Chapter 2: Brújula de Vanguardia

18 2 0
                                        

CHAPTER 2

——— Zander's POV ———

Ang ginintuang polseras ng nakakabighaning binibini ay napasakamay ng kasamaan. Muli ko pa kaya itong makuha?

"Nakakainis! May araw talaga
sa akin 'yang mga bully na 'yan!"
sigaw ko

Sumenyas ang kasama ko na tumahimik daw ako ngunit hindi ko na talaga kayang manahimik sa pinagagagawa nila.

"Anong tahimik?! Sila ang
manahimik! Napaka sama
ng ugali nila!" sigaw ko

Isang babae ang lumapit sa akin at ako'y tinanong...

"Hindi mo ba alam kung
nasaan ka?"

"Ano na naman 'to?
Dadagdag ka pa sa
panira ng araw ko"

Nakapikit ako non at hindi ko agad siya napansin. Nang ako'y dumilat nakita ko na ito pala ay ang aming masungit na librarian.

"Ano ulit ang iyong sinabi
Ginoong Vanguardia? Panira
ako ng araw mo?"
striktong tanong niya

"Sorry po. Hindi ko po
sinasadya"

"Sa susunod na mag-ingay ka pa,
magkita tayo sa guidance office.
Walang modo"

Umalis na ang aming librarian at pinagtinginan ako ng mga estudyante.

"Napakatanga ko!" aksidenteng sigaw ko

Muling tumingin ang mga estudyante at sumenyas na huwag akong maingay. Napag desisyunan ko na lamang na lumabas na ng library. Palabas na sana ako nang aking makita ang isang libro.

"The Legend of Brújula de Vanguardia"

Babasahin ko pa lamang ito nang may isang babae ang lumapit sa akin.

"Interesado ka rin pala dyan?"
wika ng babae

"Oo eh. Ikaw rin ba?"
tanong ko sakanya

"Bata pa lamang ako ay naririnig
ko na ang mga kuro-kuro tungkol
dito"

"Ah. Ako naman ay kailan lang
naging interesado sa alamat na ito"

"Kanina pa ako dito sa library.
Nakita rin kitang sinita ng librarian
kahit kailan talaga ay napaka sungit"

Nakakahiya naman at nakita pala ako ng babaeng ito. Pamilyar siya sa akin kaya napagdesisyunan kong tanungin siya.

"You look familiar.
Do I know you?" I asked

"Hindi mo pala ako kilala? I'm Leigh,
kaklase mo ako sa Philosophy. I like
your answer kahapon, pero bakit late ka?"

Kaya pala she looks familiar, kaklase ko pala siya kay Prof. Hernandez.

"Hala! Kaklase pala kita,
sorry! sorry!" -Zander

"It's okay. Tahimik lang kasi ako
kaya hindi mo ako nakikita nang madalas" -Leigh

She looks pretty. I like her vibe. I feel comfortable na with her.

UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon