CHAPTER TWELVE

7 0 0
                                    


"Oy, may party daw sa bahay nina Dawn mamaya. Invited lahat ng guest ng Inn. Punta tayo!" bakas ang tuwa at excitement sa boses na bungad ni Mae pagpasok na pagpasok nito sa silid nila.

Panglimang na araw na nila sa Maligcong at pangatlong araw na rin silang hindi pinapayagang lumabas. Hindi pa rin daw safe umakyat sa bundok kaya nagstay na lang sila sa loob ng kuwarto. Bahagya ring maulan kaya masyadong malamig sa labas.

"Saan mo naman narinig ang balitang 'yan?" tanong ni Kath habang nagbabasa ng hawak na fashion magazine.

"Sinabihan ako ni Ynah. Sumabay na raw tayo sa kanya sa pagpunta sa bahay nina Dawn."

"Ano ba ang family name nila? Natanong n'yo ba?" tanong ni  Billy.

"Silvestrez," balewalang tugon ni Kath.

"Paano mo nalaman?"

"Na-over heard ko lang noong nakaraang araw." tipid na tugon ni Kath sabay baling ng pansin sa hawak niyang cellphone.

"Alam n'yo, total tanghali na rin naman, punta na lang tayo sa ibaba. Lunch time na. Siguradong naghihintay na si Ynah sa atin." Ani ni Justin sabay tayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.

"Kayo na lang ang bumaba. Galing na ako roon. Magbu-beauty rest na ako para fresh ako mamayang gabi sa party. If I know, madaming hombre doon." Nangingislap ang mga mata turan ni Kath sa mga kaibigan.

"Mabuti pa nga. Tara na!" sang-ayon ni Bon at nauna nang lumabas ng pinto.

"Hindi p'wede. Sumama ka na. Ang arte mo!" turan ni Jenna sabay hila sa kaibigan na walang nagawa kundi mapapiksi na lamang at sumunod sa kanila.

Nang makarating sa dining area ay kaagad silsng umupo sa bakanteng mesa na malapit sa bintana. Tanaw na tanaw mula roon ang magandang tanawin ng Maligcong rice terraces. Kasalukuyang umaambon kahit pa sumisikat ng araw. Napakagandang pagmasdan ng berdeng paligid na nangingislap dahil sa mga butil ng ulan na kumapit sa mga dahon na tinatamaan ng sikat ng araw.

It was very refreshing.

Bahagyang iginala ni Jenna ang paningin sa paligid at katulad ng inaasahan niya ay napapalibutan pa rin sila ng magaganda at g'wapong mga nilalang. May mga pamilyar na mukha at mayroon ding bago.

Well, nasanay na si Jenna kaya hindi na rin siya nagugulat kapag may nakikita siyang bagong mukha. Ngunit may napansin siya na ikinakunot ng kanyang noo.

Bahagya siyang dumukwang sa katabing si Kath na abala sa hawak nitong cellphone.

"Kath, what's going on?" tanong niya rito.

Nagtatakang na patingin naman si Kath kay Jenna na tila ba naguguluhan sa tanong ng kaibigan.

"What do you mean?"

"They all looked so tense." tugon niyang bahagyang tinapunan ng sulyap ang grupo ni Lime na nag-uusap. Pare-parehong madilim ang mukha nito at ng apat pa nitong kasama.

And, they all looked so dangerous too.

"Hindi ko alam. Huwag mo na lang pansinin. Baka may problema lang." bale-walang sabi ni Kath na saglit lang na tiningnan ang grupo ni Lime.

Natigilan si Jenna at napatitig kay Kath. Bakit pakiramdam niya ay may itinatago ito sa kanya? Or baka napa-praning na naman siya? Simula nang dumating sila rito sa Maligcong ay kung ano-ano na ang naiisip niya at pakiramdam niya ay dumoble rin ang lakas ng kanyang pakiramdam.

"Hoy! Bulungan kayo nang bulungan diyan. Wala ba kayong balak na tumayo at kumuha ng pagkain? Akala ko ba kaya tayo bumaba ay para kumain. Nagugutom na ako, ano ba?!" Sita ni Justin sa kanilang dalawa ni Kath.

WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon