CHAPTER FOURTEEN

11 0 0
                                    


Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Jenna at kaagad na bumungad sa paningin niya ang hindi pamilyar na lugar.  Iilan lang ang ang gamit na naroroon at halatang panglalaki ang silid. Nakaramdam siya ng panic ngunit kaagad ding natigilan nang mahagip ng kanyang ilong ang pamilyar na amoy ng isang lalaki. At hindi niya napigilan ang sariling singhot-singhutin ang hanging umiikot sa loob ng silid.

"How are you feeling?" anang pamilyar na boses ni Midnight na ikinagulat ni Jenna.

'What the heck? So, k'warto nga ito ng hudyo? Jesus, what is she doing here?'

Napamulagat siya at wala sa loob na napatunganga nang makita ang lalaking nakaupo pala sa upuang nakalagay sa gilid ng kama na kinahihigaan niya.

And wait, tama ba ang nakikita niya? Hawak ng supladong lalaki ang kamay niya? Jesus, bakit hindi niya iyon napansin agad?!

'Gaga! Abala ka kasi sa pagsinghot ng paligid. Para kang adik kaya paano mo mapapansin?!' kaagad na sabad ng kontrabidang bahagi ng isip niya.

"Are you okay?" Dinig niya na muling tanong ni Midnight sa kanya sabay bitaw sa kamay niya.

'Ay, bakit binitawan?' angal na naman ng malanding bahagi ng pagkatao niya. 'Magkunwari kaya siyang wala uling ulirat?'

Dahil sa naisip ay pilyang napabungisngis si Jenna. Taka namang tiningnan siya ni Midnight at sa klase ng tinging ibinato nito sa kanya ay tila iniisip nitong nababaliw na siya.

Napanguso si Jenna sabay irap ngunit kaagad ding natigilan nang maramdaman niya ang hininga nitong tumatama sa kanyang mukha.

Good Lord! Is she going to die?!

Cause of death; suffocation.

Jesus! Nakakasuffocate naman kasi talaga ang hininga ng lalaking ito. Ang bango. Amoy ng pinaghalong kape at minty peppermint na gawa ng sigarilyo nito.

Hindi napigilan ni Jenna ang kanyang sarili at muli siyang napangiwi nang lalo pang dumukwang si Midnight para tingnan siyang mabuti. Kunot na kunot pa ang noo nito pero hindi pa rin iyon nakabawas sa taglay nitong kag'wapohan.

Panginoon, hindi ba alam ng lalaking ito na masakit sa pantog ang ginagawa nito? Shit! But he was inches away from her face at gustong-gusto na niyang tukain ang mga labi nitong mamula-mula.

"I'm so dead!" wala sa loob na bulong ni Jenna ikinataranta naman ni Midnight.

Kaagad nitong kinapa ang noo niya saka hinawakan ang kanyang balikat na tila ba inaalam kung may masakit sa kanya. Pati ang bilbil niya ay hindi nito pinalagpas.

Shuta ang lalaking ito! G'wapo sana pero slow.

At shuta ulit, ano ba naman ang lalaki ito, hindi na talaga siya tinirhan ng kahihiyan sa katawan. Pati bilbil niyang nananahimik, hinawakan. Pambihira!

"Saan ang masakit?" tanong ni Midnight at pinisil-pisil pa ang bilbil ni Jenna.

Walang-hiya!

"Hoy! Tigilan mo nga iyang bilbil ko. Bakit mo ba iyan pinag-iinitan? Kapag iyan nalamog, magbabayad ka!" pasinghal na sita ni Jenna sa lalaking kaagad namang napatigil sa pagpisil sa bilibil niya pero hindi pa rin inalis ang kamay doon.

Kaloka! Nawili pa ang gago...

"I was asking you if you're okay," seryosong sabi nito.

"Okay na ako." Sambakol ang mukhang sagot ni Jenna.

Buwiset na lalaking 'to. Kung makalamutak ng bilbil niya, parang wala itong kasamang babae kanina. Ang kapal ng mukha!

"Nasaan ako at bakit ka nandito?" Tanong ni Jenna sabay bangon.

"Nandito ka sa bahay namin at k'warto ko ito kaya ako nandito." bagot na sagot ni Midnight.

Mula sa guest room ay inilipat niya si Jenna dahil hindi pa rin siya panatag na naroon ito. At least, kung nandoon ito sa silid niya ay mangingimi ang sino man na gumawa ng masama laban dito.

Muling napanguso si Jenna dahil muli niyang naalala kung paano kumapit sa braso nito ang babaeng kasama nito kanina. At ayon na naman ang pakiramdam na sobrang sakit mula sa pinakasulok na bahagi ng puso niya hanggang sa unti-unting balutin ang buo niyang pagkatao. It feels like her body is being teared apart. Hindi niya namalayan ang luhang sumungaw mula sa sulok ng kanyang mata hanggang sa sunod-sunod na iyong pumatak. Nagkaroon na rin ng tunog ang kanina'y tahimik na paghikbi niya.

Ang sakit-sakit, bakit ganoon? Is this what they call love? Ang sakit naman palang magmahal.

"Hey!" Nagulat at natarantang sabi ni Midnight. "What's wrong? Saan ang masakit?" magkasunod na tanong niya sa babaeng patuloy lang sa pag-iyak.

Sasagot na sana si Jenna nang biglang bumukas ang pinto at mula roon ay bumungad si Justin kasunod ang babaeng kasama ni Midnight kanina. Napakaganda nito at walang-wala siya kahit sa dulo man lang ng kalingkingan nito. Katawan pa lang ng babae ay isa nang malaking sampal sa kanya. Dahil doon ay mas lalo pang bumulalas ng iyak si Jenna.

"Hey, ano ang nangyari?" Nagulat at puno ng pag-aalalang sabi ni Justin sabay lapit kay Jenna. "Did you make her cry?Ano na naman ang ginawa mo?" Baling niya kay Midnight na hindi naman pinansin siya pinansin.

Nanatili kasing nakatutok kay Jenna ang buong atensiyon ni Midnight habang tila hindi malaman ang gagawin. Muli rin nitong kinapa ang bilbil ng babae at tinapik-tapik.

"Heh!" asik ni Jenna kay Midnight na nagulat, maging si Justin at ang babaeng nakatayo sa tabi ng una.

'Ang mga walang-hiya! Magkatabi pa talaga. Ang sarap pagbuhulin, buwiset!'

At dahil doon ay mas lalo pang napanguyngoy si Jenna.

"Bro, what the hell did you do to her?" Dinig  ni Jenna na sabi ng babaeg katabi ni Midnight habang nakatingin sa kanya.

Wait, bro? As in brother?! Sino ang tinatawag nitong bro? Si Justin ba or si—

Napatigil sa pag-iyak si Jenna at tumingin kay Midnight na nagkibit-balikat lang.

"I didn't do anything, Sunset." sagot ni Midnight.

So, si Midnight nga ang tinatawag nitong 'bro'. And, did he just called her Sunset? Magkapatid ba ang dalawa?

"M—Magkapatid kayo?" alanganing tanong ni Jenna sa pagitan ng pagsigok.

"Yes." tipid na sagot ni Midnight.

"My name is Sunset Silvestrez," nakangiting pakilala ng babae ni Sunset kay Jenna na bigla namang namula ang buong mukha.

Tumigil yata sa pag-ikot ang oras pati ang mundo niya dahil sa aking narinig.

'Magkapatid sila? Jusmio naman, Jenna. Nagsayang ka ng luha dahil sa maling assumption!' sikmat niya sa kanyang sarili.

"Ah, magkapatid pala kayo." tumatango-tango na usal na lamang niya at Dahan-dahang dumausdos ng higa sa kama para mapagtakpan ang kahihiyang nararamdaman.

"Hmm..." Sagot ni Sunset.

"Ah, okay na pala ako." sabi niya sa mga ito sabay punas ng mga luha.

Napatanga naman si Midnight samantalang napailing na lang si Sunset. Umangat naman ang kilay ni Justin at tinapunan siya ng nakakalokong tingin na tila ba sinasabi nitong 'sayang ang luha mo, gaga!'

Dumukwang si Jenna at hinila ang laylayan ng suot na puting t-shirt ni Midnight bago walang pakundangang nagsinga ng sipon doon.

"What the fuck?!" Gulat na bulalas ni Midnight ngunit hindi rin naman pinigilan si Jenna.

"I hate you!" nakalabing sabi ni Jenna pagkatapos isinga ang lahat ng sipong naipon sa ilong niya dahil sa walang kwentang pag-iyak.

"Tss... " walang emosyong tugon ng lalaki na mas lalo pang ikinangiti ni Jenna.

Napakasungit naman talaga ng bebe niya...

WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon