Chapter 4: Portal

8 1 0
                                    

CHAPTER 4

——— Zander's POV ———

Nakakagulat na si Leigh pala ang dahilan kung kaya't may black eye ang dalawang bully.

"Paano?" tanong ko sakanya

"Pauwi na rin ako kahapon nang may narinig akong sumisigaw bandang basement. Nang ako'y bumaba, sumalubong sa akin sin Troi at Greg" -Leigh

"Ano pa ang nangyari?" -Zander

I am clueless kung ano ang ginawa niya para maganon niya ang bullies. Tanging siya lamang ang nakakaganti sa dalawang 'yun.

——— Troi's POV ———

May araw sa akin ang babaeng 'yun! Palagi na lamang siya pumapasok sa eksena, ang hilig niya mangelam.

"Kasalanan 'to nung babaeng 'yun!"
-Troi

"Hindi ako natutuwa na ginagawa tayong katawa-tawa sa school" -Greg

Kahapon:

"Siguro naman ay mananahimik na
ang lampang 'yun matapos ang ginawa
natin" -Troi

"Don't you think it's too much?" -Greg

"That's bullshit! Ang kapal ng mukha
niyang sabihin na corrupt ang Dad ko"

Kahit pa na I don't feel the love from my father, it won't change the fact that he's still my father.

"Paano kung hindi siya makahinga?"

"I got everything under control. Walang
CCTV sa basement at sigurado ako na
walang ebidensya"

Nag-uusap kaming dalawa nang biglang may sumagot na babae.

"Dalubhasa ka na sa ganyang bagay ha?
Hindi na rin ako magtataka, ikaw ba naman
anak ng isang Mayor Agua"

Hindi ko siya maaninag ngunit pamilyar ang boses niya, nang siya'y patuloy sa paglapit, doon ko lamang namin siya nakilala.

"Si Leigh" wika ni Greg

"Bakit ba palagi ka na lang dumadating
sa mga oras na hindi ka naman kailangan?"

"Ang lakas naman ng loob mo magtanong.
Hindi ba't dapat ako ang nagtatanong kung
bakit ganon ang trato niyo kay Zander?"

Umpisa pa lang alam kong may kakaiba na, mukhang may namumuong pag-iibigan mula sa dalawang lampang 'to.

"Concerned GF lang ha" biro ko at tumawa kaming dalawa ni Greg nang bigla na lang akong sinapak ni Leigh sa ilong

"Gago ka!" sigaw ko

"Grabe ka naman Troi, simpleng babae hindi mo kaya ilagan. Panoorin mo 'to"

Gagantihan na dapat siya ni Greg ng suntok nang bigla siyang nahawakan ni Leigh sa kamay at sinapak din ang ilong

"Napakayabang mong ungas ka!" -Leigh

UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon