Chapter 9: Lost Memories

13 1 0
                                        

CHAPTER 9

——— Zander's POV ———

Akala ko siya na. Akala ko walang iwanan, ngunit tulad pala ng iba, hindi niya kayang manatili sa akin.

"Patawad ngunit hindi ko ito maipapangako"

"Bakit naman? Akala ko pa naman
ay hindi mo na ako iiwan"

Isa akong tao na sabik sa pagmamahal dahil na rin sa aking mga pinagdaanan.

"Hindi natin batid ang mangyayari kinabukasan at sa ating mga haharapin pa.
Walang kasiguraduhan sa mundong ito, Zander"

"Oo, Leigh. Walang kasiguraduhan pero
hindi naman ibig sabihin ay hindi na dapat
subukan, hindi ba?"

"Natatakot ako na baka masaktan kita.
Baka hindi ko maibigay ang pagmamahal
na katulad ng binibigay mo"

"Maghihintay ako, Leigh. Kahit
pa na walang kasiguraduhan"

"Iyun na nga eh! Wala tayong
kasiguraduhan"

"Maghihintay ako" wika ko

"Hanggang kailan? Hanggang kailan ka
maghihintay sa akin? Hindi mo nga alam
kung mayroon ka talagang hihintayin"

Ang kaniyang mga winika ay tunay na nakasakit ng aking damdamin. Sobrang bigat sa pakiramdam dahil ito na nga ang unang beses na nagmahal ako, mukhang mabibigo pa ako.

"Hayaan mo akong mahalin ka.
Hindi naman ako agad-agad nanghihingi
ng kapalit eh. Please?" paki-usap ko sakanya

"Kung mahal mo talaga ako, rerespetuhin
mo ang desisyon ko"

"Nirerespeto ko naman talaga, pero hindi
naman siguro masama ang magbakasakali?"

"Buo na ang desisyon ko. Hindi dapat magsama ang isang tulad mong Maharlika sa isang alipin na tulad ko"

Muli na naman niyang binanggit ang katagang pinaka hindi ko naiintindihan. Bakit ba kasi sinasabi pa niya ang salitang Maharlika gayong pareho lang naman kaming uri ng tao.

"Leigh, ayaw mo ba talaga?"

Sobrang sakit ng puso ko at nilalamon ako ng kalungkutan. Bakit ba tila ako'y isinumpa ng ating Panginoon at puro kamalasan ang mayroon ako sa buhay.

"Darating ang tamang oras kung saan
malalaman mo rin ang dahilan ng lahat.
Oras na para mawala ako saiyong isipan"

Ibinuka niya ang kaniyang palad at nagwikang...

"Olvidame ahora"
na nangangahulagang,
"Kalimutan mo ako"

Nagising na lamang ako na ako'y nasa bahay na, tulala at sobrang sakit ng aking isipan.

"May kakaiba akong nararamdaman"

"Ano naman iyun, apo?"

"Para kasing may kulang"

Ramdam ko na mayroon akong alaala na nalilimutan dahil ang aking paningin ay palaging nakakaaninag ng mukha ng isang babae.

UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon