Chapter 5

20 4 0
                                    

Kakatapos ko lang gawin yung project ko kase di ko natapos kagabi. Pagkatapos ko kasing maligo kagabi at pag akyat sa kwarto ko ay wala nang punmapasok sa utak ko kundi sino yung lalaking yun? Oo nakita ko na imahe nya pero di ko parin nakita yung mukha nun at bakit nya ako sinusundan stalker ko ba sya. Eh mukha naman syang mayaman base sa mga damit na suot nya nung sinundan nya ko at mukhang gwapo rin naman so bakit sya nag aaksaya ng oras para sundan ako.

Madaming what ifs pumapasok sa utak ko kagabi like,

what if pumapasok sya dito sa kwarto ko ng di ko nalalaman?

What if may gayuma yung pizza na dineliver kanina? Pero kebs lang pati din naman sila mama at papa ma-i-in-love. charot.

What if isa syang baliw na nakatakas sa mental? Pero Ang gwapo nya naman baliw kung ganun.

What if patayin nya ako at ibenta lamanloob ko?

What if rapist sya at ako neks victim nya?
Ohmahhghad virgin pako no.

What if kidnapin nya ako habang naglalakad ako pauwing bahay? Parang d naman siguro.

What is naglagay sya ng hidden cam dito sa kwarto ko ng di ko namamalayan?
Shettt naguhubad pa naman ako dito minsan.

Puta ayuko nang mag overthink gagala nalang ako ngayon para ma distract ako ayuko din kasing pumunta sa  bakery abala lang ako dun wala naman talaga akong alam sa pagluluto eh tapos lunes naman na bukas may klase na ulit kaya i-enjoyin ko nalang weekends ko. Actually graduating na ako last sem ko na kase to at ang totoo nyan ay pangarap ko talagang maging secretary ng gwapong CEO tapos maiinlab sya sakin kase d naman ako panget tas sexy rin tapos aalukin nya ako ng kasal tapos aanakan nya ako tapos d kami titigil pag hindi kambal tapos.....charr joke lang.

Anyways so nagbihis na ako ng crop top t-shirt at maong short tas nag boots din ako ewan ko lang ganto talaga outfit ko kapag gagala ako eh kumportable kase ako pag ganito suot ko. Nag liptint lang ako at kunting pulbo nag lotion narin kase plano ko na namang mag lakad.

Palabas na ako ng gate nang may mapansin akong lalaking nakatayo sa likod ng puno di kalayuan naka ripped jeans sya at naka black t-shirt naka black na cap at mask parin sya kaya d ko parin kita yung mukha nya, matangkad sya at maskulado gaya nung lalaking laging sumusunod sakin. Lumabas sya sa likod nang puno at nag lakad papunta sakin Sabi ko na ngaba at sya Yun eh.

Nanlaki naman ang mata ko dahil ang bilis nyang mag lakad kaya dalidali akong pumasok pabalik sa gate at ilo-lock ko na sana yung gate nang pwersahan nyang itulak ito kaya tumakbo na ako papuntang pintuan puta sino ba kasi sya.

Shittt fuck yung susi, nagkukomahog kong hinanap yung susi sa dala kong shoulder bag at kahit nanginginig ako sa takot ay pilit ko parin yung hinanap. Kinaykay ko yung bag ko at nang mahawakan ang susi ay agad ko yung nilabas at binuksan ko na sana yung pinto ng may umagaw ng susi.

"Don't even try to escape me." anang baritonong boses nya.

Puta napapikit nalang ako sa takot ng hawakan nya ang braso ko. Naalarma naman ako at agad ko syang tinulak ng malakas kaya napa atras sya ng bahagya pero mas malakas parin sya sakin kaya hindi nya ko tuluyang nabitawan.

"Sino ka ba kase." nanginginig kong tanong habang nakayuko eh wala din naman akong laban sa kanya eh malaki katawan nya at matangkad sya tapos akong payat lang at maliit kaya mananahimik nalang ako ayuko pang mamatay.

"Shut up and let's talk." sabinya habang binubuksan ang pintuang namin gamit ang isa nyang kamay habang ang isa ay nakahawak parin sa braso ko. Gago puta anong gagawin nya sakin sa loob, kung alam ko lang edi sana d nalang ako lumabas o di kaya ay nagpasundo nalang sa mga plastik kong kaibigan at yayain silang gumala. Nang mabuksan nya ang pinto at agad nya akong hinila papasok saka binitawan nya na ang braso ko at nanlaki naman ang mata ko nang I lock nya ito shittt shitt shittt fuck mamamatay naba ako.

My Obsessed Stalker Where stories live. Discover now