Chapter 8: The Lone Boy

10 1 0
                                        

CHAPTER 8

——— Zander's POV ———

I need to accept the fact that Troi and Greg are no longer my friends. Oo mahirap at malungkot pero kung dahil dito kaya ako mag g-grow as a person gagawin ko.

Hindi ko kailangang ikahon ang sarili ko sa mga bagay na alam kong hindi makabubuti para sa akin.

Buti na lang talaga at kahit papa'no kasama ko si Leigh. Alam kong may karamay at makakasama na ako kahit na ano pa ang mangyari.

"Ano bang mali sa akin? Ano
ba ang pagkukulang ko?"

Halos araw-araw ko tanong sa sarili ko 'yan kasi bakit kailangan na sa murang edad ay pinagkaitan ako nang isang kumpletong pamilya. Kung maaari ko lamang balikan ang oras, marahil ay ginawa ko na.

"Wala ka namang mali. Wala ka
namang pagkukulang"

Sa kauna-unahang pagkakaton ay may taong sumagot na sa aking katanungan.

"Leigh, bakit ako minamalas nang
ganto?" tanong ko sakanya

"Wala ako sa posisyon upang sagutin 'yan,
pero ako na ang nagsasabi sa'yo, mabuti kang tao, Zander"

Her words comfort me so much. Hindi ko na alam kung paano pa ang buhay ko kung pati siya ay mawawala din sa akin.

"Anim na taon pa lamang ako
nang mamatay ang aking mga magulang"

Ito rin ang unang beses na naging bukas ako pag-usapan ang trahedya na kinaharap nila sa kabundukan.

"Sobrang bata mo pa pala non"

"Oo, pero tandang-tanda ko pa rin ang
naganap nang araw na 'yon"

"Zander, nandito ako. Magkwento ka,
makikinig ako sa'yo"

Sobrang bait ni Leigh, understanding at shoulder to cry on pa. I have my safe place and comfort zone na. May tao na rin akong pagkwekwentuhan nang naganap ang mga ito:

TAONG 2007
Anim na taon pa lamang ako

Inaapoy ako ng lagnat nang araw na 'yun at todo ang pag-aalala ng aking mga magulang na sina Alberto at Joselinda.

"Ma, Pa!" sigaw ko

Ako'y binangungot sa aking pagtulog at nakakita ng isang hindi magandang pangitain sapagkat mamamatay raw ang aking mga magulang sakanilang pag-alis.

"Anak, ayos ka lang ba?" -Joselinda

"Tila ika'y binabangungot" -Alberto

"Marahil hindi ka nagdasal bago matulog
kaya nagalit ang Diyos!" -Lola

"Nanaginip ako, may hindi raw magandang
magaganap ngayong gabi" takot kong winika

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"
tanong ng aking Ina

"Mamamatay daw po kayo ni Itay
ngayong gabi, please po huwag
kayong aalis" paki-usap ko sakanila

UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon