EPILOGUE

3.4K 87 3
                                    

Diana:

Napakasaya ko ngayong gabi, halos hindi na ko makapaghintay. Bukas na kami ikakasal ni Rafael, napaaga yung schedule.. nabuntis na kasi ko. Ayokong iparada ni Rafael ng malaki na ang tyan, kaya minabuti naming magpakasal na agad.

Sobrang kilig ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang gown na isusuot ko bukas. Hindi pa rin nagsisink-in sa kin na magiging reyna na ko ng Marsano. Higit sa lahat, inaabsorb pa rin ng sistema ko na mapapasakin na legally si Rafael! Nag uumapaw ang pagmamahal ko sa mahal na hari, magboyfriend na kami at ilang beses ng may nangyari sa min, pero ang katotohanan na magiging akin na sya ng buong buo.. iba yun!

Pero aaminin ko, may kaba at pressure akong nararamdaman. Hindi dahil sa kasal, kundi dahil sa kaisipan na simula bukas, magiging ganap na kong Reyna. Kaakibat ng pagmamahal ko kay Rafael, ay ang mas malaking responsibilidad na gawin ang tungkulin ng isang babaeng pinuno ng kaharian. It's a privilege to be a queen, pero napakalaking tungkulin ang papasanin ko simula bukas. Oo matapang ako, marami na rin akong napatunayan. Pero Syempre natatakot pa rin ako na harapin ang mas malalaking hamon ng buhay, hindi lang sa ming dalawa, kundi ng buong kaharian. Yung alam mong hindi na sa iyo nakasentro ang bawat desisyon ng buhay mo, kundi sa kapakanan ng mas nakararaming Tao.

" My queen! ", nagulat ako sa pagdating ni Rafael, at talagang nakapasok sya hanggang dito sa kwarto ko, lapastangan!

" Rafael! Anong ginagawa mo rito? Pano ka nakapasok sa kwarto ko?"

" I have a spare key ", Nakangiti syang iwinagayway ang susi.

" Sinong nagbigay sa iyo nyan? At baka nakakalimutan mo na nandito ka sa kaharian ko. Hindi ka dapat Basta pumapasok ng silid ng wala akong pahintulot ", nagkunwari akong galit, seryoso ang pagkakasabi ko

" Ah ganon? So nasa iyo ngayon ang final say kung magkikita tayo o hindi? Di ba rule ng hari yan?", iritable nyang tanong

Bumigay ako, sanay na ko sa pagiging suplado ni Rafael pero hindi ko matiis na nagagalit sya sa kin. Hindi ko kaya!

" Sorry na, kasi naman hindi ka na dapat pumunta dito. Kasal na natin bukas, ilang oras na lang yun. Bigyan mo naman ng element of excitement ang pagkikita natin bukas ", malambing kong sagot sa kanya

Ako na ang kusang lumapit, kinapit ko ang mga braso sa leeg nya, at masuyo ko syang hinalikan ng paulit ulit.

Nangiti sya sa ginawa ko. Tumigil ako sandali pero sya naman ang humapit sa bewang ko.

"What's bothering you my queen? Aren't you happy na ikakasal tayong dalawa? "

" Huh?! San galing yun? Alam mo naman na wala akong ibang pinangarap kundi ang maging reyna mo. Mahal na mahal kita Rafael, hindi ako magiging masaya kung hindi ikaw ang makakasama ko habang buhay. Pero hindi mo maiaalis sa kin ang hindi mag-alala. Natatakot ako, natatakot ako na baka hindi ko kayanin ang responsibilidad bilang reyna. I was afraid na hindi ko ma-meet ang expectations mo at ng buong palasyo. Rafael... "

Niyakap nya ko ng mahigpit.

" Don't be afraid my queen. You don't have to worry. I'm just here, tutulungan kita magtutulungan tayo. Naalala mo ba ng ininterview mo ko last year? Puno ako ng takot non..sa hinaharap..at sa lahat ng maaaring mangyari. Pero kinaya ko hindi ba? Dahil nandyan ka. Nandyan ang suporta ng buong Marsano. Ngayon ka pa ba matatakot? Kaisa na natin ang Estonia. Kakayanin mo yan Diana, kaya nating dalawa to"

" Salamat Rafael.", nagyakap kaming muli

Pero dahil sadya akong paranoid, may naisip na naman akong itanong sa kanya.

The Stolen CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon