Ang bayan ng Bontoc ay isang third class municipality at siyang capital ng Mt. Province na malapit sa Sagada at Banaue. Mayroon itong labing-anim na barangay at isa na roon ang Maglicong kung saan matatagpuan ang Maglicong Rice Terraces na ginawa ng mga katutubong Igorot maraming taon na ang nakakalipas.
Maligcong rice terraces's walls were made of stone which made it stand countless erosions. Matatagpuan dito ang sikat na Mt. Kufafey na dinadayo ng mga mountainers kung saan tanaw mula sa view dick nito ang kahali-halinang ganda ng Maligcong rice terraces. Matatagpuan din sa lugar ang Mt. Fato na katulad ng Mt. Kufafey ay hindi rin pahuhuli sa ganda.
Ang mga katutubo ng Bontoc ay kinatatakutan. Kilala sila sa pamumugot at pangungulekta ng mga ulo ng kanilang kalaban. They were known as the head hunters at nagsimula iyon taong 1930s. Kilala rin sila sa kanilang kakaibang pamamaraan ng sining. The native of Bontoc are known for their tattoos or body art.
Payak ang pamumuhay ng mga tao at walang makikitang hotels o restaurants. Tanging ang dalawang homestay Inn lamang ang naroroon kaya naman marami sa mga bakasyonista ay bayan pa rin ng Bontoc tumutuloy kung saan naroon ang mga hotels at restaurants.
Isa sa dalawang homestay Inn ang Yna's Inn kung saan ay kasama na sa binabayaran ng kanilang mga costumers ang pagkain. Package deal kumbaga.
"Excuse me, Miss," tawag-pansin ni Judy Ann sa babaeng nakaupo sa harap ng information desk.
Nag-angat ng paningin ang babae mula sa pagkakayuko sa binabasa nitong magazine at tumingin sa mga babaeng nakatayo sa kanyang harapan. Kaagad siyang ngumiti nang matamis sa mga ito.
"Hello, good morning!" Masiglang bati ni Jess sa bagong dating na grupo bago binitawan ang hawak na magazine. "What can I do for you, Ma'am?" Tanong niya bago dumako ang paningin sa nag-iisang lalaking kasama ng mga ito.
"We booked a room for six here last month. Judy Ann Aldeguer ang pangalan. Paki-check naman, please."
Tatlo ang kwartong maaaring pagpilian sa Yna's Inn ayon na rin sa information na nabasa nila sa internet. Ang pangdalawahan, pang-apatan at pang-animan kung saan p'wede ang isang pamilya.
"Okay, Ma'am. Pakihintay lang po sandali," tugon ni Jess bago tiningnan ang tila record book na nasa harap nito. Ilang saglit nito iyong pinasadahan ng tingin pagkatapos buklat-buklatin. "Ah, yes, Ma'am. A certain Judy Ann Aldeguer booked a room for six last month." Nakangiting kumpirma niya sa babae pagkaraan ng ilang sandali.
"Mga bes, ang daming fafa!" Halos patiling sambit ni Billy sabay hawak sa braso ng tahimik lang na si Justin.
Si Justin ang kaisa-isang lalaki sa kanilang magkaibigan. Kung mayroong tinatawag na "one of the Boys", of course, mayroon ding "one of the girls".
Kahit hindi kalakihan ang Inn ay malinis naman ito at maaliwalas. Tanaw mula sa kinatatayuan nila ang berdeng-berdeng kapaligiran and it gives them a refreshing feeling. Jenna could even clearly see the infamous Maglicong rice terraces that were surrounded by thin towering trees from afar. And she was also sure as hell that a trekking admist the pinetrees would be so nice in Mt. Kufafey too. At, excited na siya para roon.
Isang buwan din nilang pinaghandaan ang bakasyong ito. And from Manila, they all decided to take a trip by land para mas exciting. Minus the sobrang nakakapagod na biyahe, all in all ay nag-enjoy naman silang lahat.
They took a bus from Dangwa Manila to Banaue at nakarating sila bandang alas-sais ng umaga, kagaya ng kanilang inaasahan. Mula sa downtown ng Banaue ay sumakay naman ang grupo nila ng jeep patungo sa Bontoc. And, from the town proper of Bontoc ay muli silang sumakay ng jeep hanggang Maligcong na nasa outskirt na ng bayan.
BINABASA MO ANG
WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT
WerewolfSa pagpunta ni Jenna at ng mga kaibigan niya sa Bontoc, Mt. Province ay nakilala niya si Midnight Silvestrez. Ito na yata ang lalaking nakita niyang nagtataglay ng pinakanakakaakit na mga mata. And, he has also the most dangerous aura that Jeana had...