Akala ko ay tuluyan na syang lalapit sakin pero laking pasasalamat ko nang tumigil sya ng mga ilang hakbang papunta sakin at nagsalita na sya namang ikinataas ng mga balhibo ko."Remember Jacob?" malalim na boses nyang tanong habang titig na titig sakin,grabe kahit hindi ko pa nakita ang mukha nya dahil sa cap at mask ay ang lakas parin ng dating pero nakakatakot parin sya dahil hindi ko sya kilala at palagi nya akong sinusundan.
"Ahh oo bakit anong meron kay Jacob at bakit mo sya kilala." kahit kinakabahan ay naglakas loob parin akong mag tanong dahit sa curiousidad kung bakit kilala nya si Jacob.
Nahigit ko ang hininga ko nang naglakad sya palampas sakin at naglakad patungo sa sala namin kaya sininyasan nya naman akong sumunod sa kanya."Hinatid sya ng mga tauhan ko sa hospital." kaswal nyang sagot sakin at pabagsak na naupo sa sofa nang makalapit sya at sinenyasan nya rin akong umupo kaya umupo ako sa isang sofa na kaharap nya lang.
"Ha!! Bakit?" alam kong mahihimigan ang pagka inis sa boses ko at pag aalala pero hindi ko na yun inisip pa gago sya anong ginawa nya kay Jacob, kahit di ko gusto yun ay kaibigan ko parin yun. Tinanggal nya ang cap at mask nya at nagsusupladong tumingin sakin.
Agad nanlaki ang mga mata ko. No way.
NO.FUCKING.WAY!
Is that Midnight Travis Scott??
yung CEO ng pinaka malaking kumpanya sa pilipinas at madami din syang mga farm ng fruits at vegetables may rice field din syang pagaari at madami din syang pag aaring mga hotels.
Actually kasali sya sa mga maagang naging successful at bata pa sa business world kaya kahit 26 years old pa sya ay madami na syang hinahawakang kumpanya. Kahit ata sa labas ng pilipinas ay madami rin yang mga companies eh at may mga rumors din na leader din sya ng mga dangerous groups ewan ko kung anong tawag dun.
Well kilala ko sya dahil sikat sya at minsan naring nabanggit ng pinaka terror na professor namin ang pangalan nya at kapag daw may isa saamin ang makakatungtong sa kumpanya nya ay bibigyan nya daw ng business trip kasama ang mga sikat na business mens and womens sa susunod na taon na yun kaya naman ay mas nag porsigi silang mag aral at iilan din sa mga kaklase ko ay pinagpapantasyahan sya.
Anyways nakasuplado parin ang mukha nya kaya nag taka ako kung bat sya nagagalit."Ahh so you cared about that boy, do you love him, tell me."matalim na tingin ang ibinigay nya sakin at nagulat naman ako nang bigla syang tumayo at mabilis na naglakad papunta sakin kaya hindi ko na mapigilang tumakbo papunta sa kwarto ko kahit malapit na akong madapa dahil sa hagdanan ay binilisan ko parin dahil alam ko namang maaabutan nya ako kapag sa pintuan palabas ng bahay ako dadaan kase double lock yun at hindi madaling mabuksan kaya no choice ako kundi sa kwarto nalang, may lock naman dun eh.
Dalidali kong binuksan ang kwarto ko kaya lang ay may malakas na pwersang tumulak nito at hindi ko na mapigilang sumigaw nang tuluyan na itong bumukas dahil wala namang laban ang lakas ko kumpara sa kanya. Nanlilisik ang mata nya nang tingnan ako at pagalit na sinara ang pinto na sya namang kina igtad ko, agad namang kumilos ang mga paa ko para tumakbo papuntang terase pero tangina ni-lock ko pala to at nasa kanya ang susi ko shit.
Napayuko nalang ako at napasandal yung ulo ko sa pintuan ng terase habang nakahawak sa door knob ang nanginginig kong kamay dahil sa takot dahil natirinig ko ang mga yabag nya papunta sa kinaruroonan ko. Tanginang buhay to.
Nang maramdaman kong nandyan na sya sa likuran ko ay mas lalong nanginig ang mga nanlalamig kong kamay."Don't run babe, know that you can't escape me."bulong nya sa tenga ko kaya mas lalo akong natakot at parang gusto ko nalang umiyak ng malakas at magsisigaw when he touch my shoulder and make me face him. Nang makaharap ko ang dibdib nya ay mas lalo akong yumuko dahil alam kong nakadungaw lang sya sakin.
Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa takot nang hawakan nya ang mahaba at nakalugay na hindi masyadong kulot na buhok ko, hinaplos haplos nya yun at inamoy-amoy."Look at me."he commanded.
"Ayuko."tanging nasagot ko lang at alam kong nahihimigan sa boses ko ang takot.
"Shhh don't cry I won't hurt you just look at me."malambing at nagsusumamo na ang boses nya ngayon hindi kagaya kanina na mahihimigang galit.
"Ano bang kailangan mo sakin ha, bat mo ba ako sinusundan."umiiyak na tanong ko dahil sa takot. Niyakap nya naman ako habang hinahagod ang likod ko kaya napasobsob ako sa dibdib nya.
"All I need is you. You are mine."bulong nya sa tenga ko na syang nagpatayo ng mga balahibo ko.
"Just leave." nakayuko at umiiyak kong sabi sakanya at nagulat ako nang biglang lumambot ang expression nya nang tingnan ko syang muli.
"Okay fine I'll leave so stop crying, I hate seeing you like that."pagsuko nya at yumuko at hanalikan ang noo ko."Just remember that you are mine." bulong nya at tuluyan nang umalis.
YOU ARE READING
My Obsessed Stalker
DiversosStatus: On-going Posted: Feb 8, 2023 She is just a simple girl who is enjoying her life while studying. She is graduating college actually. Hindi nya alam na lagi palang may naka sunod sa kanya noon palang. That's why when her stalker showed up, she...
