CHAPTER SIX

13 1 0
                                    



Pagpatak ng alas-singko ay hindi pa rin sila naka-alis dahil sa muling pagbuhos ng malakas na ulan.

"Mukhang kailangan nating hintaying muling tumila ang ulan," puna ni Midnight habang nakatanaw sa labas ng Inn.

Kasalukuyan pa rin silang nasa dining area at mula roon ay tanaw nila ang Maligcong rice terraces. Maliwanag sa labas dahil sa ilang lamp post na nakapaligid sa Inn.

"Mukha nga," tumatango-tango na sang-ayon ni Dawn. "So girls, we need to wait until the rain stops." baling niya sa grupo ni Jenna.

"Safe bang umakyat sa Mt. Kufafey pagkatapos ng ulan?" kunot-noong tanong ni Kath.

"Safe naman pero madulas ang daanan. Kailangan lang ng dobleng ingat." sagot ni Dawn. "Don't worry, you have me and Midnight here so rest assured that you're all gonna be safe." dugtong pa niya sabay kindat.

"Basta alalayan mo ako, Dawn ha." malanding ungot ni Mae kay Dawn na ikinatawa lang ng lalaki.

"Oo naman. Iingatan namin kayong lahat."

"Maiwan ko muna kayo." biglang sabi ni Midnight na sinabayan pa ng tayo. Hindi na niya hinintay ang magiging sagot ni Dawn dahil kaagad na siyang umalis.

"P'wede bang sumama?" nakangiti ni Jenna kay Midnight na automatic namang nagsalpukan ang malalagong kilay.

"No!" tipid at kunot-noong sagot ni Midnight kay Jenna na napasimangot na lang dahil sa naging tugon niya.

G'wapo sana pero suplado. Pero inaamin ni Jenna na malakas talaga ang dating ni Midnight sa kanya. Sa katunayan ay malapit nang ma-loose thread ang garter ng undies niya dahil sa lalaki. Ang nakakatakot na aura ni Midnight ay labis na nagbibigay ng kaba sa kanya. Kabang hindi niya alam kung dahil ba sa excitement o takot. Kapag kasi tinitingnan siya nito ay parang kinikiliti ang buong katawan niya. Hindi lang niya maintindihan kung ano ang trip nito sa buhay dahil minsan na nga lang siya nitong tingnan ay matalim pa.

Jusmio, napakasungit!

At, ang mas lalo pang nainis si Jenna dito dahil halatang-halata niya na iniiwasan siya ng lalaki na para bang may sakit siyang nakakahawa.

Naisip niya tuloy na may galit ito sa kanya. Pero hello?! Wala naman siyang ginawang masama rito para magalit sa kanya si Midnight. Panaka-naka rin itong nakikipag-usap kina Bon at Justin kanina pati na rin kina Kath at Mae. Siya lang talaga ang bukod tanging hindi pinapansin ng hinayupak na ito. Nakakabuwisit ng isa't kalahati, sa totoo lang!

*************

Pagkatapos magpaalam ni Midnight ay kaagad siyang humakbang patungo sa kusina ng Inn. May pinto roon palabas na patungo sa kagubatan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Yna sa kanya nang mapansin nitong binubuksan niya ang pintuan.

"May titingnan lang ako," sagot niyang ni hindi nag-abalang lumingon. "Always make sure na naka-lock ang pinto na ito. Palagyan mo rin ng double-lock kina Frost at Lime mamaya." Bilin niya sa babae bago tuluyang lumabas.

Nang makalabas ay kaagad siyang suminghot sa hangin. Kumunot ang noo niya nang mapatingin siya sa malaking puno. Mabilis siyang humakbang patungo roon at napatiim-bagang nang masinghot ang pawala nang amoy ng kung sino mang nagpunta roon kagabi. Dahil sa malakas na ulan mula pa kaninang ala-una ay bahagya nang nawawala ang bakas na iniwan ng trespasser.

Nagpalinga-linga si Midnight at nagpatuloy sa paghakbang papasok sa gubat. Sinundan niya ang bahagyang amoy na naiwan sa paligid ngunit ilang metro pa lamang siyang nakakalayo sa Inn ay tuluyan na iyong nawala.

WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon