Chapter 1: Curiosity

39 4 8
                                        

PAALALA: Ang kwentong ito ay hango lamang sa kathang isip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAALALA: Ang kwentong ito ay hango lamang sa kathang isip. Mga pangalan, tao, bagay, pangyayari at insidente ay pawang imahinasyon lamang ng nagsulat ng kwentong ito.
________________________________________

CHAPTER 1

Walking in the darkness,
Searching for the light,
Wishing in the stars,
Hoping to be back.

Sa kanyang paglalakbay
Unti-unting maghahalungkat
Naghahangad na mahanap
Ang nawawalang kayamanan

——————————–––

——— Zander's POV ———

Katulad ng nakasanayang araw, ako'y nasa paaralan at nakikinig sa talakayan sa aming asignatura.

"Maraming kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kasaysayan ng ating bayan. Unti-unting binabago ang katotohanan upang mabulag ang maraming pilipino" wika ni Prof. Hernandez

"Kailan po ba malalaman kung ang isang bagay ay totoo o hindi?" tanong ng isa kong kamag-aral

"Anak, magandang tanong ito. Ngunit bago ko ito sagutin, baka mayroon sa ating klase ang nais magbahagi ng sagot?"

Napuno ng katahimikan ang maingay na silid aralan, walang nais magsagot sa katanungan ng aming propesor. Hanggang sa ang kanyang mata'y sa akin natapat.

"Ginoong Zander Vanguardia,
baka may gusto kang ibahagi?"

"Ako po ba sir?"

"Bakit, may iba pa bang
Zander Vanguardia sa
klaseng ito?"

Nakakahiya dahil tumawa ang aking mga kaklase, bakit ba kasi tinanong ko pa, ako lang naman ang nag-iisang may pangalan non dito.

"Paumanhin po"

"Class, makinig kay
Ginoong Zander"

"Malalaman natin na katotohanan
ang isang pangyayari o bagay kung
ito ay may matibay na pruweba
upang mapatunayan na ito ay totoo.
Kailangang magkaroon ng isang
mabusising pananaliksik"

Nakakakaba ngunit nagustuhan ng aming guro ang aking naging kasagutan. Nagpalakpakan ang buong klase.

"Mahusay! Tama ang sinabi ng inyong kamag-aral. Isa sa inyong kailangang pakatandaan ay dapat siguraduhin tama ang naging reference upang maiwasan ang maling impormasyon"

UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon