CHAPTER THREE

16 2 0
                                    


Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising si Jenna dahil sa hindi niya malamang dahilan. Tiningnan niya ang oras sa cellphone and it was already past eleven in the evening. Alas-otso pa lamang kanina ay humiga na silang lahat at sa labis marahil na pagod dala ng mahabang biyahe ay kaagad din silang nakatulog. Natapos ang maghapon na naroon lamang sila sa Inn at nakipagk'wentohan kay Dawn. Nakakatuwa itong kausap dahil sa pagiging maloko.

Nangunot ang noo ni Jenna nang mapansin niyang wala si Bon sa higaan nito. Sa ibaba ang pwesto nito at si Kath naman ang nasa itaas. Tahimik na ang buong paligid kaya saan ito nagpunta?

Kunot-noong sumilip siya sa bintana kung saan tanaw ang likuran ng Inn na nakaharap sa malagong kagubatan. Kasalukuyang nakalitaw ang cresent moon kaya maliwanag ang paligid bukod pa sa nakasindi ang tatlong lamp post sa likod ng Inn.

Natigilan si Jenna nang mapansing tila may gumalaw mula likuran ng malaking puno na malapit sa isang lamp post. Pigil-hininga'ng hinintay niyang may lumitaw mula roon ngunit kaagad din siyang napa-unat nang makita ang bulto ng isang lalaki. Natatakpan ng anino ng nakayungyong na sanga ng puno ang kalahati ng katawan nito kaya hindi niya makita ang mukha. Ilang sandali itong nakatayo roon at tila nagmamasid sa paligid.

Bagamat natatakot ay patuloy niya itong pinagmasdan ngunit nanlaki ang mga mata ni Jenna nang tumingin ito sa gawi niya na tila ba alam nitong naroroon siya at pinagmamasdan ito. Nanindig ang mga balahibo niya kaya kaagad siyang napahawak sa kanyang dibdib.

Mabilis na umatras si Jenna papunta sa gilid ng bintana para magtago. Pakiramdam niya talaga ay nakita siya ng lalaki. Ngunit paano? Madilim ang silid nila dahil patay ang ilaw at bahagyang liwanag ng malamlam na lampshade lamang ang tumatanglaw sa kanila.

Halos magdoble ang kabog ng dibdib niya dahil sa labis na kaba nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nila. Sa labis na pagkagulat ay napatili siya kasabay ng pagbaha ng liwanag sa kwarto.

"Ano'ng nangyari?" Tarantang tanong ng bagong dating na si Bon. Bakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha niya dahil sa tili ni Jenna.

Naalimpungatan naman ang tatlo kaya pupungas-pungas pang napabangon ang mga ito.

"Saan ka galing, Bon?"

"Ano'ng nangyari?"

"Sino ang sumigaw?"

Halos magkakasabay na tanong ng mga ito.

Hindi sumagot si Jenna at sa halip ay muli siyang sumilip sa bintana. Wala na roon ang lalaki. Saan nagpunta 'yon? Baka naalarma nang makitang bumukas ang ilaw sa silid nila kaya umalis.

Natitigilang napaisip na lamang si Jenna. Hindi niya napansin ang nagtatakang mga tingin ng mga kaibigan niya. Pare-parehong nakatunganga ang mga ito at tila naghihintay ng paliwanag niya.

"Wala na ang lalaki." Wala sa loob na bulong ni Jenna.

Kaagad namang nagkatinginan ang lima. Pare-parehong nag-iisip kung ano ang sinasabi ko.

"Sinong lalaki?" Hindi nakatiis na tanong ni Justin na nakatayo na rin sa tabi niya at nakisilip sa labas ng bintana.

Wala namang nakita si Justin kaya kunot ang noong humarap siya kay Jenna habang naguguluhan namang nakatingin sina Kath, Mae, Billy at Judy sa babae.

"At ano ba kasi ang ginagawa mo sa tabi ng bintana tapos gulat na gulat ka pa sa pagpasok ko?" dugtong ni tanong ni Bon na nakataas pa ang kilay.

