Watch out!" Sigaw ni Midnight kay Jenna.
Muntik na kasing matisod si Jenna sa nakausling ugat ng matandang puno ng pinetree.
'Why is she so careless?'
Mabilis namang sinalo ni Midnight si Jenna. Hinawakan niya sa beywang ang babae bago pa man tuluyang mangudngod ang mukha nito sa basang lupa.
"Bago ka magpicture nang magpicture, tingnan mo muna ang inaapakan mo. Sayang naman 'yang lipstick mo kung buburahin lang ng basang lupa. Ang bigat mo pa naman. Kawawa naman ang lupa kapag nabagsakan ng katawan mo." naiinis na wiks ni Midnight bago tuluyang binitawan ang beywang ni Jenna.
Nanlaki naman ang mga mata ni Jenna dahil sa kanyang narinig.
'What?! Did she heard it right? Nilait siya ng lalaking ito?!'
Kaagad na napalitan ng inis ang nararamdamang saya ni Jenna at masama ang tinging nilingon niya ang lalaki.
"Wala kang pakialam kung mangudngod ako rito. Sinalo mo nga ako pero nilait mo naman pagkatapos!" Padaskol na sagot ni Jenna kay Midnight.
Ang kapal naman ng mukha nito para lait-laitin siya. Akala niya naman, eh, kung sino siyang batlaha ng kag'wapohan.
'Oy, girl! Aminin mo, isa talaga siyang batlaha ng kag'wapohan. Huwag kang ipokrita!' maharot na sabi ng isang bahagi ng isip ni Jenna.
Jusmio! Hindi na niya alam kung aling parte ng kanyang pagkatao ang malandi. Kung ang isip ba niyang maharot o ang katawan niyang parang kinikiliti kapag nakikita si Midnight.
Or, both?!
Naku po!
Kumunot ang noo ni Midnight dahil sa sinabi ni Jenna. Bakit parang kasalanan pa niya ngayon kung lampa ito?
"Why don't you just thank me instead, woman?"
Wala namang pakialam na patuloy lang sa paglalakad si Kath kasama si Dawn at ang kaibigan nitong si Pietro.
Bago sila umalis sa Inn kanina ay dumating ito dahil gusto raw nitong sumama. Hindi na sila gaanong nagugulat kapag may biglang dumadating na g'wapo at maganda sa Inn. Mas magtataka sila kung bigla na lang may sumulpot doon na baluga at pangit.
Oh, God! Naniniwala na talaga si Jenna na balwarte ng mga apo ni Zeus ang Maglicong. Naisip nga niya na baka ang lugar ang makabagong Mt. Olympus. P'wede rin namang nasakop ng mga alien ang Mt. Olympus at para makaligtas ay bumaba mula roon ang mga diyos at diyosa. Napadpad ang mga ito sa tagong lugar ng Mt. Province at sa Maligcong na nagpasyang manirahan.
Oh, 'di ba? Ang galing ng imagination niya?
"Thank you!" Nakasimangot na sabi ni Jenna.
Tumitig si Midnight sa kanya at parang may gusto pang sabihin ngunit sa huli ay ipinasya nito itikom na lang ang bibig. Muling nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki kaya mabilis na napasunod rito si Jenna.
"Sabihin mo nga sa akin, tao ba talaga kayo?" tanong ni Jenna na ikinatigil ni Midnight. Napatingin sa kanya ang lalaki bago napasulyap kina Dawn at Pietro na kagaya ng binata ay napatigil din.
"Mukha ba kaming alien?" nakataas ang kilay na balik-tanong ni Midnight kay Jenna.
Tumigil sa paglalakad si Jenna at nakapameywang na hinarap ang tatlong lalaking kasama nila sa pag-akyat sa Mt. Kufafey.
"Hindi! Kasi mas mukha kayong mga anak ni Zeus. P'wede ring apo niya kayo dahil sa mga itsura ninyo. Wala pa akong nakikitang pangit simula nang dumating kami rito,eh." Kunot-noong litanya ni Jenna habang nag-iisip. "Oh, baka naman mga anak nga talaga kayo ni Zeus sa isang human girl kaya ganyan ang mga mukha ninyo. Oh, gosh, so it means, mga demigod kayo!" patuloy ni Jenna na napatango-tango at tila kumbinsindong-kumbinsido sa theory niya.
BINABASA MO ANG
WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT
WerewolfSa pagpunta ni Jenna at ng mga kaibigan niya sa Bontoc, Mt. Province ay nakilala niya si Midnight Silvestrez. Ito na yata ang lalaking nakita niyang nagtataglay ng pinakanakakaakit na mga mata. And, he has also the most dangerous aura that Jeana had...