Chapter 8

14 2 0
                                    

Dismissal na namin at naglalakad na kami ni April patungo sa  canteen para kumain.

"Owemjii Sav ang talino mo talaga, pano mo nasagot ang mga mahihirap na tanong ni Sir Francisco kanina? Eh kung wala ka siguro sa room ay nagwala na yun dahil walang sumasagot sa kanya."pangungulit ni April sakin.

"Seriously April? About business proposal lang yun at kung paano makapag close ng deal, di nyo ba alam Ang mga basics nun?"haystt baka ang pakikipag deal sa business ay hindi rin nila alam? Eh anong gagawin nila pag OJT na?palibhasay puro lang gala ang mga nasa utak tskk napa iling nalang ako.

Anyways malapit na pala ang valentine's day kaya habang naglalakad patungo at kahit na nandun na kami ay yun parin ang dinadada ni April nakakabanas na.

"Sav diba walang klase ngayong Friday? Gala tayo." exited na yaya sakin ni April habang paupo na kami sa isa sa mga lamesa dito sa canteen.

"Ahmm depends kung walang gagawin." parang ayuko munang gumala at baka maulit na naman yung kahapon at baka sundan na naman ako ng gagong yun.

"Anong gusto mong kainin? Ako na bibili dito ka na lang." tanong ko.

"Ahh fried chicken nalang tapos kanin, di ako nag baon eh tas soft drinks narin." request nya kaya umalis na ako agad at nag bumili na. Namili narin ako ng akin at spaghetti lang yung binili ko kase wala akong ganang kumain.

Nang makabalik na ako sa mesa namin ay tahimik na nag c-cellphone lang si April Kay niyaya ko na syang kumain at hindi na kami nagtagal pa sa canteen dahil malapit nang magsimula ang first subject namin sa afternoon time.

KANINA pa kami dito sa classroom pero wala parin ang prof namin, mukhang late ata. "Guys wala daw klase si Mr. Legaspi ngayon kase may meeting daw lahat ng mga professor, mag handa nalang tayo sa next prof sabi ni pres." bungad samin nang kakapasok palang na si Dalia.

"Eh? Bat alam ni Dalia, diba dapat mga co-officers Ang nagbabalita nyan."nagugulohang tanong ni April sakin at nag kibit balikat nalang ako dahil di ko naman alam, pero lately may napapansin na ako sakanila ni pres. at Dalia na mukhang may something sakanila pero pinagsawalang bahala ko nalang yun. At nung nag alas dos na ay pumasok na ang next prof namin hanggang sa matapos ang klase at umuwi na ako.

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa school Kase ayuko na namang ako ang pag initan ng matanda naming prof na kulang nalang ay kakainin ako ng buhay.

Dumating nako sa school nang matiwasay kahit kagabi rin ay tahimik akong naka uwi na ikinasaya ko dahil dun ko lang naramdamang walang sumusunod sakin at the same time ipinagtaka ko rin.

Nang maka pasok sa school ay agad na akong pumunta sa plaza para sumali sa flag ceremony. Kinanta namin ang national anthem nang sabay-sabay at nang matapos ay may i-a-announced daw kaya nakinig nalang ako ng kunti at hinanap si April dahil hindi pa sya dumadating.

Nag online lang ako at di nakinig sa announcement dahil hindi naman ako interesado. Agad akong pumunta sa room nang matapos ang mahaba nilang announcement na di naman ako nakinig. Nang makapasok ay hindi pa dumadating ang mataray na matanda naming prof kaya nagdaldalan na muna kami ng mga kaibigan ko.

"Oi balibalitang lumipat nadaw ng school si Jacob sabi ng kapatid nyang si Jhanine." singit ni Mitch samin.

"Balita ko nga rin ay galing daw yun ng hospital, kaya pala hindi nakasipot sa mismong birthday nya eh na hospital pala." dagdag pa ni Jenny na sya naman ikinabigla namin. Grabe kaya pala hindi ko na sya nakikitang umaaligid dito sa campus lately eh hindi na pala sya dito nag aaral. Pero nakakatampo naman ah mga kaibigan nya rin naman kami pero hindi nya man lang nagawang magpaalam samin kahit text o tawag man lang.

"Ha! Bakit biglaan anong nangyari tyaka pwede paba yun?
Eh malapit na yung OJT natin ah."nagugulohang tanong ni Jhudiel at sumang ayon naman kami.

"Pwede ata eh, palibhasay mayaman at madaming connections kaya ganun."

"Well sabagay parang ganun na nga" pag sang ayon nalang namin.

Biglang dumating si Ms. Professor shettt ayan na naman sya palibhasay tumandang dalaga kaya palagi nalang na highblood at galit.

"Good morning Ms. Professor." sabay-sabay naming bati sakanya at nagsi upuan na.

"Good morning."tipid nyang bati at sinuyod ang kanyang paningin hanggang sa matagpuan ako ng mga mata nya, oh tingin tingin mo jan? Kala mo late ako? Sorry pero hindi ako late duhh naka sali panga ako sa flag ceremony eh.

"Okay this is a big and good news announcement so you should listen of what am I gonna say right Ms. Montemayor?"pinagtaasan nya ako ng kilay kaya nagsilingonan lahat ng mga ka klase ko sakin...

Awkward.....

"Ahmm yes Miss." sagot ko nalang at baka pag initan Ako lalo.

"Okay good, so here it is, all eyes on me." pagpapaligoy nya.

"Mr. Scott has been invited every year in this school to let a student work an OJT to his companies for experience but all those years is not good, he rejected our invitations thrice or more pero ngayon ay tinanggap nya kaya ipinag uutos ng dean na walang klase buong araw ngayon para makapag study kayo, I c-celebrate natin ang pag tanggap ni Mr. Scott." nakanhiting pagtatapos ni Ms. Professor sa pag a anunsyo nya at umalis na ng room.

Mr. Scott? Fuck bat ngayon pa? Anong plano nya?

My Obsessed Stalker Where stories live. Discover now