Chapter 5: Trapped

11 2 0
                                        

PAALALA: Ang kabanatang ito ay maglalahad ng isang pangyayari na maaaring hindi angkop sa lahat ng mambabasa (Gawaing Sekswal)

CHAPTER 5

——— Zander's POV ———

Natapos rin ang aming pag-uusap ni Leigh at kinailangan na rin naming umuwi.

"I appreciate you. I really do" -Zander

"Ito, masaya ako na may taong nakaka appreciate sa akin. Sana pati sa aking
mun—— "

Putol ang kanyang sinabi. Bigla niya itong hininto at hindi tinuloy, tila nagulat siya sa kaniyang sinabi.

"Ha? Sana saan?" tanong ko

"Namali lamang ako ng banggit"

"Oras na ng uwian. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Pinapauwi mo na ba agad ako? Ayaw mo
na bang matulog ulit dito?" biro niya

"Gusto mo ba? Tabi ulit tayo?"

Namula siya at bigla akong hinampas

"Ito! Hindi naman tayo nagtabi non"

"Sigurado ka ba? Himbing nga ng tulog
mo nung kagabi"

"Zander, puro ka kalokohan!"

Hinatak ko siya.

"Saan mo ako dadalhin?"

"Sa lugar na hindi mo pa napupuntahan"

Muli siyang namula at kinakabahan, nanlalamig nararamdaman ko.

"Zander, ano ba?"

"Ito, maghintay ka, malapit na"

Hawak-hawak ko siya sa aming pagtakbo at pinagtitinginan kami ng ilang estudyanteng pauwi na. Siguro ay iniisip nila na ang cringe namin ni Leigh.

"Andito na tayo"

"Ha?! Ano namang ginagawa natin dito sa
mga naglalakihang lockers ng school?"

"Huwag kang maingay" bulong ko sakanya

She's blushing. Sobrang ganda niyang pagmasdan, ngayon ko lang siya nakitang ganon ang reaksyon.

"Why are you blushing? Kinikilig
ka ba?"

"Hindi mo nga sinasagot kung ano ginagawa
natin dito eh. May binabalak ka ba?"

"Paano kung mayroon?"

Umiwas siya ng tingjn sa akin at tila ba nahihiya, patuloy siya sa pamumula kung kaya't ang ganda niyang pagmasdan.

"Gagabihin pa tayo"

"Kanina binibiro mo na dito tayo
matulog. Akala ko pa naman ay
gusto mo?"

"Ako'y huwag mong hinahamon at baka
hindi mo ako kayanin"

Sa kaniyang sinabi ay nakaramdam ako ng kilig, umiiwas ako ng tingin upang itago ang aking nararamdaman ngunit nahalata niya.

UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon