Lara's POV
Seryoso akong nakikinig sa professor namin dahil may gagawin na naman kaming activities well okay lang naman sakin kase individual naman at hindi by pair, kapag kase by pair ay dumedipende sila sakin kesyo ako daw yung pinakamatalino kaya ako dapat yung leader at gagawa eh d naman utak ang basehan dun eh.
Nagliligpit na ako ng mga gamit ko dahil dismissal na at malapit nang magsi uwian, plano ko kasing umuwi nang umaga dahil pupunta kaming bar mamaya dahil birthday ni Jacob.
Ayaw ko sanang sumama dahil alam kong may gusto sakin yun at ayukong umasa sya sakin pero pinilit nila akong sumama kaya pinagbigyan ko nalang dahil birthday nya naman.
Nang mag uwian na ay lumabas ako agad daladala ang mga libro ko kahit na nahihirapan ay nagpatuloy parin ako sa paglalakad.
Paglabas ko ng gate at papunta sa sana sa parking lot ay nagulat ako nung may biglang umagaw sa mga dala ko, nilingon ko ito at nakahinga ako ng maluwag dahil si Jacob lang pala yun kaya pinaubaya ko nalang sa kanya ang mga mabibigat na libro ko.
Napansin ko na parang may nakatitig sakin kaya panay ang lingon ko kahit saan at hindi mapakali kaya pumayag nalang akong magpahatid kay Jacob dahil sa labis na kaba kase feel ko talaga na may sumusunod sakin at dahil d naman gaano ka layo yung bahay namin dito ay madalas akong maglakad para ma exercise yung katawan lalo na ang mga paa ko.
Pagka uwi ko ay nagpahinga muna ako dahil mamayang 7 pa naman yung start ng party, nagpaalam narin ako kina mama at pinayagan naman ako basta wag magpaabot ng kalahating gabi at wag magpakalasing. Binuksan ko muna ang Facebook ko at tiningnan kung sino yung mga nag message sakin.
Mga kakilaka ko lang naman yung mga nag message sakin kaya nireplyan ko nalang at may iilan ding hindi ko kilala pero may isang mensaheng pumukaw sa atensyon ko at nagpatayo ng mga balahibo ko.
Don't let me see you with another man if you want them alive — M.
Sino to? Wala akong naaalalang ini add ko tong account nato o na accept.
Dahil sa takot ay bli-nock ko sya at dinelete conversation. It gaves me goosebumps. Who is that person?
Dahil sa takot ay nagpasundo ako sa mga kaibigan ko ng mag mandang alasais y medya na at nakisabay nalang sa kanila, baka sya yung palaging sumusunod sakin at baka bigla nalang yun magpakita sakin at patayin ako plano ko ngang wag nalang pumunta kaso naka oo nako at ayaw ko namang mag back out dahil nga pumayag na ako.
YOU ARE READING
My Obsessed Stalker
RastgeleStatus: On-going Posted: Feb 8, 2023 She is just a simple girl who is enjoying her life while studying. She is graduating college actually. Hindi nya alam na lagi palang may naka sunod sa kanya noon palang. That's why when her stalker showed up, she...