"Nagising kasi ako tapos pagtingin ko sa higaan mo, wala ka kaya bumangon ako. Sumilip ako sa bintana kasi baka nandoon ka tapos may nakita akong lalaking nakatayo sa tabi ng malaking puno sa tabi ng lamp post." Paliwanag ni Jenna na malakas pa rin ang kabog ng dibdib.

Safe ba talaga sa lugar na ito? Pero nang i-background check naman nila ang Yna's Inn ay magaganda naman ang feedbacks ng mga naging guest nila. Ang iba nga ay nakailang balik na sa lugar at sa Yna's Inn lang palaging tumutuloy. Pero sino ang lalaking iyon at bakit ito nasa likod ng Inn na parang nagmamanman sa paligid?

"Ano naman ang gagawin ko sa likuran, aber?" Nakataas pa rin ang kilay na tanong ni Bon sa kanya.

"May kinatagpong lalaki si Bon at malamang iyon ang nakita ni Jeanna." nakangisi na sabad ni Mae sabay sundot sa tagiliran ni Bon.

Napatingin naman dito si Bon at binigyan ng katakot-takot na irap si Mae sabay tampal sa kamay nito.

"Siraulo!" sikmat niya kay Mae bago muling ibinalik ang pansin kay Bon. "Saan ka ba nagpunta?" tanong niya.

"Nagising lang din ako at naisipan kong bumaba saglit. Tahimik na ang paligid at mangilan-ngilan na lang ang mga guest na gising," bale-walang tugon ni Bon bago tumalikod at bumalik sa higaan nito.

"Tama na nga 'yan. Matulog na tayo. Maaga pa tayong gigising bukas dahil magti-trikking tayo sa Mt.Kufafey, remember." Awat ni Justin sa kanila. Tumalikod na rin ito at naglakad pabalik sa higaan nito.

"Mabuti pa nga. Kailanga'ng fresh tayo bukas dahil siguradong madlrami tayong hot na mountainers na makakasabay sa pag-trikking." Sang-ayon ni Kath na muli na ring bumalik sa pagkakahiga.

Nagtataka man sa kakaibang kilos ni Bon ay hindi na rin sumagot si Jenna. Nahimigan niya kasi ang bahagyang pagkainis sa tinig nito nang tanungin niya kung saan ito nagpunta. Dama niyang hindi ito natuwa sa pag-usisa niya. Isang bagay na nakapagtataka. Hindi na lamang siya kumibo at ipinasya na ring muling bumalik sa pagtulog.

Halos isang oras nang nakahiga si Jenna ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Hindi mawala sa isipan niya ang lalaking nakita. Natatakot man ay naroroon pa rin ang pagnanais nais niyang alamin kung sino ang misteryosong lalaki at kung bakit ito naroroon. Ano ang kailangan nito?

Hindi na namalayan ni Jenna kung anong oras siya nakatulog. Nagising lamang siya nang makaramdam ng bahagyang pagyugyog sa balikat kasabay ng malalim na boses ni Justin.

"Jen, gising na. Kailangan na nating maghanda." ang sabi  ni Justin na bakas sa boses ang labis na excitement.

Iinot-inot at humihikab pang bumangon mula sa pagkakahiga si Jenna at wala sa loob na muling napasulyap sa gawi ng bintana, bagay na hindi nakaligtas sa paningin ni Justin.

"Huwag mo nang isipin iyon. Baka namalikmata ka lang. Tara na sa ibaba. Kailangan muna nating magkape bago umalis."

Bahagya lamang siyang tumango pagkuwa'y tumayo na rin at humakbang patungo sa banyo para maghilamos at magmumog. Nahawa na rin siya sa excitement ng mga kaibigan.

"Mauuna na kami sa ibaba, Jenna. Sumunod ka na lang. Magbihis ka na at dalhin mo na rin ang mga kailangan mo sa pag-trikking," bilin ni Kath.

"Sige." tugon niya bago tuluyang pumasok sa loob ng banyo.

WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon