Nag aalangan akong lumabas sa bahay dahil sa takot hindi ko rin sinabi sa kanila ni mama na may laging sumusunod saking lalaki na hindi ko kilala kase ayukong mag alala sila lalo nat may katandaan narin sila ako lang kase yung anak nila dahil matagal na nabuntis si mama at tumutulong din ako minsan sa bakery namin para di sila masyadong mapagod.
Napagdisesyunan kong lumabas nalang at gumala sa mall para mamili kaya nagbihis ako ng maikling shorts at fitted shirts nagdala rin ako ng malaking hoody jacket at sinuot yun para matakpan yung mukha ko. Nilock ko yung bahay kase wala naman sila mama nasa bakery. Nang makalabas ako sa gate namin ay ayan na naman ang pakiramdam kong may nakatingin sakin at sumusunod kaya binilisan ko lalo ang pag lalakad ko at halos tumakbo na ako.
Iilan lang kase ang mga kapitbahay namin at mga matatanda pa kaya walang gumagala dito. Nang makarating sa main road ay saka lang ako nakahinga ng kunti pero ramdam ko parin na sumusunod sya sakin kaya naglakad ulit ako ng mabilis at nalagpasan ko narin ang school ko kung saan ako nag aaral kase nasa unahan pa naman yung mall. Pwede naman akong sumakay ng jeep o bus pero mas gusto kong maglakad. Hindi ko napansing humina pala ang lakad ko nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mapansin ang presensya ng lalaki na nasa likod ko na at sinasabayan ang bawat hakbang ko.
Nagdadalawang isip ako kung lilingunin ko ba o maglalakad nalang ng mabilis shitt I prefer the last option di ko kayang lumingon natatakot na ako. Akma kong bibilisan lalo ulit ang lakad ko nang hawakan nya ang braso ko. Nanlaki ang mata ko nang hinarap nya ako sa kanya at hinawakan ang nanginginig kong kamay."Sino ka?" nanginginig na tanong ko sakanya nakasuot sya ng itim na jeans,jacket at cap naka mask rin sya kaya di ko kita yung mukha nya. Mukha namang gwapo at tingin ko ay mas matanda lang sakin to ng mga tatlong taon.
Mas lalo akong natakot nang tinitigan nya lang ako at di nagsasalita. "Tangina mo sino ka bakit mo ko sinusundan." pagalit na tanong ko kahit nahahalatang kinakabahan ako matangkad syang lalaki at nahahalatang maskulado at malaki ang katawan hanggang braso nya lang ako dahil hindi naman ako matangkad."Wala lang." Maikli nyang sagot at kahit natatakot ay di ko mapigilang pansinin ako baritono nyang boses. Tinulak ko sya kaya nabitawan nya ang kamay ko napansin ko na parang nag igting ang panga nya at tiningnan ako ng walang emosyon kaya dalidali akong tumakbo at wala akong pakealam kung pinagtitinginan ako.
Nang makalayo ay saka lang ako tumigil. Nakikirandam din ako kung sumusunod paba sakin yun at nang mapansin kong wala na at pumunta na ako nang mall at binili lahat nang kailangan ko sabado kase ngayon kaya walang klase kaya rin ako lumabas kase para makabili ng mga materials para sa project.
Nang mabili ko na lahat ng kailangan ko ay nag bus ako pauwi. Pakiramdam ko kase baka sundan nya ako ulit pauwi di pa naman ako makakatakbo kase madami ang pinamili kong dala.
YOU ARE READING
My Obsessed Stalker
RandomStatus: On-going Posted: Feb 8, 2023 She is just a simple girl who is enjoying her life while studying. She is graduating college actually. Hindi nya alam na lagi palang may naka sunod sa kanya noon palang. That's why when her stalker showed up, she...