Chapter 11

21 5 0
                                    

"Kailan ba kase yun April?" naiinis na tanong ko kase ayaw nyang sabihin. Eh kasalanan ko bang nakalimutan kong mag fb ayan tuloy di ko namalayang malapit na pala ang world tour ng one direction. Alam ko na yun few months ago pa pero wala pang exact date nun kaya ayun gulat na gulat ako ngayon.

"Bat mo tinatanong? Kala ko ba ayaw mong sumama." mataray nyang sagot.

Kainis.

"Ambobo mong bruha ka. Sasama na nga diba, kanina ka pa! Bat di mo nalang sagutin?" Nahampas ko na sya dahil sa inis.

"ARAY PUTA! bat ka nang hahampas, ikaw nanga yung may kailangan ikaw pa yung galit jan." hayss magsisimula na naman ba yung bangayan namin? Kainis ka April pakyu!

"Eh bida-bida ka kase, nagtatanong ako ng maayos dito."

"Hinindian mo na ako diba?"

"Sabing sasama na eh!"
"KAILAN BA KASE YUN!"

"Bat hindi ka makichismis sa fanpage mo duhh."

Naknamputa!!!!!!!

"Deadbat na yung phone ko. Bat di mo nalang sabihin."

"So kasalanan ko pang na lowbat ka?"

"Bakit, sinabi ko bang kasalanan mo!"

"Oo."

"Aba! Wala akong matandang sinabi kong kasalanan mo."

"See, kakasabi mo pa nga lang kanina at inulit mo pa ngayon."

"Slow ka ba o sadyang bobo ka lang?" nagpapalakasan na kami ng boses ngayon.

"Huhh?"

"Huhvkdog."

"ABAAA GINAGALI----." natigil kami sa pag babangayan ng may sumingit saming dalawa.

"Kailan kayo tatahimik." rinig namin ni April kaya lumingon lingon kaming pareho kung nasaan yung nagsasalita.

"Hala! Baka minulto tayo. Kasalanan mo talaga to Savanna." paninisi nya sakin.

"Aba! At Ako pa talaga yung sinisi mong bruha k--." natahimik ako nang may marinig ulit kami.

"Tsssk."

Nagkatitigan kami ni April at alam kong takot na takot na sya kaya patago kong inabot ang bag ko at nang maabot ko na ito ay agad akong tumakbo. Ako na ang unang tatakbo, baka maunahan nya lang ako. Hindi pa kalayuan yung tinakbo ko sa pwesto namin ni April ay agad na akong nadapa. Sheet kung minamalas nga naman.

"BWAHAHAHAHAHAH! DESURB!!"

Narinig ko ang malakas na halakhak ni April sa likoran ko. Puta nakakahiya. Naramdaman kong humahapdi na yung tuhod ko kaya napapikit ako. Shitt not now, bat ang malas ko ngayong araw.

"A--april hu-humahapdi y-yung tuhod k--ko." nauutal kong sabi habang nakapikit parin. Narinig kong tumatawa parin sya at pumunta sa harapan ko.

"HAHAHHA tangek. Oh bat di kapa tumatayo jan? Hahaha tayo na Sav wag mong antayin na tutulungan pa kitang bumangon jan kase hindi ko yun gagawin. Boo desurbb." kantyaw nya sakin.

Tumingala ako para samaan sya ng tingin. Dahan dahan akong bumangon habang naka tingala parin. Sheettt sana walang dugo.

"HAHAHAH timang bat may pa ganyan ganyan kapa?" gagong April.

"Tingnan mo nga yung tuhod ko kung may dugo ba." utos ko.

"Bat di ikaw yung tumingin. Alam mo Sav ang weird mo minsan." napakamot sya sa ulo nya habang nakatingin sakin ng naguguluhan.

Tskk bahala na. Di ko ibababa yung pride ko para lang jan no. Dahan-dahan kong tiningnan yung humahapdi kong tuhod. Nang matingnan ko ito ay agad kong nakita na may kaunting dugo na nabubuo dun, tinitigan ko lang yun at habang tumatagal ay nararamdaman kong unti unting lumalamig ang mga kamay ko."Oh bat tulala ka jan?" Tanong ni April pero hindi ko sya pinansin.

"Haystt." narinig ko na naman ang boses kanina, para syang lalaki pero hindi na ako nagkaroon ng tyansang lingunin kung sino yun dahil hindi ko matanggal yung paningin ko sa tumutulong dugo sa may paa ko.

"Oi Sav." Kinalabit ako ni April kaya napaharap yung mukha ko sa kanya.

"SAV! bat namumutla ka." natatarantang tanong nya sakin at inalalayan ako.

Nararamdaman ko nang gumagapang yung init papunta sa mukha ko at nawawalan na ako ng balance kaya kumapit na ako sa kanya. "Dugo." ang tanging naiusal ko dahil nararamdaman kong natutumba na ako. Pumikit ako at tuluyan na ngang natumba. Naririnig ko pa ang boses ni April at naramdaman kong binuhat nya ako pero hindi ko na nagawang imulat ulit yung mga mata ko dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

NAGISING AKO dahil sa malakas na boses ni April at isang pamilyar na malamig na boses. Hindi ko iminulat yung mata ko at nagkunwaring tulog pa dahil alam ko kung kaninong malamig na boses iyon.

"Do you know his name." tanong ng malamig na boses kay April.

"Ahmm no. Ano kase ay.. I mean ano I don't know the boy's name who...... ano who carry Sav because I think he is not a student here. Yahh tapos.. ay I mean ano kase!" nahihirapan nyang sagot at gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa boses nyang hiyang hiya. Desurbb ka rin April, kala mo ah.

"Just speak tagalog." malamig nyang utos kay April at alam kong nanginginig na sa takot ngayon si April.

"Ano kase nadapa si Sav kanina dahil tumakbo sya at ewan ko kung bakit sya namutla nung nakita nya yung dugo sa tuhod nya. Ewan first time atang nasugatan kaya ganun. Tapos nung nawalan na sya ng balanse ay nakita kong may papalapit samin na lalaki. Galing ata sa ibabaw ng puno kung saan kami naka tambay kanina at tinulungan nya akong alalayan si Sav. Nabitawan ni Sav yung bag nya kanina kaya inutusan ako nung lalaki na sya na ang bahalang magbuhat kay Sav at ako nalang daw yung magdadala ng bag tapos ayun nga binuhat nya si Sav patungo dito sa clinic at agad naman syang umalis dahil may tumawag sa kanyang cellphone kaya hindi ko rin natanong kung ano yung pangalan ng poging lalaking yun. mahabang paliwanag ni April.

"Call me when she wakes up. I have to go"

"Okay thank you."

"And one thing."

"Ano po yun?"

"Don't tell her that I've been here. Is it clear." mas malamig nyang utos na parang nang ba blackmail.

"O--opo." nauutal nyang sagot.

Gusto kong imulat yung mata ko pero ayukong makita ang pagmumukha nya kaya nanahimik nalang ako. Mamaya ko na kukulitin si April tunggkol sa pinag usapan nila.


My Obsessed Stalker Where stories live. Discover now