Important:
Hi crown readers..baka magulat kayo, papalitan ko ng Title and book cover ang story next week. Baki pati synopsis. Pero yung stories & chapters ganon pa rin, walang mababago. Kaya kapag nag-update sa library nyo ang "Accidental Princess" na iba na ang picture, wag nyong burahin kasi yun yung bagong title ng Stolen Crown. Parang hindi kasi catchy yung title and book cover. Mahina pa rin ang hatak sa readers. :-)
-----------------------------------------------------------------
DIANA:Namiss ko na agad sya. Isang araw pa lang kaming hindi nagkita pero pakiramdam ko napakatagal na. Tumawag naman sya kanina na medyo busy nga kaya hindi nya ko mapupuntahan. Pero parang hindi ko kaya, tatawagan ko na sya.
Dinial ko ang zero sa telepono, direct line ko kay Rafael..pero walang sumasagot. Sana pala tinanong ko kanina kay Hamilton kung nasan siya. After a few minutes dinial ko uli but still ring lang ng ring. Napatayo ako ng marinig na may biglang pumasok sa gate. Naiwan ko bang nakabukas? Balak ko ng magalit sa kung sino mang pangahas ang basta na lamang papasok sa bahay ko ng walang paalam hanggang sa iluwa ng pintuan si Rafael.
" Your highness! "
" Mukhang gulat na gulat ka ", nakangiti nyang bati sa kin. Nakabusiness suit pa rin sya, patunay lang na dito sya dumeretso galing sa meeting imbes na sa palasyo.
" I..I didn't expect you since busy ka sabi mo kanina. So I thought may ibang tao na pumasok "
" You didn't expect me? Okay..", tinalikuran ako, nagtampo yata
" Kamahalan..hindi yun ang ibig kong sabihin. ",tawag ko sa kanya
Bumalik sya, humarap muli sa kin pero blanko ang expression..hindi ko mabasa.
" I want you here... In fact, dinidial kita kanina lang bago ka dumating. I just thought that.. "
" You're trying to call me? ", putol nya sa sasabihin ko
" Yes my king? ", pag amin ko sa kanya
" Why? Do you missed me? ", this time nakangiti na sya at unti unti ng lumalapit sa kin hanggang sa halos magkadikit na ang aming mga mukha.
" Tell me my princess..you missed me? ", obviously, he's teasing me
Please lang Rafael, if you want to kiss me then do it! Sa isip ko lang yun. Ang lapit lapit kasi ng mukha namin sa isa't isa pero wala syang ginagawa. Tinititigan nya lang ako..it's frustrating! I have plans, but I want to do it perfectly. May pagka OC ako, at gusto ko maayos ang pagkaka orchestrate ng lahat ng bagay.. including that!
Tumingala ako ng bahagya habang nakayuko pa rin sya sa kin. Nadikit na ang labi ko sa kanya pero wala pa ring move on his part. Fine..then let me do it!
" I miss you..I miss you so much! ", sa narinig nya, pinag-isa na nya ng tuluyan ang aming mga labi. I am smiling at the back of my mind. This is what I want..kanina pa actually. Isa nga yata ito sa namimiss ko sa kanya.
Sandali lang yun pero parang nawalan ako ng lakas at ulirat. Hinding hindi yata ako masasanay sa mga halik nya, parang laging first time. Goodluck na lang sa kin kung magawa ko ng tama ang mga plano ko! Well kung pumalpak man, at least.. I did my part.
" Kumain ka na ba? Nagluto ako, dito ka na maglunch "
Nakita ko ang kinang sa kanyang mga mata ng sabihin ko yun, lihim akong nagbunyi.
" Really?! Wow, kaya pala may naamoy akong parang masarap ", hinatak na nya ko papunta sa kitchen kung saan nakaserved na ang mga pagkain.
" You cooked all these dishes? Buti may time ka pa after school"
BINABASA MO ANG
The Stolen Crown
RomanceIsa syang prinsesa na inagawan ng korona. Ang trono, ang palasyo, maging ang sariling ina ay ipinagkait sa kanya. Sa muli nyang pagbabalik sa kaharian ng Estonia, magawa kaya nyang bawiin ang pamilya at ang buhay na nawala sa kanya? Maagaw nya rin k...