CHAPTER FOUR

17 3 0
                                    

Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay dinampot na ni Jenna ang may hindi kalakihang backpack na may lamang ilang gamit sa trikking. Nakasuot siya ng itim na leggings, long-sleeve shirt at trikking shoes habang nakasabit sa kanyang balikat ang kulay itim at makapal na hoodie jacket. Isusuot niya iyon mamaya bago sila tuluyang aalis. Malamig ang klima sa Bontoc at mas doble ang lamig sa itaas ng Mt. Kufafey kaya kailangan niyang magdala ng jacket.

Pagkababa ay kaagad siyang tumuloy sa dining area. Nadaanan niya ang information disk at iba na ang babaeng nakaupo roon. Marahil ay ito ang kapalit ni Jess. Pero in fairness, maganda rin ang babae. Tuwid na tuwid ang mahabang buhok at maputi. Hindi niya makita nang maayos ang mukha nito dahil bahagya itong nakayuko at abala sa hawak nitong cellphone.

Pagbungad ni Jenna sa dining area ay kaagad niyang natanaw ang mga kaibigan na nakikipagtawanan kay Dawn maliban kay Justin na nakatutok naman ang atensiyon sa hawak nitong camera. Kaagad na tumayo si Dawn mula sa pagkakaupo sa tabi ni Bon nang makita siya nito palapit. Sinalubong siya nito habang ngiting-ngiti.

"Good morning, beautiful!" Kaagad na bati ni Dawn nang makalapit kay Jenna sabay abot ng dala nitong backpack. "Let me." aniya rito at bago pa man makatanggi ang babae ay nakuha na niya ang dala nito.

"Good morning too, handsome!" nakangiti ring tugon ni Jenna. "And, thank you!" dugtong niya na ang tinutukoy ay ang pagbitbit nito ng bag niya.

Tumawa lang si Dawn at iginiya si Jenna patungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan ng babae.

"Bandang alas-singko na raw tayo aalis sabi ni Dawn. Medyo maambon daw kaya hintayin nating bahagyang lumiwanag ang paligid." kaagad na sabi Mae nang makaupo si Jenna.

"Oo nga, Jenna. At saka sasamahan daw tayo ni Dawn. Siya daw mismo ang magiging tour guide natin." turan naman ni Kath habang hinahali ang kape nito.

Tumango lamang si Jenna sa dalawang kaibigan bago sinulyapan ang katabing si Bon. Tahimik lang ang babae at tila may malalim na iniisip kaya pinuna niya ito.

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jenna sa kaibigan.

Nag-angat ng paningin si Bon mula sa pagkakayuko sa iniinom nitong kape at tumingin sa katabi. "Oo naman. Don't worry about me." Pilit ang ngiting tugon niya.

Lalong nagtaka si Jenna at napakunot-noo ngunit kaagad din siyang napangiti nang ibaba ni Yna sa harap niya ang tasa ng umuusok na kape. Napakabango ng aroma niyon at talaga namang amoy pa lang ay nakakapawi na ng lamig ng panahon.

"Freshly brewed coffee for you, Jenna." Nakangiting turan nito.

Kilala na sila ng babae kahit pa kahapon lamang sila dumating sa Inn dahil maghapon silang nakatambay sa dining area. Maganda kasi ang view roon kaya doon nila naisipang tumambay. Nakak'wentohan na rin nila si Jess na nakitambay sa kanila dahil walang gaanong guest na dumating. Dahil na rin siguro sa masamang panahon.

"Thanks, Ynah!" Malawak ang ngiting turan ni Jenna sa babae. "Natutulog ka pa ba?" tanong niya rito pagkatapos sumimsim ng mainit na kape.

Bago sila umakyat kagabi para matulog ay naroroon pa ito sa dining area at abala pa sa pagliligpit. Napakasipag nito at tila hindi man lang nakakaramdam ng kapaguran. Pansin niyang maghapon itong abala roon.

