Hamilton sa inasal nya. Bakit ba magaan ang kalooban nya sa babaeng yun, dahil ba kamukha ito ng kanyang ina?
Napakaganda talaga nya. Parang..mas maganda pa sya kay Erika. Tsk..ano ba tong nasa isip ko?
Nagsimula na ang program. Unti unti ng tumatayo ang mga bisita para mag royal dance. Mga dugong bughaw ang karamihan sa mga bisita kaya medyo ilang na ilang siya. Sa isang banda nakakatuwa rin. Akalain ba nyang masasaksihan nya ang ganitong uri ng pagtitipon ng live. Sa tv o sa mga palabas nya lang Ito dati napapanood, pero heto sya ngayon at part pa ng Royal ball. Hindi nga lang sya pwedeng magsayaw. Una wala syang kapartner at ikalawa..bawal. Kung tutuusin kasi, mutsatsa lang sya ng prinsesa kaya gustuhin man nya, wala syang magagawa.
Nangangarap sya ng gising at naglalaro sa isip nya na sya ang isinasayaw ni Rafael ng biglang nagsigawan ang mga tao. Natapilok si Erika habang nagsasayaw at mukhang napasama ang bagsak nito. Hindi ito agad nasalo ni Rafael dahil nangyari ang aksidente habang kapwa sila nakatalikod at umiindayog papunta sa ibang direksyon para mag exchange partner.
" Princess!! ", sabay sabay na nagpuntahan sina Cyprus, Hamilton, at Rafael para daluhan ang Prinsesa. Pero dahil siguro sa kapatid, at syang lubos na nagmamahal sa dalaga, mas nauna itong kargahin ni Cyprus.
" She will be fine, don't worry. Makakalakad sya maya maya bago ang announcement ng engagement", sabi ng doktor
" Thank God! ", may pag aalala sa tinig ni Cyprus
BINABASA MO ANG
The Stolen Crown
RomanceIsa syang prinsesa na inagawan ng korona. Ang trono, ang palasyo, maging ang sariling ina ay ipinagkait sa kanya. Sa muli nyang pagbabalik sa kaharian ng Estonia, magawa kaya nyang bawiin ang pamilya at ang buhay na nawala sa kanya? Maagaw nya rin k...