Chapter 10: Other Dimension

16 1 0
                                        

CHAPTER 10

——— Zander's POV ———

Lumipas na ang dalawang taon at tanging ang Brújula at ang gintong polseras na lang ang tanging alaala na mayroon ako.

Isang palaisipan para sa akin kung paano at saan ko nakuha ang mga ito. Pakiramdam ko ay mayroon akong nakalimutang alaala na pilit kong inaalala't ibinabalik sa aking isipan.

"Shit! Why can't I remember
things?"

"Apo, huwag mo nang alalahanin ang
bagay na hindi mo na maalaala pa"
ang winika ng aking Lola

"Alam kong may mali. Hindi ko
maintindihan at mabatid kung ano
napaka tanga ko naman"

"Gabi na at malapit na rin sumapit
ang hating gabi mabuti pa kung ika'y
mamahinga na"

Pumasok na siya sakanyang kwarto at iniwan na niya ako. Nang makita ko ang orasan ay...

"11:50 na pala. Mabuti pa kung
lumabas muna ako at magpahangin"

Hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong lumabas non kahit na tuwing ganong oras ay palagi na akong nasa kwarto at nagpapaantok.

Tila ba may humahatak sa akin lumabas. Nang ako'y lumabas, malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pinapakinggan ko ang mga kuliglig at tila ba bumubulong sa akin ang hangin. Tatlong paro-parong kulay puti ang sumalubong sa akin.

"Maging sa gabi pala ay may paro-paro
kayganda niyo namang pagmasdan,
Tatlo kayo at pare-pareho ang inyong mga
wangis"

Lumipad paikot ang mga paro-paro sa akin, sobrang saya nilang pagmasdan kaya kahit papaano ay nakalimutan ko na pilit kong inaalala ang memorya na tila sa akin ay nawala.

"Saan kayo pupunta?"

Pumasok sila sa loob ng aming bahay at nagpunta sa aking kwarto.

"Anong gusto niyong gawin dito?"

Sila'y nagpunta sa Brújula at Gintong Polseras mula sa aking kwarto. Hinawakan ko ito at aking binulsa.

"Batid niyo ba kung para saan ang
mga ito?"

Para akong nasisiraan ng bait habang kinakausap ang mga ito kahit batid ko na hindi naman kami nagkakaunawaan.

"Gusto niyo bang sundan ko kayo?"
tanong ko sakanila

Umikot-ikot muli sila sa akin at tila gustong sundan ko sila kung kaya't ito'y aking ginawa. Sinundan ko sila patungong gubat.

Madilim na sa mga oras na ito ngunit sobrang liwanag ng buwan sa kadiliman na tila ba may nais ipakita sa akin.

Patuloy ako sa paglalakad nang bigla akong may naapakan.

"Land mine? Jusko!" reaksyon ko

Kinakabahan ako sa aking naapakan sapagkat ayaw ko pang pumanaw. Ano na ang aking dapat gawin? Marami pa akong nais marating at mga yaman na ako mismo ang tutuklas.

UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon