Takim-silim na nang tuluyan silang makababa mula sa Mt. Kufafey. Walang sinuman ang umiimik kina Midnight at Jenna kaya parang nahawa na rin ang iba dahil wala ring nagsasalita sa mga ito.
Pagkatapos na maihatid sa Inn ang grupo nina Jenna ay kaagad silang tumuloy ni Dawn sa bahay nila. Nadatnan nila doon si Dusk na katatapos lang makipag-usap sa kung sino.
"Anong balita?" Kaagad na tanong ni Midnight nang tuluyan silang makalapit sa nakatatandang kapatid.
Naiwan si Pietro sa Inn at doon na raw ito matutulog para may iba pang kasama sina Lime at Frost. Babalik din doon si Dawn pagkatapos ng hapunan.
"Positive na may mga sighting ng Hati sa Guina-ang at kung tama ang hinala ko ay mayroon din dito sa Maglicong," kalmado ngunit bakas sa tinig ang pangamba na sabi ni Dusk. "Sa ngayon ay wala pa silang ginagawa na anumang kahina-hinala bukod sa paggala-gala nila sa mga katabing baryo. May isang tao akong nakausap na taga-Culatit, may nakita raw siyang malaking itim na aso minsang lumabas siya ng gabi. Sa takot daw niya na baka aswang iyon ay napatakbo siya pabalik sa bahay nila. Hindi raw pangkaraniwan ang laki ng aso kaya inisip niyang aswang ang kanyang nakita." dugtong pa niya na nakakuyom ang magkabilang palad.
Nagkatinginan silang dalawa ni Dawn pagkatapos marinig ang sinabi ng nakatatandang kapatid.
"Sa palagay ko ay tama ka na mayroon na ring Hati rito sa Maglicong, Dusk. Naamoy ko iyon kaninang siyasatin ko ang likod ng Inn. Hindi lang malinaw ang amoy dahil na rin sa malakas na pag-ulan pero sigurado akong isang Hati ang naligaw doon kagabi."
"Tama, naamoy ko rin iyon kanina at mukhang nakita iyon ni Jenna base na rin sa reaction ng katawan niya kaninang madaling-araw. Pareho nating naramdaman ang takot na pilit niyang nilalabanan. At nang tanungin ko si Yna bago tayo umuwi kung saan banda ang kwarto nina Jenna ay nalaman kong eksaktong nakaharap ang bintana niyon sa likod ng Inn. Sa tapat mismo ng puno kung saan mas malakas ang amoy na iniwan ng Hati." sabi naman ni Dawn na kaagad nagpa-angat kay Midnight mula sa pagkakaupo sa upuang nasa harap ni Dusk.
Kasalukuyan silang nasa loob ng study room ng kanilang ama noong ito'y nasa Pilipinas pa at ngayon ay ginagamit na ni Dusk.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi?"madilim ang anyong tanong ni Midnight sa nakababatang kapatid.
"Whoa! Relax, bro. Kinumpirma ko muna ang hinala ko. I just don't know kung ano talaga ang nakita niya exactly."
Kumuyom ang kamao ni Midnight habang pilit na pinapayapa ang sarili. Alam niyang ginagawa lang din ni Dawn ang tama. Hindi sila p'wedeng basta na lang magbigay ng pahayag na hindi muna kinukompirma ang impormasyon. Protocol iyon sa kanila dahil anumang maling impormasyon ay maaaring magdulot ng masama sa lahat.
Lalo na ngayon....
"Everything is getting worse now," seryosing sabi ni Dusk. "Anyway, alam ko naman na hindi ka mapapakali hangga't hindi mo nasisigurong ligtas si Jenna ngayong gabi. Ikaw na ang bumalik sa Inn para may iba pang makasama sina Lime roon. Papuntahin mo na lang si Pietro dito para may kasama sina Ka Fermin. Aalis din ako maya-maya. Isasama ko na si Dawn. We need to be in Manila tommorow dahil may kakatagpuin ako roon. Hihintayin na rin namin ang pagdating ng prinsesa at ng kambal."
Napaungol naman si Dawn nang banggitin ni Dusk ang prinsesa kaya napailing na lamang ako.
"Bukod kay Dawn, sino pa ang kasama n'yo?" tanong ni Midnight kay Dusk.
Hindi p'wedeng ito lang at si Dawn ang aalis papunta sa Manila lalo pa't kasama na ng mga ito pabalik ng Maligcong ang prinsesa.
"Kasama namin sina Topaz at Alexandrite bukod pa sa kasabay rin namin pabalik dito ang katatagpuin ko sa Manila." Tugon nito."Kasabay na rin nina Sunrise at Sunset na darating sina Mercury, Copper at Amethyst kaya walang dapat na ikabahala. Everything is still under control as of now," tugon ni Dusk bago tuluyang tumayo.
Tumango si Midnight at tumayo na rin. Magkasabay na silang lumabas ng study room at tumuloy sa kusina para maghapunan.
Nang dumating si Pietro sa bahay nila ay kasama na nito ang magkapatid na Drake at Jake.
"Kayo na muna ang bahala rito, brad." bilin ni Dawn sa tatlo.
"Aalis na rin ako," paalam ni Midnight sa mga ito na sabay-sabay pang tumango.
"Mag-ingat din ka..." bilin ni Dawn.
Tumango lang si Midnight at tumakbo na nang mabilis patungo sa Inn. Pagkarating niya roon ay nadatnan niyang naglalaro ng baraha sina Lime at Frost kasama sina Kath at Bon sa maliit na recieving area ng Inn.
"Hi, Midnight. Sali ka sa amin," nakangiting yaya ni Kath nang mapansin nito ang pagdating niya.
Tipid niyang nginitian ang babae bago inilibot ang paningin sa paligid. Ngunit kahit saan niya ibaling ang kanyang paningin ay hindi niya makita ang hinahanap.
'Nasaan ang babaeng iyon?'
"If you're looking for Jenna, she's already sleeping," turan ni Bon na ang mga mata ay nakatutok sa hawak nitong baraha.
Nilingon niya ito at tinitigan. This woman is somewhat mysterious. Iba ang klase ng mga titig nito sa kanila.
Hindi niya makuha kung ano ang ibig sabihin ng mga kilos nito pero sigurado siyang may nais iparating ang mga tingin nito sa kanila."Ganoon ba? Sige, salamat!" tugon ni Midnight bago binalingan si Frost. "I'll be in the kitchen." aniya sa pinsan na tumango naman agad.
"Sige!" sagot ni Frost. "Nandito nga pala si Steffano, couz'." pahabol na sabi niya na ikinatigil ni Midnight sa akmang paghakbang.
"At, ano ang ginagawa niya dito?" nakataas ang kilay na tanong niya.
Si Steffano ay kalahating itim at kalahating brown na taong lobo. Anak ito ng kapatid ng Hari na si Eliezar at ni Trina, isang lobong itim.
Ngunit bago pa man makasagot si Frost ay bigla niyang naramdaman ang bahagyang tapik sa kanyang kanang balikat ng kung sino. Nilingon niya ito at tama nga ang laman ng isip niya.
"Steffano," malamig bati niya sa lalaki.
"Hey man, aren't you going to give me a welcome back hug?" nakakalokong apela ni Steffano. Hindi niya pinansin ang malamig na salubong ni Midnight sa kanya.
Kaagad na naglagatukan ang mga buto ng kamao ni Midnight habang tiim-bagang na tinitigan ang kaharap na nakangisi pa.
"Alright, I got it!" turan ni Steffano sabay taas ng dalawang kamay pagkaraan ng ilang saglit.
"What is it this time, Steffano? Why are you here? What the hell are you doing here this time?!" magkasunod na tanong niya rito.
Last time na pumunta ito roon ay malaking gulo ang ginawa nito. Binugbog ng lalaki ang walang kalaban-labang anak ng Mayor ng Sandanga. Halos bali-bali ang buto ng kaawa-awang anak ng Mayor dahil sa ginawa nito. At, dahil lamang iyon sa isang babaeng parehong natipuhan ng dalawa sa bar sa Sagada.
"Relax, I'm not gonna do anything." seryosong sabi ni Steffano.
Nakataas ang kilay na tinapunan niya ito diskumpiyadong tingin. Kung may kahuli-hulihang tao man siyang pagkakatiwalaan sa mundo, tiyak ni Midnight na hindi iyon si Steffano.
"Trust me this time, Midnight." seryoso ang anyo na sabi ni Steffano sa kaharap.
Muling kumunot ang noo ni Midnight at napatitig sa lalaki. May alam ba ito sa mga nangyayari?
"Alright!"
Kung pagbabasehan niya ang tono ng pananalita nito ay mukhang alam na rin nito ang mga nangyayari. But he is still a half Hati wolf.
Kailangan pa rin nilang mag-ingat kahit pa sabihing pamangkin ito ng hari at isa sa prinsepe ng mga brown wolf.
BINABASA MO ANG
WOLVES OF MOUNTAIN PROVINCE|MIDNIGHT
WerewolfSa pagpunta ni Jenna at ng mga kaibigan niya sa Bontoc, Mt. Province ay nakilala niya si Midnight Silvestrez. Ito na yata ang lalaking nakita niyang nagtataglay ng pinakanakakaakit na mga mata. And, he has also the most dangerous aura that Jeana had...