KRINGGGGG! KRINGGGGG!
Nagising ako sa nambubulabog na alarm clock. Argggg kairita isang oras lang ata tulog ko dahil sa kakaiyak. Ayy oo nga pala shettt baka namamaga yung mga mata ko gagi.
Agad-agad akong bumangon para himarap sa salamin at puta naman. Napahimas nalang ako sa noo ko at nag isip ng paraan kung paano ko to maitatago.
Bumaba na ako kaagad at nagtungo ng tahimik sa cr para maligo na kase hindi pa pala gising sila mama. Mabilis akong naligo at nakatuwalya lang na lumabas at nakita kong nagluluto na si mama ng agahan.
"Oh napano yang mata mo nak?" oww shett halata parin, pano na to.
"Ahh nanood kase ako ng Korean drama ma yung Goblin kaya namaga yung mga mata ko." pagawa ko ng alibi para hindi na siya mag alala.
"Aysus kang bata ka, oh sya magbihis kana para makakain kana." agad akong tumango at umakyat na sa kwarto ko para mag bihis.
Sinuot ko ang uniform ko kahit di ako kumportable kase ang iksi ng palda at kita ang mga hita ko. Ewan ko ba at bakit hindi ako nasanay eh matagal ko naman na itong sinusuot. Naghanap ako ng eyeglasses para matakpan ang namamaga kong mga mata, nakahanap naman ako kaya sinuot ko na yun at bumaba na para makakain.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kase eight twenty na at eight thirty ang pasok ko sa first subject. Palinga-linga ako habang lumalabas at nang mapansing wala namang kakaiba ay agad na akong naglakad papunta ng main road.
Nag vibrate ang phone ko habang naghahanap ako ng na masasakyan kase malalate na ako pag naglakad pa Ako seven minutes nalang at magsisimula na ang first period class ko. Tiningnan ko ang phone ko at sinagot agad ang tawag ni April. "Sav natapos mo ba yung project mo?" agad nya bungad sakin.
Nanlaki naman ang mata ko at dalidaling tumakbo pauwi ng bahay. Shettt bat ko nakalimotang dalhin yun. "Oo, teka balik muna ako sa bahay, nakalimutan kong dalhin puta." hindi ko na hinintay ang sagot nya at agad ko na yong pinatay.
Pagkadating ko sa bahay ay paalis na sila mama. "Oh bat ka bumalik nak? May nakalimutan ka?" tanong ni mama.
"Ahh oo nakalimutan kong dalhin yung project ko." nang makaakyat ay agad ko itong kinuha at nagpaalam na kina mama na aalis na at dalidaling tumakbo papuntang main road. Tumingin ako sa relo ko at nakitang late na ako ng two minutes.
Panay ang lingon ko para maghanap ng bus o jeep at sakto namang may bus na dumaan kaya agad na akong sumakay bitbit ang project na gawa ko.
NANG-MAKARATING ay agad akong pumakbo papasok sa gate habang pinapakita ang ID ko. Tinungo ko ang building ng room ko. Nasa 3rd floor pa ang room ko kaya humihingal na ako habang tumatakbo at nang makaharap ako sa pintuan ng room namin ay agad akong kumatok at pumasok.
Pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko dahil nakataas na ang kilay ni Ms.Professor sakin at mataray akong tinitigan kaya lalo akong nahiya. Pag lingon ko kay April ay tinatawanan nya lang ako.
"Ehemm may I know why are you late Ms. Montemayor?"mataray nyang tanong sakin kaya kinabahan ako lalo.
Puta at itong matandang mataray pa talaga ang naabutan ko dito palibhasay menopausal na kaya madaling magalit.
"Ahh nasiraan po kase yung sinasakyan kong bus, flat daw yung gulong hehe."awkward akong tumawa.
"Okay as I was saying there are 3 core degrees path in business administration, what is it Ms. Montemayor?"paupo na sana ako nang tinanong nya ako kaya tumayo at ng tuwid at tiningnan ko ang professor naming mataray duhh as if di ko alam yun.
"Ahmm the three core degrees path in business administration Ms. Professor is the associate, bachelor's, and master's degree."matamis akong ngumiti, Haaa!! akala mo ah ang dali² lang kaya ng tanong.
"Good, can you tell me what is it?" tskk basic.
"Well the associate degree is an entry-business level degree to people who wanted to enter the field quickly. It takes 2 years to qualify you or so for roles such as human resources assistant or marketing associate, while the bachelor's degree is a foundational degree that can give you the education you need for managerial or administrative roles. Most roles in business administration will look for at least a bachelor's degree from candidates. A bachelor's will take four years to complete if you study full time. Otherwise the master's degree is a great way to get the administration you need in pursue leadership, executive and other advanced roles in business administration. A master's can take 18 months to two years to complete Ms. Professor." tskk satisfied kana ba? nakakairita na kase ako nalang laging pinag iinitan.
"Okay you may take your sit."at umupo naman ako habang nagpatuloy naman sya sa pag-d-discuss dahil neks week na ang aming OJT.
"Anong tinatawa-tawa mo jan." tanong ko habang humahagikhik naman sya sa tuwa.
"Eh nakakatawa kase yung reaction ni ma'am, mukhang nainis sayo lalo kase nasagot mo yung tanong."tumatawa nya paring bulong sakin magkatabi kase kami.
"Eh ang dalidali lang naman kase ng tanong nya."umirap nalang ako at nakinig na.

YOU ARE READING
My Obsessed Stalker
AcakStatus: On-going Posted: Feb 8, 2023 She is just a simple girl who is enjoying her life while studying. She is graduating college actually. Hindi nya alam na lagi palang may naka sunod sa kanya noon palang. That's why when her stalker showed up, she...