Chapter 9

25 4 0
                                        

Nag daan ang mga araw na casual lang at wala namang ganap hanggang sa nag lunes na ulit. Ito na Ang araw na kinatatakutan ko dahil ngayon daw darating si Mr. Scott dahil sya daw mismo ang mamimili at lima lang daw ang kukunin nya para magtrabaho sa kanyang company.

Nandito na ako sa room dahil bawal daw na ma-late ngayon at baka umatras daw si Mr. Scott. Wala silang pinagawang mga recitation dahil mag o-obserba lang daw sya at diretso nang pipili kaya labis akong kinakabahan dahil ilang araw ko na syang Hindi nakikita onararamdamang sumusunod sakin at may kutob akong isa ako sa mapipili.

Pagkaraan ng mga ilang minuto ay dumating na si April kaya nadi distract na ako dahil sa kakulitan nya. Sya lang ata yung kaibigan kong ayaw akong tantanan at laging naka buntot, eh di naman ganito ka clingy sila Dalia sakin eh. Nevermind.

"Sav what if mapili ako? Tapos ikaw hindi? Aysss dapat magkasama tayo sa OJT ayukong mahiwalay sayo." pangungulit nya na naman, sus kung alam mo lang April.

Nagkibit balikat nalang ako dahil tinatamad na akong magsalita pa sa subrang daldal nya. Haystt nasan naba ang mga teachers, ang tagal naman ata ng pasok nila.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko nasilayan ang menopausal naming teacher. "Good morning class, sorry if I'm late today I just accompanied our visitors specially to the most famous CEO Mr. Scott who just accept our invitation recently." nakangiting bungad nya.

Himala at hindi ata ako pinag initan ngayon.

Sininyasan nya kami na mag behave at nagsalita ulit. " Okay so I would like to introduce you all to our special visitor Mr. Scott please come in." nakangiti paring anunsyo ni professor.

Napayoko ako at pinagpapawisan na ang kamay ko sa kaba habang ang mga ka klase ko naman ay nagagalak at parang excited pa na makita sya.

Napasinghap ang mga ka klase ko at hindi matanggal ang mga mata nila sa lalaking kakapasok lang pati si Ms. Professor ay laglag rin ang panga. Napaigik ako ng hinampas ako ni April sa braso ko kaya napatingin silang lahat sakin. Bwiset ka April gago bat ka nanghahampas bigla. Nanlilisik na mata ko syang nilingon dahil sa pagkapahiya ko pero sya ay parang kinikilig lang na nakatitig sa pintuan at walang pake alam na nahampas nya na ako.

Napalingon ako kay Ms. Professor ng tumikhim ito ngunit ang nasalubong ko lang ay sinamaan nya ako ng tingin. May isinenyas sakin si April na tumingin daw sa pintuan kaya lumingon ako pero pinagsisihan ko din bandang huli. Nakatitig na sya sakin na parang sinasaulo lahat ng mukha ko. Kinuha nya ang cellphone nya at nag type ng kung ano-ano habang naka ngisi at lumingon ulit sya sakin na hindi alintana na nakatitig sa kanya ang lahat.

Naramdaman Kong nag vibrate ang cellphone sa bulsa ko kaya patago ko yung nilabas at baka sila mama yung nag text. Pagtingin ko sa screen ay unknown number Ang nakalagay kaya pinindot ko nalang para mabasa ko Yung message.

Unknown number :

Miss me?
-Travis

Nanlalaki ang mata ko na tumingin ulit sa kanya na katabi na pala ngayon si Ms. Professor sa harapan. Hindi na sya nakatingin sakin dahil may pinag uusapan sila ni menopausal na hindi namin marinig. Nireplyan ko sya habang tinatago ko parin ang phone ko kase baka sumilip si April na nakatitig parin hanggang ngayon ni Travis.

Me:

Saan mo nakuha ang number ko?
At wag ka ngang tumingin sakin, baka akala nila magkakilala tayo!

Sent.

Tiningnan ko sya habang nag uusap sila ni menopausal at hindi pinansin yung reply ko. Aba ang kapal ng mukha para i ignore yung reply ko eh sya naman tong unang nag text. Ganun ba sya ka interesado sa mga pinagsasabi ng mataray na menopausal na yan.

My Obsessed Stalker Where stories live. Discover now