Alas dos pa lang ng madaling-araw ay naroon na si Midnight sa taniman at nag-iikot. Malakas ang ulan kaninang sumapit ang ala-una kaya nang bahagyang tumila ay kaagad siyang bumangon para tingnan ang mga pananim. Nawala rin ang kagabi'y nakasilip na buwan. Plus, need a run too. Kailangan niya ng outlet para mailabas ang nag-aapoy na galit sa kanyang dibdib.
Bigla silang nagkaroon ng problema at ngayon pang darating ang prinsesa. Pagkarating ni Dusk kagabi mula sa Guina-ang kung saan nakatira ang mga anak ng kapatid ng Papa nila na si Dos Silvestrez ay kaagad nitong sinabi sa kanila ang problema. Bilang representative ng kanilang mga magulang at panganay sa magkakapatid ay si Dusk ang humaharap at nakikipag-usap sa bawat representative ng pamilya ng mga kapatid ng kanilang ama.
Si Aqua ang representative ni Dos Silvestrez. Si Topaz naman ang sa Aunt Tres nila. Si Kiwi kay Aunt Quatro at si Helium naman ang pansamantalang representative ng kanilang Uncle Singko dahil kasalukuyang nasa ibang bansa si Mercury.
Pagka-uwi kagabi ay kaagad silang kinausap ni Dusk. Matapos marinig ang mga sinabi nito ay pare-pareho silang natahimik at nag-isip. Bakit ngayon pa kung kailan darating ang prinsesa? Ano ang pakay ng mga ito?
Pagkatapos ikutin at siyasatin ang buong taniman ay tumuloy si Midnight sa kagubatan. He summoned his inner wolf at pagkaraan ng ilang saglit na pagkabali ng kanyang mga buto ay tuluyan na siyang nagpalit-anyo. He ran as fast as he could kaya nabulabog ang mga ibong kasalukuyan pang nasa mga sanga ng matataas na puno ng pinetrees.
Maambon pa rin at ramdam niya ang tubig-ulang naipon sa mga dahon na bumabagsak sa makapal at kulay abo niyang balahibo nang mabulabog at magliparan ang mga ibon. Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa pagtakbo na tila hindi nakakaramdam ng kapaguran. Isa pa muling ikot sa kagubatan bago siya nagpasyang bumalik na sa bahay nila.
Nang makarating sa likod ng bahay ay kaagad siyang nagpalit-anyo at pumasok sa may hindi kalakihang kubo para kumuha ng maisusuot. Sa kusina na siya dumaan at naabutan niya roon si Nana Marina na abala na sa paghahanda ng almusal. Kaagad itong nagtimpla ng mainit kape nang makita ang pagpasok niya. Nasa mesa na rin si Dusk at nagkakape.
"Masyado ka yatang maaga ngayon, Midnight." puna ni Nana Marina.
Batid ng buong pamilya nito ang tungkol sa lihim nila. Sa tagal ng paninilbihan ng pamilya ni Nana Marina at Ka Fermin sa kanila ay lubos na ang tiwala nila sa mag-asawa. Doon na nga nagka-asawahan ang mga ito at ganoon din ang dalawang anak ng mag-asawa.
"Oho, Nana," tugon ni Midnight. "Nag-ikot-ikot ho ako sa taniman dahil sa lakas ng ulan kanina. Akala ko kagabi ay hindi na tutuloy ang ulan dahil sa paglabas ng buwan ngunit mali ho ako." patuloy ko niya bago umupo sa kabila parte ng mesa.
Kaagad namang ibinaba ni Dusk ang hawak na tasa ng kape nang makita si Midnight.
"Good morning, bro!" Bati ni Midnight rito nang tuluyang makaupo.
"Good morning!" tugon ni Dusk sa seryosong tinig. "Nasa Inn na si Dawn at pupunta na rin ako roon. Sumunod ka na lang." bilin niya sa kapatid pagkuwa'y tumayo na.
"Hindi ka na ba muna mag-aalmusal, Dusk?" tanong ni Nana Marina nang mapansing tumayo na ang panganay na Silvestrez.
"Hindi na ho muna, Nana. Babalik na lang ho ako mamaya."
"Aba'y, sige! Mag-iingat ka." tugon ng matandang babae bago ibinaba sa harapan ni Midnight ang bagong luto na tapang usa. "Kumain ka na. Siguradong gutom na gutom ka na. Mukhang tumakbo ka na naman nang tumakbo sa gubat." baling niya rito.
"Salamat ho!" nakangiting tugon ni Midnight bago hinarap ang pagkain.
"Siya nga pala, Midnight, sumama ka na rin sa pag-akyat ng bundok ngayon." Biglang sabi ni Dusk bago tuluyang lumabas ng kusina at nag-iwan ng makahulugang tingin.
BINABASA MO ANG
WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT
WerewolfSa pagpunta ni Jenna at ng mga kaibigan niya sa Bontoc, Mt. Province ay nakilala niya si Midnight Silvestrez. Ito na yata ang lalaking nakita niyang nagtataglay ng pinakanakakaakit na mga mata. And, he has also the most dangerous aura that Jeana had...