"Oo naman." nakatawang tugon nito.

Gusto na tuloy magtampo ni Jenna sa Diyos dahil parang napaka-unfair ng lahat. Inipon nito ang lahat ng gwapo at maganda sa Bontoc habang silang mga nasa siyudad ay umaasa lang sa himala ng mga cosmetics na ibinibenta sa online. Samantalang ang mga kagaya ni Yna ay tila natural na natural ang lahat pati ang mamula-mulang pisngi. Alam niyang hindi iyon dulot ng makeup. Napakahilig niya sa mga makeups kaya alam niya kung naka-makeup o normal lang talaga na mamula-mula ang pisngi ng isang babae.

Sasagot pa sana siya rito nang mula sa maliit na recieving room na kanugnog lamang ng dinig area ay bumungad ang isang lalaki. Bagyo sa lakas ang appeal nito. Tadtad ng tattoo ang katawan pati leeg hanggang gilid ng panga. Seryoso ng anyo at bahagyang nakakunot ang noo.

"Oh, my God!" Bulalas ni Judy Ann na kagaya ni Jenna ay nakatingin din sa lalaki. "Dito na ako titira!" namimilog ang mga matang deklara pa nito habang nakanganga pa ring nakatulala sa naglalakad na lalaki.

"Sama ako, bes!" kaagad na susog ni Mae na nakatingin din sa bagong dating. Kulang na lang yata ay maghugis puso ang mga mata nito.

"Diyos ko! Ang panty ko, nakalas ang garter!" bulalas naman ni Kath.

"Ang sarap! Iuuwi ko na sa Manila 'yan." tila takam na takam ding usal ni Billy.

Pansin ni Jenna lahat ng mga guest na naroroon din sa dining area nang mga sandaling iyon ay pare-parehong nakatunganga sa lalaki. Nakasuot ito ng lumang polo na kulay asul na nakatupi hanggang gitna ng braso ang manggas. Bukas ang halos kalahati ng mga butones nito kaya kitang-kita ang maskuladong dibdib. At tama ba ang nakikita niya? Mayroon itong abs! Hindi niya lang alam kung ilan lahat iyon ngunit sigurado si Jenna na aabot iyon sa anim o higit pa. Sabagay, mayroon din naman si Dawn at ang lalaking kausap nito kahapon na nalaman nilang Midnight ang pangalan.

"Dusk!" bati ni Yna sa bagong dating.

So, ito pala si Dusk. Ang panganay na kapatid nina Dawn at Midnight. Wala siyang itulak-kabigin sa magkakapatid. Pare-parehong gwapo ang mga ito sa magkakaibang paraan.

Si Dusk ay gwapo ngunit seryoso ang mukha at tila kay hirap abutin. Si Midnight naman ay madilim ang aura, parang nakakatakot ngunit makalaglag panty ang mga mata. Maging ang namumuong sama ng panahon ay kayang hawiin ng mga titig nito. She saw him staring at Yna yesterday and damn shit but she almost lost her precious breath. Hindi rin pahuhuli si Dawn sa dalawa. Taglay nito ang nakakahalinang anyo na marahil ay dahil sa pilyong mga ngiti nito. Masarap din itong kausap at palabiro. Nang ipatapon yata ang magaganda at g'wapo sa mundo ay naipon ang mga ito sa bahaging iyon ng Pilipinas. Wala siyang nakikitang pangit sa mga ito.

And, speaking of Midnight...

Here comes the devil na madilim pa rin ang anyo at this very early in the morning. At, nang tumayo si Dawn para salubungin ang dalawang kapatid na bagong dating ay wala  silang ingay na naririnig mula sa paligid. Tila natatakot na gumawa ng ingay ang lahat at pawang nakatunganga na lamang sa tatlo.

Three gorgeous men are in front of them na tila yata isinugo ni Zeus na bumaba mula sa Mt. Olympus para paluguran ang mga kababaihan.

Men of destruction...

WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon