Chapter 6: College Life

13 3 0
                                        

CHAPTER 6

——— Zander's POV ———

Unexpected first time. Hindi ko naman inakalang kagabi pala mangyayari ang unang experience ko. Wala kaming tulog dahil nagtititigan lang kami.

"Ginoong Zander at Binibining Leigh,
Ano tila ang aga ninyo para sa araw na ito"

Ang wikang bungad ni Propesor Hernandez na nung araw na iyon ay pumasok ng Alas-5 ng umaga, kahit na Alas-7 ng umaga pa ang aming klase.

"Maaga lang po talaga kaming pumasok"
wika ni Leigh

Nakatingin siya sa akin at pinandidilatan ako ng mata na mistulang sinasabing sakyan ko ang kaniyang sinasabi.

"Opo. Maaga lang talaga kami upang magreview para sa ating pagsusulit
mamaya" sagot ko

"Nakakahalata na ako sainyong dalawa,
aminin niyo nga" habang nakatingin siya sa amin nang masama

"Ang alin po?" -Leigh

"Anong aaminin?" kabado kong sinabi

"Kung nakikita niyo lang ang mga itsura
niyo ngayon, halata ang takot at kaba. May
itinatago ba kayo?"

"Kayo naman po kasi Sir, nakakabigla
kayo, sinabi niyo pang may aaminin kami"

"Ginoong Vanguardia, hindi pa nga tapos
ang aking sasabihin pero ang mga pinapakita
niyo ay mukha ngang may tinatago kayo"

"Ano po ba ang gusto niyong malaman?"

"Binibining Leigh Frances, Bakit
binabalik niyo ang tanong? Baka may
gusto kayong aminin?"

"Maaga lang po talaga kami pumasok
para mag review"

Maya-maya lamang ay may mga pumasok na rin. Halos sampu sa aming mga kaklase kabilang na sina Troi at Greg.

"Kakaiba, marami ang pumasok ngayon"
wika ng Propesor

Gulat lang talaga ako na malulusutan na naman namin si Prof kahit na hindi naman totoo ang dinahilan namin.

Ilang saglit lamang ay narinig namin sina Troi ay Greg na nag-uusap. We heard their conversation.

"Buong gabi na tayo dito wala pa
rin yung sinasabi mong lagusan" nakakagulat na wika ni Greg

Nagulat ako nang malamang dito rin pala sila nagpalipas ng gabi dahil may hinahanap silang dalawa

"Alam kong nandito lang 'yun!
Hindi pwedeng mawala, muli lang
ako makapunta roon, kukunin ko ang lahat
ng kakayanin kong makuha" -Troi

Bakit ba sobrang interesado ng mortal na kaaway ko sa yaman sa kabilang mundong tinutukoy nang nakararami?

"Eh wala nga tayong nakita! Narinig
meron, ang ingay nung pusa na buong
magdamag umuungol" -Greg

Nagkatinginan kami ni Leigh at nagtawananan

"Anong nakakatawa?" -Troi

UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon