Chapter 4

21 4 0
                                    

"Nak maya na yan maghapunan na muna tayo." tawag sakin ni mama sa baba."Opo bababa napo ligpitin ko lang to ma." Pasigaw kong sagot kase may pagka bingi minsan si mama dahil sa katandaan.

Tulala lang kase ako kanina nung makauwi na ako kase parang feel ko anytime soon nandun lang yun sa labas at planong pasukin ako kase ginalit ko sya eh tinulak ko lang naman yun eh saka may karapatan akong itulak sya dahil di ko naman sya kilala kung pwede nga eh sinumbong ko na yun sa pulis kaso pag nag sumbong ako ay malalaman nila mama at papa tapos baka mag-aalala lang sila't baka atakihin sa puso si papa kaya wag nalang, di ko tuloy nasimulan ng mas maaga yung ginagawa kong project edi sana tapos na sana yan ngayon.

Pagka baba ko ay agad akong tumulong sa pag hahain ng mga pagkain nang may nag door bell agad naman akong ginapangan ng kaba kaya agaran akong tumayo. "Ako na ma tapusin mo na yan." pagprisenta ko at hindi pinahalatang kinakabahan."Ahh sige papasukin mo nak at imbetahan mong kumain, besita mo ba yun?" tanong nya sakin at tumango nalang ako bago nag lakad palabas nanlalamig ang kamay ko at pinagpapawisan din ako sa kaba habang papalapit sa gate namin.

Binuksan ko ng kaunti yung gate para silipin kung sino ang nandun at nakahinga ako ng malalim ng delivery boy lang pala yun.Teka bakit may delivery boy dito eh di naman ako om-order ng pagkain ah.

"Ah kuya mali ata kayo ng napuntahang bahay, hindi naman po ako nagpa deliver ng pagkain." mapanuri nya naman akong tiningnan.

"Delivery for miss Savana Lara Montemayor po at sigurado naman ho akong tama yung address na pinuntahan ko ma'am dahil dito na lugar naman ang nakalagay." nagtataka akong tiningnan ng delivery boy.

"Ahmm ako si Savana Lara pero hindi po talaga ako nag order nyan kuya pramis." tinaas ko pa isang kamay ko para maniwal sya sakin.

"Ahh ganun po ba ma'am tanggapin nyo nalang po bayad naman na yan." nakangiti at medyo naiilang nyang sabi.

"Kilala nyo po ba yung nag padala nito?"tanong ko kahit may ideya na ko kung kanino to galing at umiling lang sya kaya nginitian ko nalang.

"Ahh sige salamat." kinuha ko nalang kahit weird para maka alis na si kuyang delivery boy at makapasok narin ako.

"Oh nak ang tagal mo naman dun." bungad sakin ni mama na pinaghahain ng kanin si papa."Sino ba yun anak?" tanong din sakin ni papa. "Ahh delivery lang po nag order kase ako nang pagkain kanina." pagsisinungaling ko at agad naman silang naniwal at kumain na, sorry ma pa ayuko lang talagang mag alala kayo sakin.

PAGKATAPOS naming kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin habang nakikinig naman ng radyo sila mama at papa sa kwarto nila. Inuna kong ligpitin yung mga pinggan saka ko kinuha yung karton ng pizza na 'naligaw',itatapon ko na sana to nang may sticky notes palang nakalagay at hindi lang namin napansin kanina.

Kinuha ko yun at binasa."You can't run away from me like that. See you soon.     —M."

"What the fuck!"gagi sino ba kase tong M na to puta plano nya ba akong patayin sa takot?

Dali-dali kong hinugasan ang mga pinggan at lumabas na ng kusina para silipin sila mama kung tulog naba sila sa kwarto nila saka pa ako umakyat sa taas.

Ako lang mag isa sa taas kase nasa baba Ang kwarto nila mama. Dalawa naman Yung kwarto dito sa taas pero hindi ginagamit yung isa kase ayaw nila mama dito sa taas kase napapagod daw sila kung akyat-baba ang lalakarin nila kahit maliit lang naman itong bahay namin.

Pagkaakyat ko ay kumuha ako ng tuwalya at bumaba ulit kase wala namang cr dun sa taas at naligo na.

My Obsessed Stalker Where stories live. Discover now