"Wow! This is amazing!" Manghang bulalas ni Jenna nang tuluyan nilang marating ang view deck ng Mt. Kufafey.
The view was truly enticing. Tanaw mula sa kinaroroonan nila ang buong Maligcong rice terraces na nakapaikot sa buong village. Berdeng-berde rin ang paligid at tunay na nakaka-relax.
"Picture tayo, guys!" turan ni Justin habang hawak sa kamay ang canon camera nito.
Kaagad silang lumapit sa kaibigan at nagpose maliban kay Midnight na hindi man lang kumilos para makisali sa kanila kaya mabilis na nilapitan ni Jenna ang lalaki at hinila patungo sa grupo nila.
"C'mon, Mr. Frozen Face, don't be a killjoy." naka-irap na sabi ni Jenna sabay ngiti pagharap niya sa camera.
Poker face namang sumunod si Midnight kay Jenna. Alam ng una na napipilitan lang ang lalaki na sumunod sa kanya pero natutuwa siya dahil hindi ito tumanggi.
"Smile!" sigaw ni Justin bago pinindot ang camera.
Kasabay ng pagclick ng camera ay lumapat ang mga labi ni Jenna sa pisngi ng nagulat si Midnight. Awang ang mga labing napatitig ito sa kanya na kinindatan lamang niya na sinabayan ng peace sign.
"That's for carrying me in your back. Thank you!" ngiting-ngiti na ani ni Jenna sa hindi pa rin nakapagsalita na si Midnight.
Napahinga na lamang nang malalim at napa-iling si Midnight.
"Ay, iba rin. Hokage lang, Jenna," nakangising sabi ni Mae.
Nilingon ni Jenna ang kaibigan at nginisihan.
"First base..." aniya pa rito na ikinatawa ni Dawn na nakatayo naman sa tabi ni Mae.
Nang muling tumingin si Jenna sa gawi ni Midnight ay naglalakad na ito palayo sa kanila. Ni hindi man lang ito nagpaalam. Dahil doon ay muli siyang napanguso.
'Topakin talaga...'
"I'll follow him if I were you." Dinig niyag turan ni Dawn. Bakas sa tinig nito ang panunukso.
Natitigilang nilingon ni Jenna ang lalaking nakapamulsang nakatanaw din sa papalayong kapatid.
"What do you mean?"
"Just follow him." tugon ni Dawn bago ikinibit ang magkabilang balikat.
Bagamat naguguluhan ay nakangiting tumango na lamang si Jenna. Mabilis ang mga hakbang na sinundan niya si Midnight na hindi na niya maabot ng tanaw.
'Kaya love niya itong si Dawn eh, suportive lang lagi.' nakabungisngis na sabi ni Jenna sa kanyang isipan.
"Galingan mo ang pananantsing, Jeanna!" Nanunuksong sigaw na naman ni Mae.
Isa pang nakakabuwiset ng isa't kalahati ang babaeng ito.
"Tse!" Ganting sigaw niya na hindi man lang lumilingon.
Nang marating niya ang nilikuan ni Midnight bago ito nawala sa kanyang paningin ay napakunot-noo siya.
Saan na naman nagsuot ang lalaking iyon?
Chasing Midnight pa yata ang drama nilang dalawa at sa gitna pa ng magubat na bundok ang setting. Nakakaloka ang lalaking iyon. Bigla na lang umaalis nang walang pasabi.
Muling humakbang si Jenna para hanapin ang lalaki nang biglang may nagsalita mula sa likuran niya.
"Where are you going?"
"Ay, butiki!" Gulat na bulalas ni Jenna at napatalon pa.
Nasapo niya ang kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay napunta yata ang puso niya sa tuhod dahil sa pagkagulat.
BINABASA MO ANG
WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT
WerewolfSa pagpunta ni Jenna at ng mga kaibigan niya sa Bontoc, Mt. Province ay nakilala niya si Midnight Silvestrez. Ito na yata ang lalaking nakita niyang nagtataglay ng pinakanakakaakit na mga mata. And, he has also the most dangerous aura that Jeana had...